Huwebes, Disyembre 13, 2018

ang pa-caption ni kuya

yung tipong me makikilala ka on line tapos sa di niyo parehong inakala, magki-click kayo. tapos ang gaan ng loob mo kasi feeling mo pare-pareho lang ang wavelength niyo, at kahit iba ang mundo niya sa mundo mo, maraming bagay ang meron kayo parepareho’t nakakarelate kayo sa isa’t-isa.

tapos, halos araw-araw na kayong nagpapalitan ng message. charut di ba? di naman kailangang sweet, pero nagpaparamdam lang palagi na andiyan siya, at ganon ka rin.

tapos me kinuwento kang personal na bagay sa kanya at unti-unti nang lumalalim ang kumunikasyon at pagtitiwala mo. tapos sasabihin niya bigla, “I want to show you something”, tas kakabahan ka na kasi ito ang matatanggap mo:



tas di mo maipaliwanag ang kasiyahan at galak na iyong nararamdaman, parang me malamig na mainit na nagsisimulang kumakati sa loob. tas sasabihin niya; “Describe yourself”, charut, “hanu ka ba, beh? ang obvious naman ng sagot, xempre ̶ maganda. umaapaw nga sa ganda!”, yon yung gusto mong isagot pero di rin naman yon totoo kaya idinelete mo na lang at iba ung isinend mong reply.

tas me joke kang korny at OA siyang makatawa, naka-capslock pa talaga ang  HAHAHAHAHAHAHAHAHA…+ emoji na pagkahaba-haba. di pa nga kayo nagmeet ever at di pa nakikita ang isa’t-isa pero feel na ninyo ang closeness niyo. choz. at tatanungin ka na niya ng: “So what’s your schedule for today and who are you going with?”. huwaat? uhhmm..schedule ba kamo? wala naman akong specific schedule. i just do my daily routine tas punta na sa work. un lang. minsan me lakad with friends pero di naman araw-araw just random days.

yung feeling na parang unti-unti na siyang nako-curious sa mga ginagawa mo while you do your own day while siya naman ay far away. pero mawawala na naman ang lahat ng “feeling” na yon kasi maglalambing na naman niya: “I think you’ll like this”, tas me isisend siya bigla:


tapos kikiligin ka naman. sa kagustuhan mong wag muna manghingi ng full photo kasi di naman din xa nanghingi sa’yo, at di naman yon importante, sasabihin mo na lang na: “can you please tell me curious things about you?”

tas, sa lahat ng pwede niyang sabihin, ito yong matatanggap mong reply:


..na me kasamang: I’m a catch babe, coz I go to the gym almost everyday. Anyone would feel lucky to have me. I’m tall & muscular and I feel people turn their heads on me. Yes, I’m great in bed too!”. TALAGUH? di halatuh huh? na parang nang-hahamon, nang-aakit, at nangingimbita..

beh, di yon ang gusto kong malaman eh, uhmm yeah, it’s nice to know that you are that but i meant the more personal matters that made you. charut. describe HOW you are, not those kind of stuff. di mo naman na-gets eh..

sa ilang lingo ninyong halos araw-araw na pagcha-chat, parang nahahalata mo nang di na lalalim pa ang pagkakakilala niyo sa isa’t-isa. yong dating “tickle” na nararamdaman mo sa’yong kepps ay parang di na umi-epekto  and you reached to a point where you got bored na. choz. at wala na yong dating excitement (kilig at kati) pag nakita mo yung abs niya.

isang araw habang kayo ay nagcha-chat bigla ka lang napaisip: if one hot guy goes to the internet for a date, hookup, or possibly a relationship (eerrr), isn’t that an irony in itself? di ba? pag ‘hot’ ka kasi i’m pretty sure you’re in a relationship na so u’re not single anymore; or, casually do random hookups so you won’t have the time for social media hookup sites; or..the perks of being hot ̶ someone will surely hit on you anytime instantly. pero bakit ka andito beh, anu ba hanap mo?

or maybe, does this say something?…

yeah?

sa kadahilanang gusto ko nang itigil ang kahibangang pinasok ko, i decided to send my “worst” pic so to experience his reaction. something he would cringe.

“Wow, I didn’t know…”

“what u didn’t know?”

“I’m sorry, other than this I thought you are otherwise.”, at yon, mula noon di na xa nagparamdam. ung parang ang tahimik na ulet ng notifications bar ko. LOL.

kala niyo ba end of story na?...but wait, there’s more!! one day he sent a foto of my biggest surprise. this time whole body pic na itey na me pa-caption:

 “YOU DON’T KNOW WHAT YOU GOT TIL YOU’RE MISSING IT A LOT”

tapos ito nga yung foto.








you may also like: size matters!
                             a doze of what?
                           xa na!
                         

Huwebes, Setyembre 27, 2018

just a random incident

minsan nang ako ay mapatambay sa labas ng bahay, sa may tindahan. malamig at maulan, ang araw ay patapos na’t ang misteryosong kulimlim ng gabi'y papasok na. isa ito sa mga araw na nag-iisip lang ako. isa ito sa mga araw na ako ay nakatingin lang sa kawalan, at tila ang isip ay lumilipad kung saan-saan. ayoko ng ingay. gusto ko lang magpahangin, gusto ko lang huminga ng malalim.

binuksan ko ang dalang isang pakete ng chicherya ̶ nagutom kasi ako bigla. mga labi lang ang gustong ngumuya. wala na akong ibang gusting gawin. maraming bumibili, di man lang makuhang tumingin di ako pansin sa isang tabi. tahimik, nakamasid lang sa mga dumadaan, mga paparating at umaalis sa maliit na tindahan. lahat di nagtatagal.

sa madilim na daan sa di kakayuan mga mata koy napatingin: me tatlong taong paparating. tatlong tao ̶ isang tatay, bunsong babae, at isang binatang lalake. sa tindahan tumigil silang tatlo, magulo tila ba masayang nagkukulitan. me ikinukubling katuwaang sila lang ang nakakaalam..

cute yung binata. minsan ko na rin pala siyang nakikitang bumibili. lumingon xa bigla sa banda ko’t nahuli niya akong nakatitig sa kanya. shett. ang weird ko sigurong tingnan sa mga panahong iyon. ampanget.

pagkatapos nilang bumili ay dumaan na sila.

ilang saglit pa ang lumipas nang biglang

“ay, sorry..”, nagulat ako nang biglang me humawak sa nakasandal kong kamay sa backrest ng aking inoupuan. agad akong lumingon sa aking likuran: xa pala. “ay, sorry..”, yan lang yung nasabi niya. mahina at minsan niya lang sinabi iyon pero parang paulit-ulit ko itong naririnig sa aking taenga. ang kanyang kalmadong boses..ang kanyang mabait na mukha. agad niya rin namang binawi yung kamay niya sa kamay ko.

abey, anetch be itey?  moment ng bakla?” parang natawa ako sa nangyayari. kung lahat lang sana ng aksidente at di sinasadyang pangyayari ay ganito... aaminin ko, nabigla ako sa ginawa niya. at siya para ding natatawa sa saglitang sweet at romantic na hand-touching moment namen..

lumaapit siya ulit sa  tindahan at bumili.  cute naman talaga xa ̶ tama lang ang itsura, maitim, matangkad, simple at very low key. mukhang mabait at very gentlemanly. minsan ko lang kasi siyang nakikita kaya’t parang name-misteryohan ako sa kanya.

pag-alis niya pilit kong kinalimutan ang insidente ng gabing iyon. pero hanggang sa aking pagkahiga sa tulugan sa kailaliman ng gabi, ang mahinang salitang “sorry” ay paulit-ulit na tumataginting sa aking di makatulog na isip. napa-isip ako: minsan pala ang salitang sorry ay hindi sa lahat ng pagkakataon nagpapahayag ng kalungkutan at kabiguan, minsan lalo na sa mga pagkakataong hindi natin lubos inasahan, ito ay nagpapahiwatig din ng pagkamangha, kilig, at pag-asa.




poem by, yours truly.


