Miyerkules, Disyembre 28, 2011

trahedya


Gaya ng sinapit ng mahal kong syudad sa Cagayan de Oro, ako rin kagagaling lang sa isa rin maittuturing na trahedya. Nagkasakit po ang inyong lingkod at na-ospital po ng limang araw..lang nman. Oo mga te limang araw po akong nagbakasyon sa ospital. Yun po ang dahilan at medyo hindi po agad ako nkapag-update ng blogelyang itey mga bektaz.
Remember that ubo i was mentioning from the previous post (Asa: a five-day text affair)? Yun po ang dahilan ng aking pagkaka-ospital. Mukha yata talagang apektado akez sa ginawa sa ‘kin ng lokong si Rey. Labis po ang aking pagkalungkot at di lang kirot sa puso ang idinulot nun pati na rin sakit sa baga. Charot. Akala ko nung una, simpleng ubo lang ito kasi nman maraming inuubo sa pabago-bagong panahon pero ng lumaon nararamdaman ko na na sumasakit na ang itaas na bahagi ng boobs dibdib ko. Hindi ko ito ininda nung una kasi inisip ko, sasakit nman talaga ang dibdib pag tuloy-tuloy ang pag-ubo deebuh? Simpleng self-medication lang from the nearest botika eh wit na ang bonggang ubo. Pero mali ako mga neng. Pag-uwi ko ng bahay galing sa overnight stay from the suppose to be loveroom namin ni Rey—linggo iyon, dec. 11—bumongga na ang sakit ng aking boobs at sumakit na hanggang sa ibababg parte. Medyo nag-alala na ang beki kasi hindi tumigil ang ubo sa kabila ng pagse-self medicate ko bagkus feel ko lumalala ito at masakit na ring huminga at medyo namamaos na ang boses kong maganda. Te hindi na ito biro kasi pag-umubo ako, hungsakeeet! Naku po bakla magpatingin ka na kaya naisip ko. Lunes—dec. 12—gora na agad kahit hung-aguhh pa sa pinakamalapit na ospital at nagpatingin na nga akez. Kunting tapat ng stethoscope sa dibdib, sa likod, sa tagiliran, sa leeg at charaaahh....mega anounce agad si doc na nagka pharyngitis daw ang bakla. Deep throat infection ba kamo? Pano nangyari yun doc eh hindi nman pwedeng ma-infect yang throat ko kasi hindi nga kami natuloy ni Rey kasi inidyan nya ako ng bongga? Umalis ako ng ospital na dala ang reseta ng magician doctor na tumingin sa akin. Medyo nagulantang ang beki pagkapunta sa pharma, kasi $ pala ang halaga ng gamot te. Pero pinilit kong wag nang mag-inarte at magreklamo kasi nga kesa matigok ako.
Sunod-sunod ang kamalasang natamasa ng beking virgin, una, ang naudlot na eb ng isang inaasahang textmate na magpapasuko sana sa bataan ni bender na hindi dumating; pangalawa, nkaabsent pa akez sa workaloo ng ilang araw kasi hindi na kinaya ng kapal ng mukha ko ang pagtatahol kez sa workplace (pati sa loob ng sakayan te, mega tahol pa rin) tinalo ko pa ang dalawang aso ng boss naming malayang nakakagala sa opis. At pangatlo, hunglaki ng binayaran ko sa last-quarter ng tax kez at naubos ang extra ng beki na sana’y pangshopping.
Come Thursday at hindi pa rin ako gumaling bagkus parang lumalala na nga, nagpasama na ako sa mama ko to have a second opinion from a different doctor. Sinabi ko sa sarili na kung ano mang manyari dapat na ‘kong magpa-admit ng ospital kasi wala na talagang pumapasok na hangin sa ilong at maging sa bunganga ko. At pag umubo, hungsaakeeett talaga triple ang sakit parang sasabog na buong dibdib ko. Hayun, buti nman at sinabi na rin ng doctor na dapat na daw akong magpa-admit. Mega refer agad si doc sa ospital na pupuntahan namin. Pagkarating, hindi pa nga ako naadmit agad kasi puno pa daw wala pang bakante, pati sa kalapit na ospital puno rin kaya’t sa emergency room na lang muna kami naghintay. Nakahinga ako pagkatapos ng first nebulization. Parang lumuwag ng kunti ang daanan ng et*ts hangin. Pero masakit pa rin ang dibdib everytime na huminga at mauubo ako. Hapon na at wala pa ring bakanteng praybeyt room pero meron na daw bakante sa male ward kaya’t doon na lang ako kasi hindi ko na kaya dapat malapatan na ako ng gamot. December 15 iyon, hindi ko makakalimutan kasi dumalaw pa ang dalawa sa mga kaibigan kong nabiktima ng bahang dala ng bagyong Sendong. Bukas kinagabihan tumindi ang ulan, pati sina mama at ang isa ko pang auntie halos di makasakay papuntang ospital sa lakas na ng ulan. Nakarating nman sila sa awa ng Diyos, na basang-basa.
Hindi ako kaagad nakatulog kasi naninibago pa ako sa hinihigaan ko. Pers taym ko kasing ma-ospital at pers taym ko ring maturukan ng et*ts dextrose. Shett pano ba ako makakatulog nito ng maayos kung me nakakabit sa kamay ko...buti na lang cute yung nurse na naglagay ng IV at panay ang check niya every now & then na parang nagpapa-cute lang (umandar pa rin ang landi kahit malalagutan na). Naaalala ko pang dinig na dinig namin ang lakas ng hangin at ulan sa labas kahit selyado ang bintana kasi airconditioned ang room. Malakas talaga. Yung patak ng ulan parang mga inihulog na singko mula sa langit. Me nadidinig din kaming nagliliparang yero...humuhuni sa lakas  ang hangin. Maya-maya pa’y me sumabog at namatay lahat ng ilaw sa ospital. Me stand by automotic transfer switch nman sila kaya’t bumalik rin agad ang ilaw at aircon. Nag-alala na ako sa bahay, pati sila mama tawag ng tawag pero walang signal yung networks. Biglang namatay ulit ang ilaw...wala akong makita kayat pina-ilaw ko celfone ko. Pati mga ibang pasyenteng kasama ko yun rin ang ginawa, mukhang hindi lang kami ang nag-aalala pati rin pala sila. Medyo me katagalan bago bumalik ang ilaw at aircon. Nung bumalik ito wala pa rin sa amin sa silid ang nkatulog ng mahimbing.
Nagising ako kinabukasan sa ingay ng usap-usapan sa kwarto nmin. Sabi pa nung isa halos nanlumo siya sa mga nadaanan niyang eksena sa labas. Hindi niya mailarawan ang itsura ng mga kalsada—mga kumot, unan, mga sira-sirang piraso ng bahay, basura, yero, plastik, mga gamit, makapal na putik, at mga nakakaawang survivors ng baha ang nadaanan niya habang papuntang ospital. Me nadanan din daw silang mga nakahillerang bangkay sa gilid ng daan na halos natabunan na ng putik at hindi na makikilala. Hinanap ko si mama kasi wala siya sa kwarto. Pero pagtingin ko sa pintuan akma rin siyang pumasok sa silid na mukhang nininerbyos. Me nakita xang batang babae  na ikinarga sa motor na balot ng putik ang katawan at hindi na humihinga ang isinugod sa ospital. Nakapanlulumo ang mga balita. Hindi ko rin mailarawan ang atmosphere ng umagang iyon, balot ng takot, pag-aalala, lungkot, at pagkabalisa ng bawat isa sa amin at sa mga kasama kong pasyente.
Maya-maya pay dumating ang isang watcher ng kasama kong pasyente, umiiyak siya. Hindi daw nila makita ang ilang kamag-anak nila. Naramdaman kong pinipigilan niyang magpalabas ng sobrang emosyon para hindi makalikha ng atensyon sa kwarto. Nakita ko ang pagdadamayan ng mga kasama namin sa kwarto. Na-touch ang beki kasi hindi nman pala lahat ng eksena sa loob ng ospital eh panget at nakatakot gaya ng inisip ko nung una. Nangingibabaw ang bayanihan, ang pagkakaibigan at damayan sa bawat isa. Gusto ko tuloy i-hug yung cute na nurse sa moment na yun...choss!
Sa pagdaan ng mga araw hindi pa rin humupa ang mga balita sa labas. Me mga pinasok na ring pasyenteng biktima ng baha. Yung malapit sa akin, natagpuan na lang daw xa na walang malay sa pag-aakalang patay na siya. Nakaka-inspire ang kwento ng kanyang pamilya kasi kumapit lang ang asawa at dalawang anak niya sa ilalim ng bubong sa loob ng binaha nilang bahay. Nagdasal sila na di sana matangay ng baha ang bahay nila at huwag na sanang tataas pa ang tubig kasi pag nangyari yon, trap sila lahat sa loob at mamamatay sila. Pilt nilang pinapalakas ang loob ng bawat isa. Si tatay sa malayong lugar na natagpuan kasi inanod ng baha. Halos wala xang malay nung dumating sa ward. Medyo cute si tatay pero hindi na xa pwede kaya’t sa anak niya na lang ibinaling ang atensyon ko (malandi talaga!). Pero na-realise ko na ayaw kong masangkot sa kahihiyan at makulong sa pagpatol sa isang menor de edad kaya’t kahit mahirap, pilit na pinigilan ko na lang ang landi ko.
Gusto ko nang magpa-discharge kasi gumagaling na ako at gusto ko na ring umuwi ng bahay. Medyo nawala na ang sobrang sakit sa paghinga at nakakahinga na rin ng maayos. Hinintay namin ang doktor ko sa daily round skedyul niya ngunit hindi xa nakarating sa araw na iyon. Nainis ako, pero sinabi ni mama na baka isa rin siya sa nahagupit ng baha. Kinabukasan—linggo, dec. 18—tumawag sa ospital ang doktor ko’t sinabing pwede na daw akong ma-discharge. Nakalimutan na niyang me mga pasyente siyang naghintay sa kanya sa ospital dahil isa sila sa binaha, tama nga si mama. Nasiyahan ako sa balitang inihatid ng cute na nurse na pwede na akong makalabas. Pero pinaliwanag niya na walang opisina ang Philhealth pag linggo kaya’t walang transaction. Napagdesisyunan naming sa lunes na lang ako uuwi. Okay na rin yon para me isang araw pa akong masilayan si nurse.
Ngayon medyo okay na ang beki. Bumalik na rin ako sa trabaho kasi kailangan kong mabawi ang nagasta ko sa pagpapagamot, medyo mahal pa nman at me mga meds pang kailangang i-maintain..nagpasko akong meron pa ring ubo at sakit sa dibdib pero di na gaya ng dati ang sakit na nararamdaman ko. Naisip ko na ang sakit na ito, at yung mga binilang kong malas eh wala ni sa katiting sa naranasan ng mga kababayan kong nasalanta ng trahedya, mga nawalan ng bahay at mga gamit na naipundar, mga nawalan ng ama, ina, anak at kamag-anak, mga naulila, at ang lahat na inanod na hanggang ngayon ay hindi pa rin makita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento