Huwebes, Mayo 31, 2012

hawwt

napaka-init sa labas mga ate…kung hindi ka nagsa-sunblock o lotion man lang na may mataas na spf sunog ang balat ng maarteng beki.

pero kahit mainit, masaya sa labas kasi ang daming ganito..



at me ganito pa..




di ka talaga magsasawa bakla..


jusko, mai-estress ang mata mo..



oh ang init..



at meron pa oh..



makabalik lang nga muna ng bahay..




magbabanyo lang sandali. *wink*



Photo Credits:
bloggers.com
fashon4men.blogspot.com
plotmonkeys.com
shadowvoid.typepad.com
nitawick.com
secretsofatwentysomething.wordpress.com
jenniferlyonbooks.com

Biyernes, Mayo 25, 2012

kasalubong

minsan naglakad ako pauwi nang me paparating sa direksyon ko. matangkad. moreno. college stud.

type ko.

huminga ako ng malalim, saka tumingin sa kanya ng derecho.
napako ang aking tingin sa mukha niya..

gwapo talaga.

habang papalapit na kami sa isa't isa unti-unti rin akong kinakabahan. kumakabog ng slight ang boobs ko parang tumatalon. 

napansin niya ako. tumingin din siya..

at hindi siya bumitaw.

kinabahan ako lalo. papalapit ng papalapit na kaming magkasalubong

me kumalabit sa balikat ko..

bigla kong naalala, me kasama pala akong ka-opisina. me kinukwento pala  ang ka-opisina at hindi na ako nakapakinig. sandaling naputol ang titigan. na-distract ako sa aking kasama. hanggang sa nagkasalubong na nga kami ng gwapo..

shett.

lumingon uli ako sa likod ko

tumingin rin xa..parang gustong ngumiti na parang hindi.. ewan.
saka tuluyan nang lumayo.

tsk, mahirap talaga pag hindi out.



Photo Credit: redbubble.com

Miyerkules, Mayo 23, 2012

tumataba

me appointment ako kaya maaga akong gumising kahapon. kailangang di ma-late. nakakahiya yon. kahit na maaga pa tirik na ang araw, napaka-init na nman.
inisip ko na ang dapat mangyayari sa buong araw ko. “importante ang araw na ito” sabi ko. iniisa-isa isa ko ang aking priorities habang nakaharap sa salamin at nagtatanggal ng sumpa sa aking pagkababae. kailangang mabilis.
pagkalabas ko ng bahay sabay ding dumating ang bayaw ng kuya ko. ngumiti siya at tinanong kung gising naba sila kuya at ang asawa. sinagot ko nman. tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. maayos nman ang suot ko at mabango pa nman ako, isip ko.
dinukot ko ang cellphone sa bulsa, walang cellphone kaya’t bumalik uli ng bahay kasi naiwan. tiningnan na naman ako ng bayaw.
sa antayan ng sasakyan me kapitbahay akong nag-aantay rin. nginitian ko siya pero mukhang hindi niya ako napansin. payn. tumayo nalang ako at ininspeksyon ang bag baka me nakalimutan pa.
“tumataba ka na…”biglang sinabi ng kapitbahay.
“ho? di naman po. medyo fit lang kasi yung naisuot ko..” mahinhin kong sagot.
“maaga ka yata ngayon” sabi niya, “tumaba ka talaga” kanyang dagdag.
ngumiti na lang ako. ayokong makipagsabunutan ng kay aga-aga.
pasadong alas-dyis na nang matapos ang meeting ko. naki-usap silang isasama pa daw ako sa construction site at me ipapakita sila sa akin. tanging daddy niya lang ang kasama ni bambi. usually kasi tatlo sila—siya at ang asawang si jedd, at ang daddy niya. sila ang parati kong ka-appointment. nasa cebu raw si jedd kaya’t hindi nakasama.
“ben pansin ko tumataba ka na ..” sabi ng bambi.
“….talaga? “ tanong ko. araw araw ko nmang nakikita katawan ko parang hindi ko nman napapansin.
“oo. mas maganda nga yan eh. okay lang, parang nagkalaman ka na ngayon mas bagay” bawi niya.
di ko alam kung magpapasalamat ako o magagalit. last ka na! sampalin ko kaya ito eh…wag na lang. demure ako ngayon nakapostura ako. at parang narinig ko nman ang salitang maganda. bigla kong naalala ang kapitbahay.
parang umikli ang araw  sa dami ng nilakad ko. feeling ko nga ang dami kong accomplishments eh.
pagkatapos ng trabaho uwian na. bago kami naghiwalay ng kasama ko napag-usapan namin ang mga bagay sa daan na nakaka-imbyerna. mga harurot na motor na bigla na lang sumusulpot, mga pasaway na drayber na sa gitna humihinto, mga gitnang-kalye vendors, at mga pasaherong pasaway rin.
natawa ang kasama ko sa akin kasi parang galit na galit daw ako..strong and struggling sa tindi ng galit. di ko pansin yon.. hayblad?
pagkarating sa amin dali dali akong naglakad kasi ihing-ihi na ako nang me tumawag,
“ben!..ginabi ah” si wena, ang isa pa naming kapitbahay na tila me sasabihin pa..
“uy” tipid ko namang sagot sabay ngiti habang nagmamadaling makarating ng bahay.
at sinabi na nga niya, “parang tumataba ka na..” nakangiti pa

teka..
nyeta ‘to ah. pakshett.



Photo Credit: harkin.senate.gov

Martes, Mayo 22, 2012

nung unang araw ng pasukan

tamad ako sa unang araw ng pasukan. naalala ko pa nga nung hayskul first day ng classes eh di na ako agad gusto pumunta para pumasok. gusto ko nang mag-quit.
nasanay na kasi ako sa dalawang buwang matagal gumising. dalawang buwang walang assignment at surprise exams. dalawang buwang di ko nakikita (at di na muling makikita) ang iskulmeyt na nanunuksong bakla ako, pakshett niya. at dalawang buwan ding wala ang mukha ng teacher kong parating galit.
pero dalawang buwan na walang alawans at crush, di ako nasanay.
unang araw ng klase kaya’t inaasahang magulo pa ang lahat. kailangan ko pang hanapin ang pangalan ko kung saang section ako napabilang at kailangan ding hanapin ang classroom. shett, hate ko talaga ito. lahat bago sa akin.
hindi ko pa kilala ang mga bago kong kaklase kaya’t sumali na lang ako basta sa linya ng mga estudyanteng maliliit din. sigurado akong freshmen din sila. magsisimula na ang daily morning churvah at kailangan nang umayos kami sa aming linya.
pangalawa ako sa linya dahil may mas maliit pa kasi sa akin. sa wakas, sawang-sawa na rin kasi  akong palaging nasa unahan. pansin ko yung isang estudyante sa linya katabi nung sa amin.
matangkad yung lalake, medyo moreno pero di ako sure akong freshman din xa. mabait ang kanyang mukha kaya in-assume ko ring mabait xa. at hulaan niyo. . .hindi, mali kayo. hindi ko siya type.
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
‘Di ka pasisiil.

..habang kinakanta namin ang lupang hinirang. kanta lang ako ng kanta, mabait naman akong estudyante eh.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.
maganda ang araw. maliwanag ang langit. at kahit tirik na ang araw, malamig pa rin ang hangin.. at pansin ko si moreno guy parang balisa at gusto nang umalis sa linya niya..
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.

feel na feel ko pa rin ang pagbirit. shett, ang baduy.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi…

lumingon-lingon si morenong guy. hanggang sa…

Ang mamatay nang dahil sa ‘yo..

..bumagsak na lang siya bigla. di yata nakapag-almusal gaya ko.





Photo Credit: bethel.k12.or.us

Lunes, Mayo 14, 2012

the ride

madaling araw na nang natapos kami ng bestfriend kong si ivy sa pagrampa. kailangan naming magtaxi (ng hiwalay) pauwi kasi medyo delikado na at baka ano pang mangyari sa daan. nang turn ko nang sumakay, nakalimutan kong tandaan ang plate number ng kanyang sinakyang taxi kaya’t tinext ko na lang xa.
tinanong niya rin ang sa akin, hindi ko matandaan nung pagkasakay ko kaya’t sumilip ako sa harapan sa upuang katabi ng driver baka sakaling me nakasulat na plate number ng taxi. pero imbes na plate number ang mahanap ko, ang braso ng driver ang napansin ko. shett, ang sexy…naka-black body-fit shirt si kuya at makinis, mukha pang mabango. ang ganda ng leeg niya ang sarap papakin. at hayun sinamantala ko na ring titigan xa mula sa likod kung saan ako naka-upo.
me bumubulong: kailangan mo nang magpa-cute bakla, cge na...go!
“magkano ba upa niyo dito?”, medyo ilang ko pang panimula.
“850 po kung extra lang pag gabi, mas malaki nman kung buong araw”.
“i see. kumikita nman kayo, at me extra pa bang pambili ng gatas sa mga anak mo?” aking biro.
“binata pa po.. kumikita nman, me extra pang pambili ng beer”. natawa xa sa kanyang sinabi.
“..at me panlibre sa mga gelpren?” pabiro kung dugtong.
“naku wala eh. sineswerte nman pag ganyan…”
“…wala? eh boypren? ..mahilig pa nman akong manlibre”
natawa na talaga xa. hmmmm…me chance to, te!
“san po ba kayo nagtatrabaho, ganitong oras ba talaga uwi niyo?” kanyang pag-uusisa.
“huh, trabaho..mukha naba akong me trabaho? ganun naba talaga ako katanda para magmukhang me trabaho na?..hindi ah, rumampa lang kami ng mga  friends ko. weekend kasi..”
“..ah, hehehe..ganun po ba. sorry akala ko kasi eh”.
“akalang ano, na me boypren na ako? hay naku sana nga..”
natawa xa sa hirit ko. pilit kong pinapahahalata ang aking pagpapacute sa kanya, na sa tingin ko umi-epek nman. marami xang naging mga katanungan, sa na wari ko’y curious rin xa. tama ako, pwede nga ito.
sa kasarapan ng aming pag-uusap, di ko napansin na malapit na pala ako sa aking bababaan.
“sandali, wag mo nmang masyadong bilisan ang pagpapatakbo. madali akong makarating niyan eh”.
natawa lang xa. at sinabing wala pa xang naging pasaherong pilit pinapabagal ang mga sandali sa byaheng taxi. natawa na rin ako sa aking sarili. sana dinamihan ko pa ang aking ininom para mas naging makapal pa sana ang aking mukha.
pero gaya ng iba pang magagandang bagay na pilit nating ayaw matapos, nakarating na rin ako sa amin.
“salamat ha. parang ang bilis lang ng sandali” sinabi ko nung inabot ko na yung bayad.
bigla niya akong tinawag pagkabukas ko ng pinto para bumaba,
“teka lang, heto oh..wag mo kalimutan sukli mo". *smiles
"mag-iingat ka palagi ha…salamat din”. *winks


..at dahil sa ngiti at kindat kahit na medyo lasing, di na nman ako nakatulog hanggang umaga.

Biyernes, Mayo 04, 2012

bakla ka nga!

nakatingin. nagmamasid. at alerto sa mga dumadaan. . .tahimik na tumitingin sa bawat lalake. pinipilit labanan ang tukso ngunit di mapigilan. bayeet, wag mo na yang itago dahil iyan sa iyong dugo'y nananalaytay na..

ayaw mong maniwala? heto basahin mo at sa sarili'y mapatunayan na, tita, bakla ka nga!


1. ...talaga kasi, mahilig kang mag-ingles te! inglesera much ang dramarama. wala ka nmang dugong banyaga  at kung meron man, dito ka na pinanganak at lumaki. kahit simpleng pag-uusap lang, o sa text o maging sa komento sa fb o pagtu-tweet, ingles pa rin ng ingles ang bekahloo!

2. ...talaga kasi, ikaw ay napaka-fashionista! at heto ang iilan lang sa mga hints sa fashion statement mez:

a. pointed leather shoes, na me kasamang heels pa yan at orange ang shoe lace (?)
b. checkered ang pants, kasi kailangang mag-stand out at maiba
c. di masyadong mahilig sa v-neck. out of 10shirts mo, me 8 v-necks ka lang naman
d. super fan ka ng pedal-type shorts

3. …talaga kasi, ubod ka ng talino at napaka-articulate pa! at saka winner sa wits ang bakla kasi di nauubusan ng punchline. talaga!

4. … talaga kasi, iniidulo mo sina Mariah, Whitney, Beyonce, at tuwang tuwa ka pag samasayaw na si Lady G at umiindak sa intablado si Cher! memorize mo pa ang Reflections ni Christina Aguilera at talagang bumibirit pa!

5. …talaga kasi, one-liner lang tinext ng guy sa ‘yo, yung reply mo 2-pages, bakla!

6. …talaga kasi, tumatalon ang boobs mo kapag nakita ang pangalan ng crush mong ekal sa inbox; kahit mangungutang lang ng pang-load!

7. …talaga kasi, di mo pa rin kayang i-delete ang mga messages ng pinagnanasahang ekal kahit puro alang kwenta ang mga messages!

8. …talaga kasi, memorize na memorize mo ang sagot ni Venus Raj at Shamcey sa nakaraan nilang pageants!

9. …talaga kasi, secret fan ka ng Miss U at me bet ka pa talaga kung sinu-sino papasok sa top 10. ay bongga!

10. …talaga kasi, titig na titig ka sa commercial ni Aljur na Century Tuna hotdog, at alam mong di na xa baby!

11. …talaga kasi, nadulas ang ‘yong dila sa harap ng mga katropa mo’t nasambit ang salitang Fabulous!

12. …talaga kasi, di mo maipaliwqanag ang inis kina Kylie Padilla, Marian Rivera, at Angelica Panganiban!

13. … talaga kasi, suki ka ng Olay Regenerist, Block&White Ultima, glutathione soap sa drugstore. at sinamahan mo pa ng Myra-e!

14. …talaga kasi, banidosa ka at para kang bampirang takot maarawan!

15. … talaga kasi, di ka makatingin ng derecho pag kinakausap ng kapitbahay mong basketball player na naka-jersey shorts lang at walang pang-itaas..pawisan pa!

16. … talaga kasi, mahilig kang manood ng basketball, pero ang nilalaro mo lang nman ay badminton, volleyball, at farmville!

17. …talaga kasi, super galit ka sa kapwa bakla, te!

18. …talaga kasi, tuwang-tuwang ka pag nakaka-eskor ng halik si Vice Ganda sa kanyang show! ikaw pa ang kinikilig!

19. …talaga kasi, ayaw mong me balbas ka at buhok sa dibdib. at itinuturing mo itwung sumpa!

20. …talaga kasi, takot ka ke Ping Lacson na maging presidente, at galit na galit ka at nasusuklam ke Gaudencio Rosales!

21. …talaga kasi, feel na feel mong bitbitin ang bag ng gelpren mo kahit kaya na niya itwung dalhin, namimilit ka pa. at kung maka-bitbit ka te parang pag-aari mo talaga!

Miyerkules, Mayo 02, 2012

ang buhay jafarador

 

walang hangin sa loob ng jafarador. jundi ka halos makahinga, madilim at witchikels malayang makapagsayaw ng moves like jagger badinggerzee dahil masikip. ganyan kahirap mamuhay sa loob ng jafarador.

mahirap ang buhay sa loob ng jafarador, lalo na’t alam ni bekah peralejo na walang ibang kasamang mahihingan ng SOS, walang makakausap at makakajuntindi maliban sa baliw na si simsimi na isa ring yilmas bektaz. araw-araw lagi na lang kailangang magtago sa loob ng jafarador si beki belo kasi ang tingin ng jutaw, ala xang kwenta. kahit ipinakita na niya ang galing; ipinadama na isa rin itwung jutz (tao) na me pakiramdam; inihayag ang kahalagahan at silbi sa juraming bagay, kahit sing-bongga nito ang kabayong si vice ganda (eeew ang kyawti) pero pag nalaman nilang isa xang froglet at pito pala ang kulay ng shining shimmering dugo nitez, mababaliwala kasi xa ay salot at ang bagay lang sa kanya’y mamuhay  sa loob ng jafarador.
gayunpaman, ang mga mayet palaban sa buhay. ang mudo sa labas ay marahas, grabedelya mandaut, mapanghusga, at nagkalat ang imbyernadette sembrano—mga bagay na lalong nagpapahirap, kaya’t nido to the highest level ang lakas ng loob at tibay ng boobs. at mega dapat ang kapal ng mukz te, out ka mang beki ka o dramamin (umaastang min), kasi lalafangin ka ng buo sa labas pag witchikels lumaban at nanindigan sa iyong pagiging mutant, sinadya mo man yan o hindi.
kahit tinataboy ka na, goradelya pa rin in the catwalk at rumampage towards the rainbow kasi knowslift mong ikaw ang nagpapasaya at nagdadala ng colors ng spectrum sa mga buhay ng jutawng nakapaligid sa iyo. maliit man (ang alin?) ang kanilang mundo sa loob ng jafarador, malawak nman ang kanilang pananaw at pag-iisip. masisipag sila at mataas pa (mataas ba?) din ang kanilang pag-uunawa sa mga bagay...ganun ka ka-byonda bekah! bongga!

pero hanggang kailan ang pagkacamouflage? hanggang kailan ang pagtatakip ng fez? hanggang kailan ang pagha-hide and seek sa loob ng jafarador ni victoria? ewan mcgregor, ang knowslift ko lang ditetch lang talagei makakahinga kahit walang 2hp airlaloom unit sa loob; dito lang makakapag-dance ng nobodynobody batchooo; at dito lang naipapakita ang busilak na pussy kipay puso sa napakadilim na mundo bago maka-entourage the gates of narnia.
badinggerzee, bakla, mayet, vadoo, toadfish, vaklerr, bekilou blanco, yilmas bektaz, bekah peralejo, beki belo, anupaman, iisa lang ang kinukokak ng pusong marshmallow ng mga froglets—na tanggapin at maunawaan siley ng lubos. kasi sa ending ng napakahabang story nina mara at clara iisa rin lang nman ang pinagmulan natin. iisa ang uri. at KAYO rin—mga nang-aapi—ang sa amin lumikha (oo, kayo ang nanganganak eh hindi kami, leche!). kaya’t bekilou maging matatag at tumayo, harapin at kumaway, hawakan at isubo, at ibandera ang kipay, humayo at sa mundo—kahit doon ika’y inaapi—doon magpakarami.


Disclaimer: The photos used in this blog post are not owned by the author of the blog.