Huwebes, Hulyo 05, 2012

epic fail



masayang nagtatawanan sina jacob at davin. akala mo'y isang tropang anim ang nagkakasiyahan pero sila lang pala. ganun sila pag nag-uusap, magkaibigang click palaging masaya ang kwentuhan.  

jacob: dumaan nga pala kanina si vina para sabihan ka raw na nakuha na niya number...tinext ka niya gamit pa cellphone ko. bagong number ko na naman yon. kaninong number yon tol? akalain mo ba naman nakuha mo pang utusan yung kapitbahay mong me crush sa 'yo!

davin: siya naman kasi nag-offer eh.. saka di ko ugali yun nakakahiya kaya, pero mahal kasi ako nun haha!.. alam niya lang kasi mga iniisip at nararamdaman ko bago ko pa sabihin. heto nga oh, binigay na niya sa akin..

jacob: patingin nga!

davin: saka na di pa pwede. parang mas excited ka pa yata sa 'kin eh..

jacob: ayun! kaya pala mayabang me chikababe na palang natitipuhan. me accomplice ka pang isang chikababe. tol pag nalaman kong maganda pa yan sa flirt na si jeniffer na bukas liligawan ko na, naku!..

davin: pati  ba naman si jen di mo pa pinatawad? makikilala mo rin... wag   masyadong atat  :D

si jacob ang isang klase ng lalakeng di takot mawalan ng girlfriend. siya kasi yung tipong nilalapitan, hindi ang lumalapit. malakas ang dating, lalakeng-lalake at hindi siya kailan man nahirapan kapag binreak-up ng girlfriend o gusto na nitong magpalit ng syota. matangkad, moreno, at nakakalaglag panty ang ngiti na tila nang-aakit. sa medaling salita, mabenta. masayahin siyang tao, sociable, at napakahilig sa chicks.

si davin naman sa kabilang banda, ay gwapo rin pero tahimik at mesteryoso. hindi ito palakibo sa mga taong di pa niya masyadong kilala pero maingay at palatawa kapag barkada ang kasama. malalim siyang tao at palaging nag-iisip. hindi niya masyadong kinukwento ang personal na buhay kaya't nananatili siyang mesteryo sa karamihan.

pero sa kabila ng kanilang pagkakaiba ng ugali masaya ang kanilang pagkakaibigan.


vina: ano, tinext mo na?

davin: di pa eh...marami pa kasi akong tinatapos kaya't parati kong nakakalimutan..


vina: weh, alam kong di mo siya nakakalimutan. ito naman ang labo, pinaghirapan ko kaya pagkuha niyan. kinapalan   na nga lang mukha ko baka ano na iisipin nun sa 'kin...

davin: sa susunod wag ka kasing basa nang basa ng kilos at iisip...yan. hehehe. salamat talaga vin..kaw kasi eh, di ko naman kasalanang mahulaan mo agad iniisip ko

vina: hmpf! kung sa akin ka lang di na kita pinahihirapan eh. ewan ko nga sa 'yo!...

davin: *nahiya at natawa ng bahagya

vina: wala kang pag-asa diyan!

...at umalis na rin si vina.

araw-araw kung magpaskil si davin sa fb ng mga larawang me nakasulat na mga microblogs na panay panliligaw. lingid kasi sa kaalaman ng lahat, me nagugustuhan siya ngunit hindi niya ito sinasabi at inuopen-up sa barkada.

*comments*

jacob: hoy korny! me nililigawan ka ano? di mo yan binabanggit ah..


davin: loko! akin na muna yun. tagal na yan di lang pinapansin..saka ko na lang sasabihin kilala mo tol pwede mong hulaan :D

jacob: wooo, ito nmn npka-emo. pa-sekret sekret pa eh. torpe. insecure. aagawin ko nga yan eh

vina: anong kaguluhan etoh? :)

davin: @jacob, ma-insecure ba sa 'yo?! insekyurin ko kaya yang mukha mo! para sa akin lang xa kaya di mo yun maaagaw, ulol  :D


*text*

jacob: tol pki-sabi k mma naayos na ung 
         
          truck na paglo-loadan ngayong lingo.
          pero bukas pa ko mkk-uwi ddaanan ko p c jen

davin: pmunta ako senyo knina wla p mama mo.
          punta na lng ulit ako mmya

jacob: tenk u tol

davin: ingat ka dyan maraming rebelde dyan! hahahaha

jacob: hoy, naunahan na nman kita, torpe!
          kmi na ni jeniffer, ahahaha..
          cge tol bukas na usap

         

          gudnyt.
 



*comments*

vina: ba't me ouch ang show nu ngyari?...

jacob: nu yan basted? :D

davin: ---------------

jacob: hoy

davin: @@@@@@@@@@

jacob: nu ba nangyayari sayo pm mu nga

davin: di eh. . .

. . . . . . . . . . . .


davin: .....sinagot na raw xa  :)

jacob: ha?



*pm*

 jacob: tol??

davin: ....oo tol. :D



_End_


1 komento: