Biyernes, Oktubre 28, 2011

trick or treat?!!

Trick. Can you guys make a guess how old am i?

Treat. If you get your answer right, this guy here would be delivered right on your  doorstep. In a big  box. Kasama pa si delivery guy para mas masaya.



Sounds exciting?
Hmmmm ?. . . . .


 ..you bet.
This halloween, i have thought of dressing up as a Straight Guy . . . scary.



Straight guy, sure? Nah, never mind the foto.



Disclaimer: Ang mga larawang nakapaskil sa post na ito ay hindi orihinal na pag-aari ng blogger.

Miyerkules, Oktubre 26, 2011

La vida Loka-loka


One time, Saturday yun, ako at dalawa sa mga friends kong gurlaloo were eating sa isang fastfood chain. Wag niyo na akong ukrayin mga bakla, hindi kami mayaman kaya’t hanggang fastfood chain lang kami. Judgmental te?, wag nang paki-alamera...mga echosera. O sha...chika lang ng chika ang mga bakla at lafang lang ng lafang nang biglang may umenter the door mga te...Oh!! At nanlaki talaga mga mata namin sa na-sightsung! ODK (o diyos ko)!!  Wait..wait..mali yung iniisip niyo. Hindi po isang shirtless at pawisan na lalakeng matangkad at may nakakatakam na boodeey na katropa ni Machete ang pumasok. Mga assuming niyo naman, ino-unahan niyo ‘ko eh. Itigil ko na nga lang ‘to...choss! Isang gurlaloo na mega nakahithit ng Baygon katol ang pumasok! Feeling hotta mama xa ha, kamukha nman niya si bentong kung hindi lang mahaba hair niya. Ano ba naman ang sinabi ni BeyoncĂ© sa kanyang outfit na cocktail dress na madungis at kita at nka-flaunt lang naman ang ma-iiksi at matataba niyang logs..este legs? May say ba si Lady Gaga sa kanyang mahabang hair na andaming frizz at tera sa dami ng split ends na kinulayan pa ng dinikdik na clay pot na hinaluan ng anis? At hindi pa xa nakuntento mga bakla, may wig pa itong ipinatong sa ulo mga te! At laos sa kanya si Shamcey Supsup sa mala-tornado walk ng babaeng ipinaglihi kay Sisa. Tornado walk talaga, parang umiikot-ikot. Hodeebuhh! Nawindang talaga kami. Lahat ng tao sa loob ng food chain te windang. At bet pa umorder ng loka. Pumili at umorder talaga sa counter ha! May pera ba? Sinabi niyo pa, can afford yata ang tililing. Di pa itwu nakontento sa attention na ibinibigay sa kanya at kumuha ito ng hair spray at mega spray itwu, hindi sa buhok ha...sa kili-kili! Ay! Yikes! Hair spray bakla! Sa kili-kili! Nakaka-lurkey talaga ang eksena. Parang nanunood lang kami ng Zombadings mga te minus Remington at Jigs and the kilig, yung puro zombie lang? At isa nga sa mga zombie na pinanonood namin ang napunta doon sa loob food chain. Ang chaka ng sightsung! Nalurkey kaming lahat! Yung katabi niyang table halos naninigas na. Di na nila alam kong matatawa sila o mashoshokot kasi mega talaga ang pagka Miss Lukalukraine tong si ate. Naglibot-libot pa itwu pagkatapos niyang lumafang, na ambilis parang nilunok nya lang yung inorder niyang fudang, na wari niya’y hindi raw xa pinansin ng mga madlang bakla..nang bigla itong lumakad palapit sa table namin. Naghanda nang kumaripas ang mga paa namin buti na lang umexit na xa. Sa puntong yun napatawa talaga kami ng bongga.. Nga naman nakakaloka! Haay naku po, iba na talaga ang talent ng mga tao ngayon. Kaya’t kayo riyan mga bakla, kung di nyo bet pagtawanan kayo sa public arena, wis tumiririt ng katol mga te ha. Nakakatunaw yan ng utak at lalabas na lang yan sa mga ilong at tenga niyo. Before you knew it, sumasayaw na pala kayo ng Livin’ la vida Loka sa gitna ng kalsada mga bakla. Nakakawala yun ng points mga te sa bet niyong kudahing mensung. Bet niyo bang maging tropa si ateng livin la vida loka? Ewan ko sa inyo pero ako, Yokonguhh..



Disclaimer: Ang ilan sa mga larawang nakapaskil sa post na ito ay hindi orihinal na pagmamay-ari ng blogger.

Lunes, Oktubre 24, 2011

ingleserang froglet

Hallouerr mga te. Found something on FB choodey and it’s kinda funny. Share ko lang. Nasa workabogable akis ngayin and everyone’s busy on their work while i, with the bonggaceous help of Vitrite—a program to make your current window transparent (relate ka te? Bongga di ba?), was busy navigating the net without having to worry na maju-julie’s bakeshoppe akis ng boss doing the surf.  Haay naku mga bakla, ganetch talagis, office policy is policy. And work time is strictly work time. At chaka rin naman deebuhh kung magne-net ka while the company’s paying you to work for them. Nakaka-degrade yun sa dignidad nating mga vaklerr—mga tagataguyod ng bawat lalaking pilipino. . . choss.
So hayun na nga, while sneeking on the net i found this funny post. Maaring nabasa niyo na itey. Natawa lang aketch kasi marami akong mai-uugnay sa kwento. Parang familiar ang karakter? Ay! Wiit na ako mag Miss Menchin ng namesung. Tungkol itwu sa sagad sa kapal na englisera at sosyalerang gurlaloo na mala-angelica jones lang naman ang laki ng brainlet. Ang dami kasi niyan ngayon neng! Nagkalat! Palakad-lakad lang, sosyal. Hay naku itey yung post, magbasa kayo mga vaklerr.

INGLESERA SA KANTO writes a letter:
We' ve been friends for a long time ago. We come from the same alma matter. Actually, our paths crossed one time on another. But it's only now that I gaved him a second look. I realized that beauty is in the eyes. The pulpbits of my heart went fast, really fast. Cute pala siya. And then, he came over with me. He said, "I hope you don't mine. Can I get your number?" Nag-worry ako. Shet, what if he doesn't give it back? He explained naman na it's so we could keep intact daw. Sabi ko, "Connect me if I'm wrong, but are you asking me out?" "The!?!!??". .. ang sarcastic na sagot nya. Aba! The verb! Parang siya pa ang galit! Persona ingrata!!! Ang kapal niya! I cried buckles of tears. Na-guilty yata siya. Sabi niya, isipin mo na lang na this is a blessing in the sky. Irregardless daw of his feelings, we should go out na rin. Now, we're so in love. Mute and epidemic na ang past.

 Thanks God we swallowed our fried. Kasi, I'm 33 na and I'm running our of time. After 2 weeks, he plopped the question. "Will you mary me?" I'm in the state of a shocked. Kasi mantakin mo, when it rains, it's pour! This is true good to be too. So siyempre, I said Yes! Love is a many splendid talaga. Pero nung inaayos ko na ang aming kasal, everything swell to pieces. Nag di-dinner kami noon nang biglang sa harap ng aming table, may babaeng humirit ng, "Well, well, well. Look do we have here." What the fuss! The nerd ng babaeng yon! She said they were still on. So I told her, whatever is that, cut me some slacks! I didn't want this to get our hand kaya I had to sip it in the bud. She accuse me of steeling her boyfriend. As is!!! I don't want to portrait the role of the other woman.

Gosh, tell me to the marines! I told her, "Please, mine you’re own business!" Who would believe her anyway? Dahil it's not my problems anymore but her problems anymore, tumigil na rin siya ng panggugulo. Everything is coming up daisies. I'm so happy. Even my boyfriend said liketwice. He's so supportive. Sabi niya, "Look at is this way. She's our of our lives." Kaya advise ko sa inyo - take the wrist. You can never can tell. Just burn the bridge when you get there. Life is so shorts. If you make a mistakes, we'll just pray for the internal and external repose of your soul. I second emotion...


Hoodeebuhh, sosyal na kung sosyal! English na kung english ang labanan. Bongga ka Te. Indeed. Talino mo kaya. En furnace, tatch na tatch aketch sa kwento at akey napa-iyak ng bongga, mga three drops ? . . Maka-I second emotion na rin nga kung sino ka man, i’ll pray for the internal & external repose of your soul. Steady ka lang jan te, forever. Yung parang natutulog lang? At dahil isa kang huwaran at ambisyosang froglet, palakpakan nating lahat mga vaklerr, ang kanyang mukha. Clap! Clap! Clap! At pasabugin na ang confetting thumbtacks.

pers day, pers taym

haloo haloo. matagal ko nang inasam-asam na makagawa ako ng sarili kong blogelya. gusto ko kasing i-diary ang mga pangyayari sa aking rainbow-colorful life. at heto na nga bakla, "welcome-to-my-blogsite-mga-te" na ang levelling ketch ngayon. thankful talaga akis mga te.


pinag-aaralan ko pa lang po ang systemang itwu kaya't ito lang muna ngayon ang maipo-post ko. nawa'y samahan niyo ako, maging babae ka man, lalake, bakla, froglet, tumbler, orchid, fern, batwu, o flower, sa aking paglalakbay sa lace-lined destiny kis. lahat kayo mga te welcome dito.



cheers! a new star out of the millions out there, is born. choss!

haay naku wala kayong mapupulutang aral ditu sa blogelyang itwu kasi ako mismo tamad sa pag-aaral. at bakit ba, kailangan ba talagang sa bawat nakalathala me mapupulutang aral? makapagbasa na nga lang ng encyclopedia, bet niyo? ewan ko basta ang alam ko walang kwenta ang laman ng blogelyang itwu. kaya’t kung wala kayong ginagawa dyan at pinapalipas niyo lang ang walang kwenta ninyong oras sa mga walang kwentang bagay, tara na at tayo’y magdiwang, magtawanan, magchismisan, manlibak, at magbaklaan sabay-sabay. bawal ang nega at kj mga te ha! Tara na!! gowlalaey nitche!