Miyerkules, Disyembre 28, 2011

trahedya


Gaya ng sinapit ng mahal kong syudad sa Cagayan de Oro, ako rin kagagaling lang sa isa rin maittuturing na trahedya. Nagkasakit po ang inyong lingkod at na-ospital po ng limang araw..lang nman. Oo mga te limang araw po akong nagbakasyon sa ospital. Yun po ang dahilan at medyo hindi po agad ako nkapag-update ng blogelyang itey mga bektaz.
Remember that ubo i was mentioning from the previous post (Asa: a five-day text affair)? Yun po ang dahilan ng aking pagkaka-ospital. Mukha yata talagang apektado akez sa ginawa sa ‘kin ng lokong si Rey. Labis po ang aking pagkalungkot at di lang kirot sa puso ang idinulot nun pati na rin sakit sa baga. Charot. Akala ko nung una, simpleng ubo lang ito kasi nman maraming inuubo sa pabago-bagong panahon pero ng lumaon nararamdaman ko na na sumasakit na ang itaas na bahagi ng boobs dibdib ko. Hindi ko ito ininda nung una kasi inisip ko, sasakit nman talaga ang dibdib pag tuloy-tuloy ang pag-ubo deebuh? Simpleng self-medication lang from the nearest botika eh wit na ang bonggang ubo. Pero mali ako mga neng. Pag-uwi ko ng bahay galing sa overnight stay from the suppose to be loveroom namin ni Rey—linggo iyon, dec. 11—bumongga na ang sakit ng aking boobs at sumakit na hanggang sa ibababg parte. Medyo nag-alala na ang beki kasi hindi tumigil ang ubo sa kabila ng pagse-self medicate ko bagkus feel ko lumalala ito at masakit na ring huminga at medyo namamaos na ang boses kong maganda. Te hindi na ito biro kasi pag-umubo ako, hungsakeeet! Naku po bakla magpatingin ka na kaya naisip ko. Lunes—dec. 12—gora na agad kahit hung-aguhh pa sa pinakamalapit na ospital at nagpatingin na nga akez. Kunting tapat ng stethoscope sa dibdib, sa likod, sa tagiliran, sa leeg at charaaahh....mega anounce agad si doc na nagka pharyngitis daw ang bakla. Deep throat infection ba kamo? Pano nangyari yun doc eh hindi nman pwedeng ma-infect yang throat ko kasi hindi nga kami natuloy ni Rey kasi inidyan nya ako ng bongga? Umalis ako ng ospital na dala ang reseta ng magician doctor na tumingin sa akin. Medyo nagulantang ang beki pagkapunta sa pharma, kasi $ pala ang halaga ng gamot te. Pero pinilit kong wag nang mag-inarte at magreklamo kasi nga kesa matigok ako.
Sunod-sunod ang kamalasang natamasa ng beking virgin, una, ang naudlot na eb ng isang inaasahang textmate na magpapasuko sana sa bataan ni bender na hindi dumating; pangalawa, nkaabsent pa akez sa workaloo ng ilang araw kasi hindi na kinaya ng kapal ng mukha ko ang pagtatahol kez sa workplace (pati sa loob ng sakayan te, mega tahol pa rin) tinalo ko pa ang dalawang aso ng boss naming malayang nakakagala sa opis. At pangatlo, hunglaki ng binayaran ko sa last-quarter ng tax kez at naubos ang extra ng beki na sana’y pangshopping.
Come Thursday at hindi pa rin ako gumaling bagkus parang lumalala na nga, nagpasama na ako sa mama ko to have a second opinion from a different doctor. Sinabi ko sa sarili na kung ano mang manyari dapat na ‘kong magpa-admit ng ospital kasi wala na talagang pumapasok na hangin sa ilong at maging sa bunganga ko. At pag umubo, hungsaakeeett talaga triple ang sakit parang sasabog na buong dibdib ko. Hayun, buti nman at sinabi na rin ng doctor na dapat na daw akong magpa-admit. Mega refer agad si doc sa ospital na pupuntahan namin. Pagkarating, hindi pa nga ako naadmit agad kasi puno pa daw wala pang bakante, pati sa kalapit na ospital puno rin kaya’t sa emergency room na lang muna kami naghintay. Nakahinga ako pagkatapos ng first nebulization. Parang lumuwag ng kunti ang daanan ng et*ts hangin. Pero masakit pa rin ang dibdib everytime na huminga at mauubo ako. Hapon na at wala pa ring bakanteng praybeyt room pero meron na daw bakante sa male ward kaya’t doon na lang ako kasi hindi ko na kaya dapat malapatan na ako ng gamot. December 15 iyon, hindi ko makakalimutan kasi dumalaw pa ang dalawa sa mga kaibigan kong nabiktima ng bahang dala ng bagyong Sendong. Bukas kinagabihan tumindi ang ulan, pati sina mama at ang isa ko pang auntie halos di makasakay papuntang ospital sa lakas na ng ulan. Nakarating nman sila sa awa ng Diyos, na basang-basa.
Hindi ako kaagad nakatulog kasi naninibago pa ako sa hinihigaan ko. Pers taym ko kasing ma-ospital at pers taym ko ring maturukan ng et*ts dextrose. Shett pano ba ako makakatulog nito ng maayos kung me nakakabit sa kamay ko...buti na lang cute yung nurse na naglagay ng IV at panay ang check niya every now & then na parang nagpapa-cute lang (umandar pa rin ang landi kahit malalagutan na). Naaalala ko pang dinig na dinig namin ang lakas ng hangin at ulan sa labas kahit selyado ang bintana kasi airconditioned ang room. Malakas talaga. Yung patak ng ulan parang mga inihulog na singko mula sa langit. Me nadidinig din kaming nagliliparang yero...humuhuni sa lakas  ang hangin. Maya-maya pa’y me sumabog at namatay lahat ng ilaw sa ospital. Me stand by automotic transfer switch nman sila kaya’t bumalik rin agad ang ilaw at aircon. Nag-alala na ako sa bahay, pati sila mama tawag ng tawag pero walang signal yung networks. Biglang namatay ulit ang ilaw...wala akong makita kayat pina-ilaw ko celfone ko. Pati mga ibang pasyenteng kasama ko yun rin ang ginawa, mukhang hindi lang kami ang nag-aalala pati rin pala sila. Medyo me katagalan bago bumalik ang ilaw at aircon. Nung bumalik ito wala pa rin sa amin sa silid ang nkatulog ng mahimbing.
Nagising ako kinabukasan sa ingay ng usap-usapan sa kwarto nmin. Sabi pa nung isa halos nanlumo siya sa mga nadaanan niyang eksena sa labas. Hindi niya mailarawan ang itsura ng mga kalsada—mga kumot, unan, mga sira-sirang piraso ng bahay, basura, yero, plastik, mga gamit, makapal na putik, at mga nakakaawang survivors ng baha ang nadaanan niya habang papuntang ospital. Me nadanan din daw silang mga nakahillerang bangkay sa gilid ng daan na halos natabunan na ng putik at hindi na makikilala. Hinanap ko si mama kasi wala siya sa kwarto. Pero pagtingin ko sa pintuan akma rin siyang pumasok sa silid na mukhang nininerbyos. Me nakita xang batang babae  na ikinarga sa motor na balot ng putik ang katawan at hindi na humihinga ang isinugod sa ospital. Nakapanlulumo ang mga balita. Hindi ko rin mailarawan ang atmosphere ng umagang iyon, balot ng takot, pag-aalala, lungkot, at pagkabalisa ng bawat isa sa amin at sa mga kasama kong pasyente.
Maya-maya pay dumating ang isang watcher ng kasama kong pasyente, umiiyak siya. Hindi daw nila makita ang ilang kamag-anak nila. Naramdaman kong pinipigilan niyang magpalabas ng sobrang emosyon para hindi makalikha ng atensyon sa kwarto. Nakita ko ang pagdadamayan ng mga kasama namin sa kwarto. Na-touch ang beki kasi hindi nman pala lahat ng eksena sa loob ng ospital eh panget at nakatakot gaya ng inisip ko nung una. Nangingibabaw ang bayanihan, ang pagkakaibigan at damayan sa bawat isa. Gusto ko tuloy i-hug yung cute na nurse sa moment na yun...choss!
Sa pagdaan ng mga araw hindi pa rin humupa ang mga balita sa labas. Me mga pinasok na ring pasyenteng biktima ng baha. Yung malapit sa akin, natagpuan na lang daw xa na walang malay sa pag-aakalang patay na siya. Nakaka-inspire ang kwento ng kanyang pamilya kasi kumapit lang ang asawa at dalawang anak niya sa ilalim ng bubong sa loob ng binaha nilang bahay. Nagdasal sila na di sana matangay ng baha ang bahay nila at huwag na sanang tataas pa ang tubig kasi pag nangyari yon, trap sila lahat sa loob at mamamatay sila. Pilt nilang pinapalakas ang loob ng bawat isa. Si tatay sa malayong lugar na natagpuan kasi inanod ng baha. Halos wala xang malay nung dumating sa ward. Medyo cute si tatay pero hindi na xa pwede kaya’t sa anak niya na lang ibinaling ang atensyon ko (malandi talaga!). Pero na-realise ko na ayaw kong masangkot sa kahihiyan at makulong sa pagpatol sa isang menor de edad kaya’t kahit mahirap, pilit na pinigilan ko na lang ang landi ko.
Gusto ko nang magpa-discharge kasi gumagaling na ako at gusto ko na ring umuwi ng bahay. Medyo nawala na ang sobrang sakit sa paghinga at nakakahinga na rin ng maayos. Hinintay namin ang doktor ko sa daily round skedyul niya ngunit hindi xa nakarating sa araw na iyon. Nainis ako, pero sinabi ni mama na baka isa rin siya sa nahagupit ng baha. Kinabukasan—linggo, dec. 18—tumawag sa ospital ang doktor ko’t sinabing pwede na daw akong ma-discharge. Nakalimutan na niyang me mga pasyente siyang naghintay sa kanya sa ospital dahil isa sila sa binaha, tama nga si mama. Nasiyahan ako sa balitang inihatid ng cute na nurse na pwede na akong makalabas. Pero pinaliwanag niya na walang opisina ang Philhealth pag linggo kaya’t walang transaction. Napagdesisyunan naming sa lunes na lang ako uuwi. Okay na rin yon para me isang araw pa akong masilayan si nurse.
Ngayon medyo okay na ang beki. Bumalik na rin ako sa trabaho kasi kailangan kong mabawi ang nagasta ko sa pagpapagamot, medyo mahal pa nman at me mga meds pang kailangang i-maintain..nagpasko akong meron pa ring ubo at sakit sa dibdib pero di na gaya ng dati ang sakit na nararamdaman ko. Naisip ko na ang sakit na ito, at yung mga binilang kong malas eh wala ni sa katiting sa naranasan ng mga kababayan kong nasalanta ng trahedya, mga nawalan ng bahay at mga gamit na naipundar, mga nawalan ng ama, ina, anak at kamag-anak, mga naulila, at ang lahat na inanod na hanggang ngayon ay hindi pa rin makita.

Lunes, Disyembre 26, 2011

Asa: a five-day text affair


Nagsimula ang lahat sa isang ka-textmate. Minsan ko nang napatunayan na ala talaga akong swerte sa textmates pero sinubukan ko pa rin ang ibinigay na pagkakataon. Tawagin natin xang si Rey, sa pangalang iyon ko lang xa nakilala. Okay na rin yon kasi textmate pa nga lang nman at wala akong karapatang humingi ng kompletong impormasyon sa kanya. Nung umpisa akala ko e-iignore nya lang ako at hindi xa magrereply sa mga texts ko pero nagbago yun nung me nareceive akong message galing sa kanya kinalaunan. Kumabog ang aking dibdib...at nasiyahan ako. Pinilit kong inalam ang interes niya. Pinilt kong maging masaya ang mga hirit ko para nman maaliw xa and that he will find me (at least) interesting. And i think that worked for a while. I initiated asking questions—the basics. Then he started asking back, digging some more info he could get at ako nman bigay lang ng bigay pero sinadya kong i-general para di nman masyadong makikilala. Nililimit ko nman hindi ko pa kilala itong katext ko. hhmm...seems like my initial plan is working, im gonna let this guy fall for me (umandar na nman ang pagka-ambisyosa). Im gonna make him dig for something more at pag nangyari yun nasa akin ang alas.

He’s 18, that’s what he claimed. Isang linggo na siyang single kasi kabe-break lang daw nila ng gf niya the week before. He’s 5’7” (not quite tall), clean-cut hairstyle, brown and loves rock climbing & swimming. A devcom student from a known university of our city. Im starting to create a picture of what he looked like based on the info he gave. Despite these he never claimed to be as handsome and pleasant, or at least cute man lang kung masasabi. So ang ginawa ko para ma-justify ang imagination ko na gwapo talaga ang mokong na ‘to eh tinanong ko na lang siya kung ilan na naging gf’s niya—marami-rami na rin daw. Marami daw ring lumalapit na mga beki sa kanya pero sinusungitan niya ang mga ito kasi daw maingay. Hhmmm?...18, brown & masculine, marami nang naging gelpren at me mga beki pang bumubuntot-buntot? Aba te sa beking virgin na katulad ko ano paba iisipin ko? seemed like my picture puzzle is about to be complete. Parang me ideya na ako sa itsura ng mokong at mukhang type ko ang itsura niya.


Minsan niyang naitanong: “so me experience ka na sa sex...na homo?” Huh, hanoooraw? Nawindang akez! The nerve. Ikaw na,  ikaw na nga! Aba, mukhang alam ko na intention ni kuya ah, gagamitin lang nitwu pagkababae ko...ay! manloloko! Gagamitin mo lang pala akwu..gagamitin mo lang pala akwu! Choss. Simula ng tanong na yon naging interesting na ang palitan ng text namin. Mukhang naging komportable na xang magtanong ng magtanong at si beki nman delighted everytime me mga naughty questions xa. He wud ask questions like, nakatulog na ba daw ako sa isang lodging house at, kung ako lang daw ba mag-isa sa kwarto ko. parang alam ko ang tinatakbo ng isip niya sa mga panahong iyon, intensyion niyang halayin at pagnakawan akez, charot. 18 yrs old naku, raging hormones stage te. Curious ang edad na itwu sa mga bagay-bagay maging sa mga bagay na di nila aakalaing magagawa nila. Minsan kong natanong kung nako-curious din ba xa sa mga beki at sinabi nya nmang hindi. Pero sa takbo ng mga tinatanong niya sa akin wari ko’y hindi niya gustong aminin ang totoo.

Pero sa kalaunan inamin nya na rin na di na daw xa virgin sa froglets. Alam ko nman iyon sa umpisa pa lang kasi naman te, kung ilalagay mo ba nman number mo sa cubicle ng isang cr sa sinehan at me bonus pang Gay only ano pa ba iisipin ng isang tatanga-tangang vadesh deebuh? Hindi na ako nagulat sa sinabi niya pero pilit kong hindi pinamukha sa kanya ang obserbasyon ko. Naiintindihan ko nman xa..sa tingin ko lang, hindi niya masyadong pinapahalata na pokpok rin xa. Tropa niya daw naglagay ng number niya sa wall ng cubicle, palusot pa niya...kebs ko. sa palagihang pagtetext parati kung sinisingit na gusto kong makita xa ng personal. Sa umpisa parang ilang pa pero pumayag na rin ito sa pangungulit ko...yun nman pala eh. Alam ko namang papayag kaya’t kinukulit kulit ko talaga kasi feeling ko nag-iinarte lang ang mokong at nagpapakipot lang ng kunti. Minsan pa ngang naudlot ang first attempt na meeting namin kasi punta pa daw sila ng davao kasi me case study sila ng mga kaklase niya at medyo bisi pa sa skul. Pilit ko pa rin xang inintindi kasi nga nman magpa-finals na. Okay, wala akong magagawa intindi galore akez...parang ulirang nanay lang ang role ng beki.



Nang pumayag na xang makipagkita, tinanong ko xa kung sa anong petsa at sinabi niya dec 10 (sa taong kasalukuyan). Nilagay ko agad iyon sa planner ko. napagkasunduan naming manunood ng sine kasi mahilig kasi xa sa movies gaya ko...pero minsan lang ako nanonood ng sine kung feel kong manood, mas feel kong manood na lang ng mga downloaded movies ng boss ko na kinocopya ko sa office namin. Still, inintindi ko pa rin xa kasi yun gusto niya, 18 ‘to te, lalake, kung sakali mang ito man ang maging first ko at tugma o higit pa ang iniexpect ko kung ano xa eh, deebuh bongga! parang nanalo lang ng swertres. Tuloy ang palitan ng texts at tuloy ang landian. Pero sa kabila ng mga palitang ng texts me mga bagay akong napansin sa kanya, bigla na lang xang mawawala at di na magrereply. Inisip ko baka nakatulog na, o baka naubusan na ng load o baka nag-expire na ang unli niya. Pero hindi niya ito minsan nasabi sa akin kung bakit bigla na lang xang nawawala. Hindi rin xa nagso-sorry, even just a small act of courtesy eh wala akong napansin. Hindi niya rin sinasagot ang mga pangungumusta ko sa kanya at sa mga lakad niya. Pero textmate, me act of courtesy na agad? Gumising ka nga bakla! Mukhang ang taas ng expectations mo ah.

Hanggang sa papalapit na ang araw ng meet-up namin. He already confirmed na makikipag-met nga xa. Ako nman medyo nataranta na, mega punta ako agad with the aid of a very close friend sa isang nature resort para magpareserve ng room. Part ng contingency plans kung sakasakaling magyaya ang loko. Kinukulit kasi niya ako na kung magyaya man xa payag ba daw ba akez sagot ko nman ayoko . . . ayokong umuwi na walang mangyayari..hehehe. Mega hingi pa akez ng tips sa friend kong medyo sanay na at mega briefing rin xa sa akin, kung sakakali nga naman na magyaya nga. Syempre kasali rin sa briefing ang SOS at MAYDAY if something goes wrong.

Me isang araw na di xa nagtext. Namiss ko na xa agad. Parang naaaliw na rin kasi akong me nangungulit kahit pa me ginagawa akong trabaho. Parang gusto ko na rin xa kahit hindi ko pa xa nakita. Pero naisip ko kung damating ang araw na nagka-boypren na ako ano kaya ang pag-uugali ko kapag nasa isang relasyon na, magiging possessive kaya ako?, seloso?, o selfish? Ayoko sanang magiging ganun pero hindi ko pa masasabi ang mga mangayayari pa.

2 days before the meet-up hindi na xa nagtext. Medyo nag-alala na ako kasi panay ang text ko pero walang reply galing sa kanya. Walang dumating na hi bc ka? o kahit simpleng hi man lang wala. Sa kabila ng pag-aalala ko inassure ko siya na all is set na for the meet-up at wala na xang dapat alalahanin. Finals week nga nman at baka nabisi lang ng bongga ang mokong. A day before the meet-up wala pa ring text at pagpaparamdam sa kanya. Tuloy ang panunuyo ko pero walang nangyari. Sa puntong ito hnidi ko na inisip na matutuloy pa ang meet-up. Nalungkot ako. Tinext ko na lang ang kaibigan ko na mukhang malabong me eye ball na mangyayari. Hanggang sa dumating na nga ang sabado at walang Rey na nagparamdam. Sabi ko na nga ba eh wala talaga akong swerte sa textmate, o maging sa lalake at muli itong pinatunayan ng pagkakataon. Sayang kasi hindi ko inisip na iindyanin niya ako ng ganun-ganon lang. Ano bang nangyari me nagawa ba ako? me na-text o me nasabing hindi niya nagustuhan? Ewan. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit hindi niya tinuloy ang pinag-usapan namin. Hindi nman ako nakakatakot at hindi ko rin xa minsan tinakot. Sadyang ganyang nga lang siguro. Masyado akong nag-expect at ang taas ng expectations ko sa isang katext. Ang tanga ko talaga, napakatanga. Napakababaw.

Naisip kong huwag na lang i-cancell ang pinareserve kong kwarto sa resort nang magkaroon nman ako ng time para sa sarili ko. Overnight doon ako natulog, pinamper ang sarili at kumain ng gusto kong kainin. Yun na lang ang consolation prize ko para sa sarili para wag masyadong malungkot. Pero sa kabila ng lahat hindi ko masyadong na-enjoy ang mga iyon kasi grumabe ang ubo ko at hindi ako masyadong nakatulog. Hindi ko makalimutan ang gabing iyon na halos hindi na ako makahinga. Naisip ko pa nga na kung natuloy man ang eb namin & we ended up sleeping together eh, hindi rin namin ma-enjoy masyado ang panahon kasi tahol ako ng tahol na parang aso sa ubo ko. What if nasa kalagitnaan kami ng pagsesex at bigla na lang akong mauubo ng bonggang bongga?

Ngayon medyo natuto na ako ng kunti. Medyo napag isip-isip ko na rin ang mga bagay bagay kung bakit nangyari ang nangyari. Hahayz...life is unfair nga talaga kaya’t huwag masyadong umasa mga beki lalong-lalo pag sa isang textmate lang (parang ang babaw lang ng moral lesson). Malay natin kriminal pala ang taong yun at hinalay at pinagnakawan niya lang akez, o kaya’y mas grabe pa ang nangyari na pagsisihan ko ng lubos deebuh? O kaya’y di na ako makaka-uwi sa amin. O di kaya’y ubod xa ng panget taliwas sa expectations ko?.. Ngayon ayoko ko munang maniwala sa mga fairytale at sa pag-ibig. Na tama ang umasa at dapat maniwala sa pag-big, sex na lang. Sa edad kong ito dapat ko nang alisin ang idealism ko. Walang fairytale at hindi totoong nangyayari itwu. From there move on na lang ang beki kahit inuubo pa rin ng bongga.



Ito ang ilan sa palitan ng texts namin.

Ben:  hi gud pm im bender & im gay. pwde mkipgtxtm8. _(--,
          
wag u mag-alala just got ur num na sinulat mo sumwhr. na-curious lang ako me nkalagay kc Gay     only. so tinry ko._(--,

                                ..[naghintay hintay si beki ng halos forever bago nagreply]..

Rey:  san mo nakuha num ko...yung 679 ang last.
               
Ben:  hay salamat nman at nagreply na rin...hehehe. got ur num sumwhr, uhhm...sa cr? na curious
lang kc ako dats y i txtd._(--,

Rey:  haa...cncya pero di ako naglagay nun mga barkada ko...cguro. ano u age?

Ben:  i c. im 2*, too old for u? hehehe_(--,
u?

Rey:  18 pa lang...

Ben:  i c, you're young._(--,
               
           nakakatawa nman yung mga katropa mo pinagtrippan ka..hehehe_(--,      

Rey:   oo nga...ganun sila.

Ben:  how wud u lyk me to call u?

Rey:  rey na lang

Ben:  ok, rey. taga saan c rey?

Rey:  NHA...

          U?

Ben:  c****n. so me gf ka ba ngayon?_(--,          

Rey:  last week pah...single na ko..kakapagod mag gf pahinga muna ko.

Ben:  gwapo cguro u..marami na cguro naging gf mo’t napagod ka na sa dami nila? hehehe..
               
ano height mo?

Rey:  5'7 ata...panget nga ako eh ewan ba’t marami sila..

Ben:  so nag-aaral ka pa? ano kurso mo? =]

Rey:  devcom...

Ben:  sounds cool pero ano yun? sang skul ba ino-offer yang  course mo? Ano gnagawa nyo dyan?

Rey:  sa *U...photo journalist...pwde mag ask.

Ben:  sure. shoot!_(--,

Rey:  so me experience ka na sa sex...na homo

..[sandaling nawindang ang beki]..

Ben:  u want an honest answer, wala pa tlga. at this age i shud hav done it na..hehehe. u?_(--,

Rey:  hahaha...ako wala pa sa homo..pero sex na girl ang pares marami nah..

Ben:  wow. buti ka pa._(--,

Rey:  bc ka ba?
bc ka cguro ngaun noh..

Ben:  nope im not. y?

Rey:  ...kc tagal u magreply..       

Ben:  hehehe..tagal rin kc dumating mga txts mo eh. akala ko sasabihin mo: bc kba ngaun? pwde ba tayo meet? medyo kinabahan ako don._(--,

Rey:  hahaha...grabe ng expectations ha..bz pa ‘ko ngaun 4 skul...pero sa sabado nanunood ako lagi sine..

Ben:  marami rin akong ginagawa pero pero i can always make time._(--,
               
hope magmeet tau 1 day.._(--,

Rey:  hap..describe daw urself.

Ben:  im 5'4". Medyo mallit ang frame. nka-eye glasses at medyo maputi. u? =]

Rey:  tall, dark, ugly...simple. yun lang.

Ben:  ..i lyk 8 wen u said ugly kc most of d tym its d exact opposite_(--,
               
ano hairstyle mo?

Rey:  ...decente

Ben:  see? im starting 2 picture u as a pleasant young man_(--.
               
can i ask?

Rey:  ...ano yun.

Ben:  nako-curious ka rin ba sa mga beki?_(--,
               
Rey:  di nman..
               
Ben:  i c. u knw wat, i always hav this notion na lahat ng lalake homophobic..r u?_(--,
                                 
Rey:  hhmm..di nman...
               
Ben:  wow. gud 2 knw. Gaano na karami naging gf mo?_(--,

Rey:  ...medyo marami na rin

Ben:  buti ka pa. ako wala pa naging bf. Di kc ako marunong manligaw. nahihiya at natatakot ako sa mga lalake. Takot kc akong ma-bully. Kanchawero pa nman kayo!_(--,

Rey:  kayo..!!!..at tlagang kasali akoh...

Ben:  sorry for being too general pero most of the guys i knew r. but i dont think
u're one of them. =]

Rey:  ...wala akong paki-alam sa mga bakla kc tao rin nman cla

Ben:  wow. so marami bang lumalapit sa yo?

Rey: oo pero masungit ako sa kanila kaya hindi sila nakakaarte masyado sa kin..

Ben:  masungit ka pala, matatakot nman ako niyan..hehehe_(--,

Rey:  ..sa mga maiingay lang

Ben:  sa bagay marami ding ganyan. Kunti lang gay friends ko kasi discreet ako. most of my frends babae.

pero open ka sa posibility na mgk-jowa ng bading?

Rey:  ahhmm...cguro hndi pero frnd k lang...kung sakali silent lang.

Nanunood kba ng cine.

Ben:  of cors nman. Kaya nga nakuha ko yong number mo eh. y?_(--,

Rey:  pag saturday kc nanunood ako ng cine...baka kc meron kang tym.

Ben:  so r u asking me out on a movie..kala ko ba bc ka?_(--,

Rey:  hhmm...para nman makilala kta...

Ben:  saturday is convenient 4 me kc wala ako work hanggang fri lang...ano huli mo napanood?

Rey:  nkita ko na lahat...next saturday na lang...cguro me bago na palabas nun

Ben:  wen is that, this coming sat o sa dec 10?

Rey:  sa 10

Ben:  ok then, dec 10 is the date._(--,

Rey:  ikaw lang ba mg.isa sa kwarto mo.

Ben:  y u ask, u wanna come?_(--,

Rey:  saka nah cguro...sa bahay niyo pa rin u nakatira?

Ben:  oo i stil live with my mama at mga kapatid..

Rey:  kala ko independent kna..

Ben:  actuali i am. Di na ako nanghihingi sa mama ko. ako pa nga nagbibigay eh  ..hehehe_(--,

Rey:  college grad ka

Ben:  college grad, yes.

Rey: me work kna.

Ben:  yup. ei, ano sport mo?

Rey:  rock climing saka swimming...

Ben:  wow, sosyal mo ha. Kunti lang ang engaged sa sport na yan. Di kba naglalaro ng basketball? =]

Rey:  yun lang...nakakapagod na kc

Ben:  used to play volleyball at badmenton sa HS.

Rey:  ano work mo.

Ben:  ...basta i have a stable job na_(--,

pag mgkita na tayo burn kta ng movies at bigay ko sa yo

Rey:   me mga dvd ka...pahiram nman oh             

Ben:  andun lahat sa pc nka-save..wat kind of movies do u watch?

Rey: lahat

Ben:  ha? Ano sabi mo, porn? lol_(--,

Rey: hehehe...kasali na rin yun.

Ben:  gusto ko rin yon, marami din ako niyan dito nka-save..hehehe_(--,

Rey: pwde ba ko punta dyan...hehehe...joke lang.

Ben:  oo nman pero hindi mo alam papunta dito eh_(--,
               
ako nlang punta dyan sa inyo...u want? lol_(--,

Rey:  ...saka na andito c mama

Ben:  cge na hindi nman tayo magkapit-bahay eh wlang mkkkilala. gus2 ko lang mkita ka_(--.                                      
Rey:   hhhmm...cguro gusto mong mkasabay akong matulog na..naka..

Ben:  ..na nka ano? Tapusin mo..

..naka boxers o briefs?hehehe _(--,           

Rey:  naka underwear lang kasi ako matulog eh.

Ben:  sinu ba ang sa tingin mong me matinong isip ang aayaw. OO NAMAN!_(--,

Rey:  hehehe...wen kaya yan?

Ben:  ikaw lang hnihintay ko, wen kaya yan?_(--,

Rey:  ..pwede ngayon?

Ben:  gabi na masyado, u mean bukas? sure. me work ako pero sa cnabi ko na, i can always make time.
          that if kung sure ka na._(--,

Rey:  hehehe...kaw tlga basta ganyan napakabilis mo

Ben:  di naman, gusto lang tlga kita ma meet_(--,

sige na oh, coffee or drinks..i just want  to see u..

Rey:  bc pako eh..

Ben:  or dinner na lang..my treat. _(--,

                pleeeeez.._(--,

Rey:  ppunta kc ako ng davao bukas

                ...[saddened by the news]...

Ben:  ...i c. okay. Buti sana meet muna tayo..=]

****

Rey:  wew...hi bz ka pa?

Ben:  di nman masyado. Musta araw mo?

Rey:  hhmm..nakatulog  ka nba ng lodge.

Ben:  hindi ko pa natry eh..saka na cguro pag me isasama na ako don

Rey:  awp...mkk.experience ka rin nun

Ben:  sana nga eh..pano kc meron sana akong gustong isama pero mukhang parating nagdadahilan eh.
           Saka na lang kung me malakas ang loob dyang mkipag-meet_(--,

Rey:  hahaha...pano yan eh gusto ko ng mkpgmeet.

Ben:  tagal eh..gusto ko nang mgkaroon ng experience. lol

Rey: hap...mangyayari din yon pag mgkita na tayo.

Ben:  r u confirming on sat? Para nman mkapaghanda ako..

Rey:  ok...ready ka kayang mkipag - ahhmm...

Ben:  anong ahhmm?..

Rey:  alam mo na Yun

Ben:  oo nman. Sinabi ko na nman yon dba? =]

Rey:  cguro pag mgkita tayo tahimik lang ako

Ben:  bakit nman?..

Rey:  tahimik kc ako sa totoo lang eh

Ben:  ok lang yun kc i can carry a conversation. Pero kailangan mo pa ring kumibo pminsan mnsan_(--,

Rey:  hehehe...di nman ganun, mgsasalita rin nmn ako...pero kung yayayain na kita ready ka na kya..?

Ben:  ready as i always am.._(--,

Rey:  hehehe...pero tanong ko lang pg nangyari yun...yayayain mo pa kaya ako ulit..?

Ben:  if the xperience is worth it then y not? Oo nman. =]

how can u turn me on?

Rey:  ...ako na bahala

Ben:  ask me d same quest’n..

Rey:  how can u turm me on

Ben: id bring props, probably a rope. Gonna tie u up 2 let me hav ol d control. Den gonna strip u off &     pour hot chocolate on u lick u ol over until u scream.._(--,

Rey:  awp...wag nman..baka langgamin tau nyan...hhmm...tulog nako ha layo pa byahe eh...luv u nlang.

Mkk.check in ka ba sa ch*li resort...?

Ben:  sure anytime. U want 8 there?

Rey:  dun na lang tau...mgkkita. me maliliit na rums di dun diba

Ben:  di ko pa natry rums there...pwede rin. il try 2 nquire nxtwk. =]

                hhmmm...excited?
u dont nid to answer it. u need to get ur rest now. _(--,

********
               
Ben:  di ko pa natry rums there...pwede rin. il try 2 nquire nxtwk. =]

ay, sorry mali npindot ko instead idelete ko sa sent msgs na resend ko tuloy...Pls disregard. den extnd my regards sa u...hehehe._(--,  


Rey:  hi...mustah..ready kna ba..swe ha di ako unli..wala narin akong lod...nyt na lang.

Ben:  _(--, im okay na now dat u txtd. u n cdo na pala? ok lang yon, bka pagod ka pa get sum rest muna. =]

********

Rey:  hi..
               
..[this time xa nman naghintay ng halos forever bago ako nkapagreply]..

Ben:  hi...now ko lang nabasa u txt kc me lakad pa ako. musta nman davao niyo?_(--,

                galing pko sm me binili...kumusta nman inyo pamamasyal?.._(--,

Rey:  awp...nxt na lang...

Ben:  nope i want 8 now na as in NOW na. hehehe okay n ako. tapos na kong mamili.

Parang me namimiss ako... _(--,

Rey:  Namimiss na ano...?

Ben:  hindi ano...Sino. _(--,

Rey:  hehehe..makakapasa ba ako ng pic sa cp mo.

Ben:  di kc activated mms ko eh, pero try mo

Rey:  natry ko na..

Ben:  walang pic akong natanggap eh.

i-email mo nlang

anong pic ba isinend mo, pic mo? ts tsk sayang nman._(--,

Rey:  kumusta na cd hinihingi ko.

Ben:  bumili na ako knina ibuburn ko na pagdating ng bahay._(--,

Napanood mo nba true legend, red, 4thKind, salt?

2 kc binili kong dvd, yung isa porn ilalagay ko.hehehe
Ano, magrereklamo ka pa_(--,

Rey:  hahaha..alam mo taga likes ko.

Ben:  _(--, ako pa! . . . 8s just the start. more 2 come.

gusto mo ba ng ice cream, bumili kc c mama. susubuan kta.._(--,

open mo na mouth heto na ice cream...opennn.._(--,

Rey:  awp...gusto ko ice cream ko tikman mo...hehehe.

Ben:  di nga...ano ba flavor nyan?_(--,

Rey:  choco with vanilla inside

Ben:  ay! lyk! so luv chocol8. Pag pnapili ako choc o sex, choc ppiliin ko...pero mas masarap kung pagsabayin. lol _(--,

sure na tayo ngayong sat ryt?

Rey: ok

hhhmm...nyt swimming tayo nyan.

ala pa ako pambyad sa rums eh

Ben: ...no nid 2 wori. actuali hav plans of going der 2m para mgp.reserve. final ntau dis sat ha
               
...hope di mo ko iindianin..so excitred 2 at least see u. =]


******

Ben: hi, bc ka?

..[walang Rey na nagparamdam]..

******

Ben: hi...kmusta na, bc ka pa ba?...=]

******

Ben:  ...just wnna let u knw na f evr matuloy meet-up natin, me pinareserve na akong rum. took care of  it so u need not to wori. sa sturday sa ****ai nlng tau kita, chat&eat. dat wud be my treat 4u kung mkkpg.kita ka tlaga..den dpnd na lang kung ano sunod mangyayari..hehe. basta 8s all set.
           _(--,


         ...all is set..u nlang hnihintay ko. hope we cud at least meet. pleeez...maawa ka..hehehe _(--,
          



..[pero alang Rey na dumating & i was there alone again. And the story ended with no happily ever after]..





Disclaimer: Ang mga larawang ginamit sa post na ito ay hindi orihinal pagmamay-ari ng blogger.