Huwebes, Marso 08, 2012

me bago

nitwung mga huli, masyado akong abala at medyo hindi ako nakapagpost ng update sa blogelya landia. kasi medyo nawala ako sa aking ulirat sa kaka-daydream at kaka-stalk sa net. at ang pinagkaka-abalahan?, my one and only crush...and they are the following. lol _(--,

siya po si Pitrus Paolo De Ocampo. kung nanunood po kayo ng uaap s-74 volleyball (men's division po mga te syempre) mapapansin niyo talaga itung gwapong to. siya po ang key setter ng feu tamaraws na naging champion ng katatapos lang na liga. nung una, yung captain ball nila ang una kong pinagpantasyahan, at oo nman kasali rin xa sa list at xa ang susunod, pero unti-unti kong napansin si gwapong setter. nanalo rin xa ng best setter award at siya rin ang nakakuha ng puso ko..choss! feeling ko siya na, siya na talaga! oo, feeling ko lang.

hindi nman magpapahuli dyan si Rodolfo Labrador, Jr. ito po si team captain ng feu volleyball team  (kasama si Pitrus sa team) eh napaka-charming lang talaga at pagkakita ko pa lang sa kanya, laglag na agad yung panty ko bekah. panty talaga bakla. shett nman, hunggwapooo! di niyo lang naitanong pero ganyan talaga ang mga tipo ko-tall, dark, athletic not to mention his very enamouring and seductive smile na me kasamang lick sa lips teh na makalaglag panty talaga. feeling ko nga nainlab ako at the first sight of him eh. at oo, feeling ko nga lang.

maaring nagtataka kayo bakit mga volleyball players yung mga ina-idolize ko ngayon, eh kasi po hilig ko po talaga ang volleyball simula't sapul. dati kasi akong player nung elementary at highskul ako (shett bakla nga talaga) pero medyo di na ako nagtry-out nung college kasi di na kaya sa sked ng academics ang training. pero naglalaro pa rin nman ako sa mga sportsfest kung me time. at nung nakita ko nga itwung dalawa naisip kong pumasok ulet sa skul at mag-2nd course..at gusto ko sa feu! hmm?...makapag try-out na rin kaya sa volleyball team. _(--,

at, hindi pa tayo tapos mga bakla kasi meron pang isa. siya nman si Tom Cully. hindi po ako nagkamali sa pinost kong picture, siya talaga yan. cradle snatcher? hindi nman..wala nmang rule na bawal ang corrupting minor sa crushes deebuh? iba nman ito kasi soloist po siya ng british boys choir na Libera. i first saw them thru a link, then on a guesting on a philippine tv show..then i started listening to their songs (na napaka-angelic ang mga boses, literally) and now, i'm a fan. feel ko talaga xa teh pramis. but he has now left the group kasi 18yrs old na xa eh, nagbago na boses niya kasi binata na nga. he look his best on their video You Were There, which by the way he sang the solo parts. feeling ko feel niya ako..oo feeling lang.

so hayan mga bektaz ha, pahinga muna tayo sa stress sa lablayp kong walng dereksyon at magmasid-masid muna sa paligid..sa net..sa mga kapitbahay..sa school o maging sa mga kasama nating pasahero sa jeep at kung saan pa man. malay natin deebuh, we'll never know what's gonna happen next at dun natin makikita ang pag-ibig...ang pag-ibig na hanggang ngayo'y mailap pa rin. :)


Disclaimer: Photos used in this blog post are not and will not be owned or claimed as his by the blogger.