Huwebes, Setyembre 22, 2016

lashyer: japan (sagot sa kahirapan)

nag-japan kami lashyer. ang buong akala ko nai-blog ko na ang tungkol dito pero upon looking back at the posts, waley. wit pala akong na-blogels abawt japan. di ko na rin makita yung dati kong draft na ginawa sa listahan ng mga posts. ang weird. buhket kaya? saan napunta yon.. hindi naman ako nagdi-delete basta ng mga drafts. henewei..

similar with sked as previous year's paghahanap kay Li Min Ho sa kor'yaOctober, ngayon level-up ang aurahan, mas mahal. napa-nganga kami sa gagastusin lalo na kaming tatlo ni Darla at Trixie kasi mas mahaba ang stay namin, me extra 2days pa kaming mananatili kasi pupunta pa kaming Kyoto at Nagoya. so spell NGANGA. pero sa kabila non alam naming magiging masaya itwu. kasama rin namin ang iba pa naming friends with their pamelis. pero si Darla at Trixie lang ang me character build-up na dito sa blogelya kaya't sila lang ang importante. lol
Welcome to Japan!
so we started out in Tokyoone hell of a busy city. but ironically it isn’t as noisy as it seem, likas kasing hindi maingay ang mga hapon, at ang linis linis pwede kang humiga sa gitna ng daanan! the people seem to have their own personal businesses—walang pakialaman mga teh! kahit maglulumpasay ka pa sa daan, titingnan ka lang nila sabay kebs. ganurn dourn. at hungdameeng gwapo at cuties as in!! i thought sa Kor'ya ko mai-experience ang makasalubong lahat ng asian cuties sa daan pero hindi, sa Tokyo mga bakla! Tokyo is also famous as a food,  shopping, and fashion haven. jusko, nakakalula sa dami ng sosyal na shops at sosyal na mga tao, at habang naglalakad ka sa daan feeling mo parang andun ka sa isang malaking fashion show! kaya nakiki-ootd na rin kami. we spent 2-days in Tokyo.

greeted by a gentle morning light & cool weather
ganito kalinis ang mga kalye nila
a busy street crossing
tropa of youngsters

hop-on hop-off double decked city bus tour
the famous Hachiko bronze statue

 view from the Starbucks of this famous, Japan's busiest junction
the Tokyo night scene


at the Gotemba Premium Outlets. shopping!
Mt. Fuji at the background, w/ Jes
life-size Gundam! na-meet ko rin xa. OMG! moment
Asakusa Kannon Temple, Tokyo
on the second night  we rode a night bus to Osakaanother major Japanese city. bonggaloo ang night bus nila! bongga rin naman ang syudad na itwu pero hindi na kami masyadong nabigyan ng chance na makapamasyal pa, maliban sa Mangga Cafe (pwedeng maligo sa loob), lalo kasi ang ipinunta namin dito talaga ay ang Universal Studios, dahil sa Harry Potter theme park attraction. makakapasok na ako ng Hogwarts! another OMG! moment na naman itwu. lol
  
 

in fairness, ang di ko makakalimutan dito ay ang napakasarap na frozen Butterbeer (na 500 pesos lang naman! me maliit at 280 yata..) at ang unforgettable sumptuous full meal experience ko sa Three Broomsticks. OMG. aside from the awesome authentic feel and ambiance, the food was really OMG! ang sharaap! hindi xa medyo mahal kasi MAHAL talaga xa. nga lang pero hindi itwu araw-araw mangyayari sa buhay bakla ko so kineri ko na, pinush ko na. at sa sobrang pagka-overwhelmed ko sa dinner, nakalimutan kong me camera pala akong bitbit at dapat di nakalimutang mag-selfie. watda-eff. 
the Harry Potter theme park entrance
Hogwarts Castle
look at the roofing windows draped w/ fake snow
look at my scarf, naka terno sa background. lol
interior: statue of the Hippogriff
interior: high ceiling w/ moving fotos on the wall
souvenirs & memorabilia!

after the Harry Potter adventure bumalik na yong mga ibang kasama namin sa Tokyo while me, Trixie at Darla nanatili sa US (universal studios teh). inabot kami ng gabi sa paglilibot sa US timing rin na me holloween churvaleklek palang magaganap sa gabi. so nagsilabasan na lahat ng mga zombie sa US! bakla yong ibang zombadingz me mga hawak silang chainsaw at kung tatanga-tanga ka, nasa likod mo na pala ampota at bigla na lang paaandarin ang chainsaw at jusko magugulat ka! tumalon nga bigla ang boobs ko eh. si Trixie biglang napalundag sa gulat at si Darla muntik nang mahulog sa gutter.


at the Universal Studios Osaka, w/ Darla
on the following day we headed to Kyoto—my beloved KYOTO! sa lahat ng napuntahan ko isa ito sa napa-nganga talaga ako sa ganda. as in W-O-W nganga! shett ang ganda at ang bango. ang linis linis. kung gaano kalinis ang Tokyo at Osaka, times two ang Kyoto mga bakla! ang Kyoto ang parang isang probinsya kung saan, if you’re looking for an old japanese scenery & feel, this town is a must-go destination. ang mga bahay dito yung parang makikita mo sa Doraemon. dito rin makikita ang mga (authentic) geishas na lumalabas tuwing gabi papunta sa kani-kanilang trabaho. bonggaloo di ba? must-exerience din ang mga kainan dito, pero mas mahal. lol. Kyoto is really unforgettable. kaya’t kung magja-japan kayo wag kalimutang mag-Kyoto!
 
Trixie, Arashiyama Bamboo Grove (Kyoto bamboo forest)

the Doraemon houses neighborhood. lol
red, orange, & yellow autumn foliage @ the background
must try: authentic Matcha Ice Cream!
a gravel walk path to the Kinkaku-ji Temple, Kyoto
the Golden Pavilion Temple (Kinkaku-ji) w/ Darla & Aya, Kyoto
old Japanese cemetery adjacent to the Bamboo Grove
on my way up to Fushimi Inari-taisha, Kyoto
Trixie at the Fushimi Inari-taisha zen
on our sixth and last day day, Trixie, Darla and i headed to Nagoya. wala na kaming masyadong nagawa sa Nagoya pasyal-pasyal na lang, baka sakaling me makasalubong kaming yakuza. lol. doon na rin kami namili ng mga pasalubong galore kasi me murang tindahan ng mga pasalubong sa Nagoya. from there bumalik kami ng airport via the bullet train-Shinkansen, sosyal, another OMG moment kasi ang mahal ng ticket parang nag-eroplano! mura na nga daw yung nabili namen pero mahal pa rin. on the evening will then be our flight back to cebu Pilipins.  
on our way to pasalubong store, w/ trixie, Nagoya
sa bawat paglalakad me pupuntahan. sa bawat pupuntahan me mga matutuklasan at matototunan. tingnan ang paligid, masdan ang mga tao. langhapin ang hangin at amuyin ang halimuyak ng isang mabuting karanasan, kasi ang bawat lakad ay matatapos din sa bawat hakbang ng ating mga paa.. so hayun, hanggang sa susunod na namang gala.
hello Hong Kong!





you may also like: pure shores
                           a look back at the conversations i had: "He's gay. Implied."
                           the husband store

Linggo, Setyembre 18, 2016

deeshyer: hk!

it’s official, i already filed a week’s leave on October for a flyaway. yes mga froglettaloo, i think i really needed a week to desaturate myself from much work. pangangatawanan ko na ang sinabi kong “Feb to May to sail away, October to fly”. this time magho-Hong Kong ako.

everyone's been there except me, hmm..at least with the people that i know. different feedbacks both good and…not so good arrayed their adventures while they were having their soul search. lol. pero mas madali sa HK kasi di na kailangang mag-apply at magpa-process pa ng visa ang mga beki la fea.

while i was still planning for my next trip earlier deeshyer it happened that my friends who are now living & working in Singapore were hankering about going back to Hong Kong on October, so when they told me if i’d be interested in joining them i made a quite no-so-well-thought decision and affirmed right away. a pretty quick Yes was that. agad agad.

so the trip was almost pretty arranged, round trip local and international tickets (we booked earlier this year so we could avail the cheaper airline promos!), the apartment where we will be staying, and of course our itinerary. bumili na nga ako ng bagong trolley bagelya at mga susuotin. lol. speaking of the apartment, me nakuha kami sa Airbnb (fotos below). located at the center of Mong Kok, so entertainment, shopping, eating & leisurewise, it's just downstairs. the place is nice and pretty decent. basing at the comments & feedback, the hostLuluis very nice and accommodating. at amin yong buong apartment for 5days! kewl isn't it?

sa hindi sinasadyang pagkakataon, parang 2 consecutive years na ‘kong nakakapasyal outside the pilipins starting noong kor’ya experience ko, sumo-social climb? lol. saka ko lang itwu napansin. hk will be my 3rd. lashyer pala, together with some friends kasama rin sina Trixie at Darla, we went to Japan. at dahil wala pala akong nai-blog about ditu, will make a sepatrate post for it.

i'd wish to take as much fotos during the trip (which i don't really do) so i could share something dito sa blogelya. so wish me luck on my HK trip on October.

mong kok apartment bedroom -a
the living area to the kitchen
living area to the bedrooms
taps & bowls
me bonus pang sitting area sa roof deck!



you may also like: kor'ya
                            


Linggo, Agosto 21, 2016

eetcha date. daw



ang sarap papakin. mamula-mula at  talagang nakakatakam. ngayon ilalapit ko na ito sa bibig ko at maamoy ko na ang pinaghalong alat at tamis. hindi ko na mapigil ang sarili’t isusubo ko na ito kaagad ng buo. sa loob ng aking bibig nararamdaman ko ang bilugan nitong hugis, bawat sulok at kulubot ninanamnam. sinisisip ang tamis at malapot na katas.

dates po. kumakain lang po ako ng Dates. alam niyo ito di ba? ito xa oh..

yan po ang dates. isa xang palm fruit na mukhang malaking raisins. sa me mga kamag-anak sa middle east o egypt i’m sure natry niyo na yan.

ispeeking of deyts, me ka-date ako last sabado. totoong date na ho ito—si Richard. matapos nilang maghakot ng mga gamit ng ate niya at umuwi sa kanila pumunta ulit si Richard sa cdo. at pag nasa cdo siya saan at kanino pa ba xa pupunta? xempre…hihihi.

dala na niya ang bio data niya at letter of intent na pinagawa ko. pinagawa ko rin xa ng resumé. ito lang talaga yong pakay niya sa akin, magsubmit ng requirements, so wag sana akong feelinggera! wish ko lang! inirefer ko kasi xa ke voluptuous  Darla para magkaroon ito ng mas magaang na trabaho. yung hindi naiinitan at naalikabukan sa construction.

dahil sa hapon pa xa babyahe pauwi sa kanila, niyaya ko siyang ‘lumabas’ muna kami. medyo boring din naman yung nasa bahay lang kasi, walang masyadong magawa kundi mag-internet at tv. so nag date kami, pero ako lang ang nakakaalam na magde-date kami. lol

kahit medyo kapos sila sa buhay malaki ang pangarap niya para sa pamilya at sarili. at nakita kong pinaghihirapan at pinagtatrabahuan naman niya ang mga bagay na gusto niyang magkaroon. kaya pala wala nang natitira sa sweldo niya kasi ibinibigay niya ito sa mama niya para sa buwanang pambyad ng motorsiklong kinuha nila. ginagawa nila itong habal-habal para pandagdag kita na rin para me pagkakakitaan habang wala pa silang permanenteng trabahong mapasukan. (relationship goals ulet: construction workercheck. habal-habal driver—check na check! lol). kahit medyo bata pa si Richard, matanda na ang pananaw niya. at iyon marahil ang katangiang meron xa na wala sa mga lalakeng walang ibang ginawa kundi ang manghuli ng pokemon.

ngumiti xa bigla, parang me naisip na nakakatuwa. #hunggonduhngngipinniyashett. #kiniligampota.
“bakit?”, tanong ko. “wala. ngayon lang kasi ako nakapunta sa lugar na ito. masaya lang. hindi ako pumapasok sa mga sosyaling kainan”. naaliw ako sa sinabi niya. isip ko, ito ang mga klaseng taong gusto kong makasama, yung tipong naappreciate ang mga bagay na hindi mo na masyadong binibigyan ng pansin. yong tipong pinapaalalahanan ka na ang swerte mo na natatamasa mo ang mga bagay na akala mo'y tinatamasa ng lahat pero hindi pala. “yaan mo, pag natanggap ka na sa trabaho, ikaw na ang hangout buddy ko”, *wink! wink! nakangiti kong sinabi sa kanya.

pagkatapos kumain pumunta na kami sa silid ng motel cinema. manonood kami ng sine. pero sa lahat ba naman ng pagkakataong me makakasalubong kang nakakakilala sa iyo, ngayon pa mangyayari sa panahong ayaw mong me makakita sa‘yo—on a date—with a guy. heller.. si uncle Max! owwmuygeed, buhket? bakit dito pa na me ka-holding hands kasama akong boylet. Lord?!

“uncle” (sabay mano). “o ba’t ka andito, manonood kayo ng sine?”, shett, bokelya. interview galore itwu. “ikaw lang ho ba? si auntie ho kasama niyo?”, balik kong tanong. “Jason Bourne ba yung panonoorin niyo?”, ayaw patinag, grabe xa. mukhang magkakasabay pa kaming manonood. watdapak. gusto ko nang umuwi. #panicmode. #hayokonahh! “oo, me mga kasabay kami pumasok na ho sa loob”, pilit na minu-modulate ko ang boses. sinungaling! nagsinungaling ako shett! kalma.. “maganda. yan pinanood namin ng autie mo kahapon”. hanu raw, kahapon? sabi niyo ‘kahapon’? so di na ho kayo papasok sa loob kasi nanood na kayo kahapon? tama ho ba ang rinig ko? “dito lang muna ako habang hinihintay ko yung auntie mo, me biniling sapatos diyan sa tapat. alam mo naman yon ang bagal pumili”. #relieved. (kunwaring nauubo pagkatapos hingang malalim). “kasama ko ho—si Richard. me usapan kasi kaming magkita dito ng mga iba ko pang kaibigan pero mukhang nauna na silang pumasok. punta na ho kami sa loob”, inunahan ko na siya para di na magtatanong. sa totoo lang parang gusto ko nang malusaw sa sandaling iyon. #sinungalingmuch. “asan nga pala si mama mo ben, magkasama ba kayo?”, hirit pa ni uncle Max. “hindi eh”, sabay hila ng sekreto kay Richard para makaexit na kami. di ko maipinta ang mukha ni Richard, para siyang lito na me halong taka. in short, wala siyang ideya.. naging okay naman at di ako binalatan ng buhay ng aking uncle. sushmita sen.. nakakalukraine.

minsan sa mga panahong gusto nating kalimutan muna ang lablayp at paglalandi, me darating bigla sa ating buhay na magpaparamdam sa atin na hindi pa tapos bagkus nagsisimula pa lang ang lahat. gusto kong maniwalang mag-uumpisa pa lang ang mga bagay sa buhay ko. as the old adage says: life begins at forty. pero medyo malayo pa ang forty. sana lang kung darating na ang tinakdang panahon na yan handa na ang tadhana kong tanggapin kung sino man yong taong handang tanggapin kung sino at anuman tayo.

sinabi niya lalabas kami ulet at siya naman ang taya. hindi ko yon masyadong binigyan ng pansin kasi ayokong umasa sa salita kasi kung aasa ako, hihintayin ko yung araw na yon. at sawa na ako sa paghihintay.. pagod-na-pagod-na-ako.. SAWANG-SAWA na! lol.
charut.

“magtext o tumawag ka ha pagkarating mo sa inyo. sa susunod ulet”, bilin ko kay Richard bago siya sumakay.

“salamat ‘ya, ingat ka sa pag-uwi mo”, sabay flash ng magandang ngipin. simple man at kadalasan ko na itong naririnig sa mga kaibigan ko, sa pagkakataong ito parang iba ang dating sa akin. siguro dahil nag-uumpisa na naman akong bigyan ng kahulugan ang mga bagay. parang pamilyar na ito sa akin..

Pak! slight sampal sa pisngi. ginigising ko lang ang nananaginip na namang isip. :)



related posts: tell him
                     transitory



photo taken from: miagraphy.wordpress.com