Lunes, Agosto 27, 2018

happy Fiesta, CdeO!


since i'm from Cagayan de Oro City, and based here for work, maybe it is appropriate to announce to the world (charut!) that we've been celebrating our city fiesta, and the month-long activitites have already begun since the beginning of August. maliban sa buwan ng wika mga bess (LOL) andaming kaganapan sa buwang itwu, me pa-fiesta pa! yes folks, medyo traffic po ngayon sa amin kasi andaming activities. people are almost everywhere. and the invitations for lunch, dinner, snacks, EBs, SEBs, etc. just kept coming. ako na lang ang kulang! choz.

so here are the schedule of the month-long activities, just in-case by accident, napadaan kayo sa CdeO.  LOL


HAPPY FIESTA FELLOW KAGAY-ANONS!!


schedule of activities poster taken from here.

buwan ng wika

ang buwan ng Agosto ay ang Buwan ng Wika. dati nung nag-aaral pa ako isang-buong linggong pagdiriwang lang ang ginagawa namin sa aming paaralan. pero sa bisa ng proklamasyon ng dating pangulong FVR, pinalawig ito ng isang buwang pagdiriwang.

hindi ko makakaligtaan ang buwan ng wika kasi ito rin ang buwan ng aking kapanganakan, hihihi.. kaya dati aktibo ako sa pagsali sa iba't-ibang kaganapan sa aming eskwelahan gaya ng balagtasan, sabayang pagbigkas, paggawa ng poster at slogan, pagtanghal ng mga katutubong sayaw at marami pang ibey.  

hinihimok din sa mga silid paaralan ang sanayin ang mga mag-aaral sa parating pagsalita ng wikang Filipino, ang pag-aaral at pagsaliksik sa mga kinalakihang Bugtong, Sawikain at mga Salawikain, mga Tula at Maiikling Kwento, at Alamat. kaya nga siguro hindi purong ingles ang blogelyang itey kasi kahit na millennial akis (choz!), nananalaytay pa rin sa bawat hibla ng aking unat na buhok ang pagiging isang purong dalagang pilipina. charut.

at dahil nabanggit na rin lang ang alamat, me iiwan ako sa iyong lahat na isang Alamat. at kayo na ang bahalang tumuklas kung saan nga ba nag-ugat ang maugat na ugat na itey! 


Biyernes, Agosto 24, 2018

sumugod sa ER

dahil sa pagiging hamak kong baklita, nakagat na naman ako mga bakla. isang kuting mga momshie beks. pinilit ko kasi itong kumain kasi me sakit yung baby miming at ayokong mamatey itwu. at nangangayayat na xa. oo, mahal ko mga alaga kong hayop. pati na rin mga HAYUP! kaya ayon, sa pagpipilit kong ipakain sa kanya yong inihanda kong fudeywa, daliri ko tuloy yong nilafang niya. maliit lang ang “tusok” sa hintuturo pero dumugo. kaya’t agad ko itong hinugasan at sinabon ng maayos. pinadugo ng husto at saka pagkatapos nilagyan ko ng iodopovidone para kunwari me first-aid.

kinagabihan bigla akong nanaginip: nasa isang madilim na silid ako’t nakahiga sa kama. ako lang daw mag-isa sa kwarto. tas nung akma na akong tatayo para hanapin ang lahat hindi ako makagalaw kasi nakagapos pala mga kamay ko. Fuck! Ba’t niyo ako kinukulong? Ano bang ginagawa niyo sa akin?!, sigaw ko. biglang me pumasok na isang babae, hindi ko siya kilala at bigla niya akong tinurukan sa leeg ng likidong di ko alam kung para saan. Amputah! hindi ako makapiglas sa higpit ng pagkakatali sa'kin. Sir, wag po kayong malikot, me ituturok pa akong isang gamot, sabi ng babae. Gamut? Anu bang nangyayari ba’t niyo ako ginagamot, wala naman akong nararamdamang masama?, tanong ko.. nung itinuturok na niya sa daliri ko yong pangalawa, napasigaw ako sa sakit. Puta, ang sakit! shit!, napasigaw ulit at bigla kong napatid ang katabing mesa at nahulog yong basong me lamang tubig. sa di maipaliwanag na dahilan, biglang nagtatatalon ang dibdib ko sa kaba nung nabasag yung baso.

bigla akong nagising. aba pamilyar na to ah, panaginip na naman ang peg namputa. kumikirot yong daliri kung saan ako nakagat, pagtingin ko namumula ito't parang namaga. bigla kong naalala yong napanaginipan ko’t pumasok agad sa isip ko ang salitang “rabies”. jusko, bigla akong nag-alala…baka nga senyales nga yong panaginip at kailangan kong pumunta agad ng ospital.

kinabukasan nagresearch ako sa internet about Rabies: mga symptoms at paano ito mapipigilan. doon nalaman kong walang ibang mabisang panlaban dito kundi ang post-exposure vaccination kung ikaw ay nakagat na ng hayop. kaya kailangan ko talagang magpabakuna sa isang designated animal bite center (ABC).

ang Rabies ay isang viral infection galing sa mga rabid na hayop, kadalasan sa mga aso ito nakukuha. dahil virus, wala pa po itong gamot sa ngayon na pampuksa mismo sa virus. kapag nakagat ng rabid animal (o hayop na rabies virus carrier), ang virus po ay magmu-multiply kaagad at magta-travel mula sa area ng nakagat patungong utak ng biktima, at a rate of 3-millimeters per hour. ibig sabihin, kung nakagat ka sa daliri mas mabilis ang viral incubation period nito kumpara kung sa paa ka nakagat. pag malayo sa ulo yong kagat minsan inaabot ng ilang linggo yong incubation period ng virus. ang kadalasang lunas na ginagawa ay ang paglapat sa pasyenteng nakagat ng anti-tetatnus at immunoglobulins. ang immunoglobulins ay klase ng cultured proteins na ini-inject derecho sa muscle ng pasyente para sa gayon magkaroon ng matapang na panlaban ang immune sytem para puksain ang rabies virus.  pinapayuhan ang lahat ng nakagat na magpabakuna agad at wag nang hintayin kung me mangyari sa hayop (pag namatay kasi ang biting animal malamang, rabid ito). pag late na kasi at nagma-manifest na sa biktima ang sintomas ng rabies (fever, agitation, photophobia, aerophobia, hydrophobia, etc.) hindi na ito nagagamot ng bakuna. kadalasan ang pasyente ay namamatay.

dumating ang sabado at maaga akong umalis patungong city health animal bite center. libre sana ang vaccines doon pero sabado pala walang nag-oopisinang medical personel kaya’t di nila ako maasikaso. gayun din sa mga government hospitals, kailangan ko na lang daw bumalik sa lunes. ansabe ko ang layo pa nung lunes kaya no choice kundi sa isang private hospital ako rumampa, kailangan na kasing magpabakuna kasi feeling ko napapraning na ako’t halos gabi-gabi na ako nananaginip ng di maganda. di ko kering bigla na lang ako maglalaway tas malu-lukraine bigla mga momshies, matatakot sa ilaw, hangin at waterrr! di ko matatanggap na sa ganitey ako matsu-tsugalz! ney!!!

lalo pang nagpapalakas ng paranoia ko ang pagpanaw ng aking belaveed unvaccinated kuting, 4-days after the accidental bite. di ko knows kung dahil ba ‘yon sa sakit niya o dahil rabid xa’t nakagat niya ako. OMG, dezizeet! terror galore na ang mga boobs. wala na akong choice kundi maging bespren yong siringgilya kung ayaw kong ma-dedz. ang sabi ng doctor, regardless kung ano man yong dahilan ng pagkamatay ng kuting ilalagay nila ako sa Category-3 (last & most critical category kasi namatay yong biting animal). ibig sabihin nito, magpi-fiesta ang mga siringgilya sa katawan ko here, there and everywhere! at kailanganin kong bumalik don for my schedules sa 5-vaccination sessions. ODB, bongga?! at dahil sa private hospital ako nagpa-vaccinate, sing-bongga at happy fiesta rin ang gastos ng vaccination! biruin niyo nung day1 vaccination, 6kiao pay-sus agad ang nagastos ni bekiloo. jusko! me mga succeeding sessions pa bakla. kaya kayo diyan, mag-ingat talaga sa kagat ng alagang hayop. pati na rin sa kagat ng mga TRAYDOR at HAYUP!

sabi ng doctor dapat daw agad akong nagpabakuna kasi pinaabot ko pa ito ng halos isang lingo. mabilis kasi umakyat ang rabies virus sa utak at pag umabot na sa utak yong virus, girl, magpaalam ka na sa mga momshies kasi very morbid ang sakit na itwu. hindi na nagagamot kapag ikaw ay nakakaranas na ng mga obvious symptoms ng infection. goodbye pilipins, goodbye world na ang peg mo baklita ka. hanggang ngayon nga kahit naka-3 sessions na ako ng vaccination parang di pa rin nawawala ang pag-aalala ko. kaya kayo diyan a friendly advice, take every bite seriously po.

on a serious note, when handling animals or pets that aren’t yet vaccinated, exercise with caution. better yet have your pets vaccinated sa barangay centers mga bakla, libre po ito. para hindi kayo matulad sa akin na gumastos ng limpak-limpak at hindi pa tapos ang sessions ko hanggang September 30 pa po (pinang-shopping ko na lang sana yong datung). mami-miss ko man yong alaga kong pusang maliit, sadly sinapawan naman itwu ng paranoia na baka ako naman ang sumunod sa kanya, at sa isang masaklap at kahindikhindik na pangyayari pa sa fabulous na iyong lingkod at nag-iisang baklitang me dugong stripes. 
charut.




you may also like: gaviscon? bakit gaviscon?


disclaimer: i do not take ownership of the photo used for this post. credits to the real owner. photo for visual use only.

Martes, Agosto 14, 2018

ruminasia

i will lay on the ground where the soil warm, and the grass new. under a reverie that time yields with eyes set towards the blue yonder i will run round slopes of vignette pictures of ever-shifting daydreams designating away life’s complexity. the euphony of peace will gently breathe into my sentiments on a transcendent crossover, immersed at a juvenile sun that inundates through the slopes of  promises of verve and absolute simplicity. 
 
amidst this austere state of hectic reality i dwelt in a lonely shell following the same footsteps before life’s exasperation dins the cacophony of madness against a once exuberant spirit. the constraints and its unsettling awareness—the reason to flee, the reason to retreat into our own thought-made havens.

we would craft our own euphoria. some broadened and swelled having innards of desire and love,  others—of good fortune and dreams. or, simply on solace and relief! wherever those transit leads, with or without hesitations only the respite of the soul shall regain its peace. but to him who’s favored to stay in the same old burrow will forever carry the resentment of his own enouement.

but this idea has tilted further towards a bizarre obsession.

now, i am drawn into this engendered idyllia arriving over a fabricated pane of alter-reality, this once, where my skin eases and the mind quietens; least this idyllic world—those disconcerting consciousness is within my own restrain. but what decorated this kaleidoscopic utopia are the glittery thoughts itself that i contrived—with its mellowed seasons the air is as soothing as spring; where the solstice shines like rhinestones that closes to an evening of deep synthetic sapphire. as if i’ve stepped-in on a diurnal faraway from where everybody is. and it is on that balmy skin of earth these feet trudged i was able to surmise there is nowhere i would rather be. and no one should ever find me too soon.

with serenity as the only reprieve, i bear no ill-tempered heart that pretends nor hold a bitter mouth that speaks sugar-coated words, or carry brief minutes of hardened cynicism.  only here the asylum, an incorruptible place: unconditioned—whole. everything that sends out a whiff of  resentment will be mere dusts that will trickle to the landscapes that roll endlessly over this undented space of mirth and quietude. 

the repose of those incongruous hours captivated over time's transience never parted away from the open fields of blissful solace. once the mind absorbs, the prose that tendrilled within the musings were those that were partly lived, haply every contentment yet do hang on them. i will always come home and bring no bad news with me.

after i lost myself in the magic of withdrawing in solitude i take along the names of things i came across:
as the rhapsodies of the running brook; the prismatic sprinkle that almost wraps the earth; as the inscrutable respiration of the verdant land, it’s drone. as with the first few sunflowers that unveil, or as the dandelions like children of summer liberating themselves away their mother's clench; as the skyshadows and of the heartwaters heaved above the electric mouth of the sky. we be well-aware we are ensnared in the confines of a substantial onism and we the temporal fibers; and truth only—where our foremost frontier is—bears the might of wisdom no bounds should ever contain.


so shall we all rest on a ground where the soil is warm and the grass new? running on our own landscapes, bathing under the constant rain of a citron sun? so we can shut very pleasantly to summon a moment therein.. don’t ever pull back too quickly—for you may not want that immersive journey's amniotic tranquility dissolve in your awareness to soon. for as long as we breathe deeply for that solemn upkeep of reflective understanding, the sequel of those insightful episodic daydreams..must go on.




"WE DO NOT NEED MAGIC TO CHANGE THE WORLD, WE CARRY ALL THE POWER WE NEED INSIDE OURSELVES ALREADY: WE HAVE THE POWER TO IMAGINE BETTER." _J.K. Rowling


related post: hibernasia


disclaimer: i do not take ownership on any of the photos included in this blog post. photos for visual use only. this is not a monetized blog site.
photos taken from:  cowrks.com
                             dailydesigninspiration.com
                             socio13.wordpress.com
                             fr.best-wallpaper.net