Biyernes, Nobyembre 04, 2011

Oo, Bakla Ako..Bakla!

Minsan na rin akong natanong kung anu ba talaga ang kulay ng dugo ko..uhhmm, cerulean?, cerise?, olive green?, baby blue?, fuschia?,  chartreuse o lime? Ewan ko nga. Bakit ba kailangan niyong malaman, interested te? Minsan nung highschool habang kami ay nagdadal-dalan ng mga kaklase ko, biglang me neneng nagtanong—bakla ka ba? Mega windang talaga akis! San yun galing te? Naku sumagot ka bakla! At pagkatapos sampalin mo xa ng bonggang-bongga at hampasin mo xa ng inuupuan mong silya. Kapal niya!... sa isip ko. “Hindi, hindi ako bakla”. Ang nasambit ko. Shett. Bat ba ang hirap umamin?
Minsan na rin akong na-inlove sa lalakeng hindi ko inaasahang mai-inlove ako. Pero itinago ko iyon kasi wari ko, hindi niya iyon maiintindihan at ayokong mag-explain sa kanya. Kasi hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam anong gawin para maintindihan niya ito. Nung college ko pa lang naintindihan ang tunay na kahulugan ng Crush. Probably kasi sa panahon ding yon ako nagsimulang humanga talaga sa lalake..crush na nga talaga. Shoxx bakla, naalala ko na naman yung super crush ko nung college. Halos don na ang tambayan ko sa canteen araw-araw at sa mga vacant skeds ko para lang masilayan ang lalakeng nagpatigas nagpatibok ng aking et*ts pussy puso. Pero wala. Walang nangyari kasi hindi ako nagkalakas loob na sabihin sa kanya ang totoo. Tama na sigurong parang nahahalata na niya na me gusto ako. Hanggang doon na lang yon. Sa college na rin akong nagsimulang palawakin ang isip ko ukol sa aking seksualidad, na isa rin akong normal na taong di lang kumokumporme sa “normal” ng nakararami.
Oo, Bakla ako..bakla! Hanggang sa natanggap ko na rin kung ano talaga ako. Hindi ako lalake.  Hindi bi. Hindi confused. Bakla. Yun na yon. Kung may magtanong man—Bakla—iyon ang isasagot ko. At hindi na ako magkakaila kasi naiintindihan ko na ng lubos kung ano ako—babae Bakla. Hindi ko minsan pinangarap na magdamit babae kasi hindi ako babae. Hindi ko minsan pinangarap makasali sa gay pageant (kahit napakagandaka ko, choss!) kasi ayoko. Misan gusto kong sumigaw sa tenga ng nanay ko na isa akong Bakla. Ma, Bakla ako, oo! Pero di ko alam kung maiintindihan niya ‘yon at ng mga kapatid ko. Pero walang sekretong hindi mabubunyag. Alam kong lalabas at lalabas rin ang katotohanan. Kaya’t inihanda ko na ang sarili sakali mang magtanong sila. Ayokong sa kanila’y magsinungaling. Minsan na rin akong nahuli ni inay na nagsasayaw ng Nobody Nobody sa kwarto ko. Shett. Bukelya. Bigla kasi siyang pumasok at nagulat akis. Nahiya talaga ako nun, kuhang-kuha ko pa nman yung steps ng Wonder Girls. At dahil huli na ako, tinuloy ko na lang ang pagsasayaw. Medyo nagulat rin xa, pero agad niyang binawi ang kanyang reaksyon. Namula ako, feeling ko. Parang nahiya xa, alam kong hindi normal ang ganong reaksyon niya kasi hindi rin naman normal sa isang straight na lalake ang magsayaw ng Nobody Nobody.. Pero ano pa ba ang magagawa ko, buking na buking na ang bakla. May kinuha lang xa sandali at agad na ring lumabas ng kwarto. Walang salita. Minsan niya rin akong nahuling sinisilip ko sa pinto yung mga boylets na kapitbahay naming naglalaro ng basketbol. Shett na naman, pangalawa na ‘to. Hindi ko kasi xa napansin kasi nga bisi ako sa kasisilip sa mga boys. Topless kasi silang lahat at pawisan. Weakness ko pa naman yon. Pero sa kabila nun hindi pa rin niya ako tinanong. Alam kong me ideya na siya. Mother’s instinct. They know their children’s actions ika nga.

Kapag weekends at nasa bahay lang ako parating nakatambay lang sa tabi ng aming pintuan para makita kong dumaan ang mga pinagnanasahan kong mga boylets sa amin. Tingin ko pansin na ng mama ko yun kasi minsang may dumaan nang mga mensung, tingin agad xa sa akin. Haaay ma, tanungin mo na lang kaya ako ng derecho para di na ako mahirapang planuhin kung paano ako makapag-out sa iyo. Tanong na bilis! Shoot! Ikaw lang hinihintay ko. At pag mangyari yon, ito lang ang sasabihin ko sa ‘yo ma—Oo, Bakla ako..bakla!



Disclaimer: Ang ilan sa mga larawang nakapaskil sa post na ito ay hindi orihinal na pagmamay-ari ng blogger.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento