Biyernes, Hunyo 29, 2012

nagkasagutan

sumabog na talaga ang bomba kahapon. nag-away kami ni mira mae. . .
i’m sorry let me rephrase it, inaway ako ni mira mae.

nagsimula ang lahat nang binanggit ko ang salitang fiancé..

fiancé
fiancé
fiancé
fiancé

gusto kong ulit ulitin ‘to sa mukha niya. fiancé.
kahapon sa opisina nabanggit ko kasi ang fiancé habang nag-uusap kami kasama ng isang kaibigan namin. allergic kasi siya sa salitang to eh, ewan ko ba. lalo na pag me kausap siyang cute. cute na me asawa na.

“alam mo ben ang di ko gusto sayo yung kung anu-ano na lang binabanggit mo!”

“huh? excuse me?”

“di ko gusto yung ugali mo ha na kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig mo!”

“wait, i may have said any thing but that was actually nothing..gets mo?”

“sa susunod wag mong binabanggit yang fiancé fiancé na yan. ayoko kung saan saan ko na lang yan naririnig”

“so ikaw ang me problema! walang kahulugan ang isang bagay kung hindi mo binibigyan ng kahulugan. what’s with the word? masyadong malisyosa yang isip mo”

“ayoko lang binabanggit mo yun sa kung sinu-sino”

“so pinipigilan mo ‘kong magsalita? wag ka nga ang OA mong magreact. pinapahiya mo sarili mo”

“okay OA na ako. hindi ko na sana sinabi sayo ‘yon, sana kay jane ko na lang sinabi”

“sabihin mo nga yung eksaktong pagkasabi ko”

“wala. basta ayokong tinutukso mo ako sa ibang tao”

“yun nman pala eh. daldal ka kasi ng daldal di mo pinipigilan yang bibig mo!”

natahimik ang kasama namin. hindi na namin sya napansin. shocked ang drama.

dati, kahit ayoko siyang kausapin kasi napapagod ako sa kanya kinulit niya talaga ako. kinwento niya ang love life niya na medyo me pagsisisi dahil hindi naging sila ng taong ilang beses na niyang binasted pero kalaunan narealize niya na mahal pala niya. nasa US na ang lalakeng yun at parati niya itong ini-istalk sa fb. minsan minimessage siya nito at di niya mapigilan ang kilig at dinadaldal niya ito sa amin.

mula noon lagi ko na siyang tinutukso ng salitang fiancé. yun lang ang sinasabi ko at hindi ako nagbabanggit ng kahit anong pangalan. she could have been his kung di lang nag-inarte ang maarte. di niya ito nagustuhan kasi siguro nafu-frustrate na dahil mahal na niya yung lalake o di kaya’y ayaw niya lang maudlot kung sakaling manligaw ito ulit sa kanya kasi inuunahan ko na.

pakipot pa kasi eh malandi rin nman pala. tinalo pa ako.

pagkatapos ng pang-aaway niya sa akin, kumalma na xa. natauhan siguro sa huli kong sinabi. uminit talaga ulo ko. yung sa itaas. kahit hindi nman talaga ako pala-away ginalit niya ako kaya medyo nagsigawan kami. talo siya pag nagkalbuhan kami kasi mahaba buhok niya at makapal ang kilay niya.

nung sumakay na siya bigla siyang nag “bye ben..” na me kasamang plastik smile, at nag “bye mira mae” nman ako na sinamahan ko rin ng plastik smile.

haay talaga..nainis talaga ako’t gusto ko syang pagsasampalin

KABLOOG.

ay, tulak yun

na me kasamang tadyak.

Miyerkules, Hunyo 27, 2012

me in the eyes of my friends: a blog challenge

8 months. 38 posts. a humble 4-digit page views since the onset. 3 stunningly gorgeous members..and probably a double dozen more stealth followers. with these stats? i can humbly say i am already happy with this blog. what more could i ask for? this is one fabulous blog!!. . .
choss.
i have enjoyed doing this from the beginning. kahit ganito lang itetchi agbayari mahal ko po itwu and despite the hectic sked (char!) i make sure i find time to at least make updates. 
there’s more to beki life to share mga mayets, pramis! but  with a decent amount of anonymity on my part (of course).
reviewing my posts i realized i scarcely introduced myself to your benefit. so i created a challenge in this blog to get you acquainted with me in a quirky and eccentric way. i sent emails to my feisty stellar best friends and pee-emmed them on facebook inviting them to write an article about my astonishing self; a lot of fun me; and the ever-fabulous i. yes it should be more about me, kanino pa ba eh blog ko to eh.
and I’m doing this for the love of you, my dear readers.
charut.
there. expect to see posts with title: Me In The Eyes Of My Friends, straight from my friends them introducing me to you. no biases. no exaggerations. and most importantly no editing from me.
 i promise you’re gonna see stars on this run. STARS baby!
so are you ready?







*artwork title: Vanity: The Ball
 by Yours truly, bender (for baklangstripes.com)
 medium: mixed media


Huwebes, Hunyo 21, 2012

fainting

me bakante akong oras. gusto kong me ginagawa, gusto kong me pinagkaka-abalahan.

fainting.. tama!
gusto kong mag-pinta!

matagal na ko na 'tong di nagagawa...kaya't hinanap ko ang mga luma kong gamit at magpipinta ako.

***********

gusto ko ng maraming bulaklak. rosas, kasi mapupula at mabango kung amuyin. at saan pa ba matatagpuan ang mga rosas, syempre sa garden. yun, gusto ko ng garden na me maraming rosas..

syempre kailangang me tao sa garden...oo, maganda yun. dalawa kasi para sabihing nagde-date sila. sige, lalagyan ko ng tao...pero lalake ang ilalagay ko. dalawang lalake. bakla ako eh..

sweet silang dalawa. mukhang nakakainggit sila kasi ang close nila yung parang naghahalikan..pero hindi pa pala, nagbubulungan lang. pinag-uusapan nila kung ilan ba gusto nilang anak. dapat daw kasi sa magkasintahan pinaplanu na kaagad yun. kaya ang mga beks nakisali na rin..

maganda ang hardin. hindi lang rosas ang makikita marami pa. me iba't-ibang halaman din at bulaklak. me mga paru-paru pang makikita. pero ang dalawang beks, ang kanilang mga sarili lang ang nakikita..

***********
pero teka, ang dami ko nang naiisip ah at wala pa akong naipipinta kahit isang dahon. at parang pinahihirapan ko yata ang sarili sa mga gusto kong mangyari sa fainting kez. parang matatagalan ang beks...at parang hindi ko na yon magagawa..

kaya, naghanap na lang ako ng gagayahin kong fainting...yung medyo hawig sa gusto kong mangyari. at nakahanap nman ako..

kaya't ginaya ko na lang.

rosas...

bulaklak...

hardin...

at charaaaaahhhhhhh.........

itwu na xa

odb, maliit lang ang kuha pero bongga nman.

pero nasaan ang mga malalanding beking naghaharutan? wag niyo nang hanapin kasi hindi nyo rin mahahanap.

pagkatapos ng harutan ano paba gagawin?




*title: sunlight-dappled archway of roses, watercolor on water color paper by bender (yours truly).
originally done by daniel kirckhofer, Rosenbogenallee.


Miyerkules, Hunyo 20, 2012

dalawampiso

motorela. hindi po itwu brand ng cellphone mga beks, ito po ang version namin ng traysikel dito sa cagayan de oro, pero mas malaki at mas maganda. wala kasi kaming traysikel dito, lahat motorela na.
kaninang umaga lang ay sumakay ako ng rela (short for motorela). araw-araw papuntang opisina kailangan kong sumakay nito, dobol ride kasi ako. nang papalapit na akong bumaba kinuha ko na ang coin purse para maghanap ng baryang pamasahe.
shett, seven pesos pala. kailangan ko ng seven pesos pero singko na lang ang natirang barya ko. pagtingin ko sa wallet wala rin akong maliit na bills, two hundred.  siguradong pagagalitan ako ni manong drayber kasi medyo malaki ang two hundred at wala siyang pansukli.
me sumakay na ale na me kasamang batang estudyante. naisip kong magmakaawa na lang, iiyak at manghiram ng dalawampiso..pero hindi, nakakahiya naman..at oa yun. tsk, anu na gagawin ko wala talaga akong mahanap na barya sa bag na aabot ng dalawampiso. lagot ako.
dalawampiso?…hindi ako nagha-hallucinate, me naiwang dalawampiso!
shett dalawampiso nga!! pagtingin ko sa upuan sa unahan ko.

kinabahan ako baka makita ni manong drayber at sabihing sa kanya yon.. siguradong sabunutan ng kilay ang show namin ni kuya pag ginawa niya ‘yon. hindi nakita ng bata at ng ale kasi doon sila naka-upo sa tapat ko kaya’t kinuha ko itwu agad, mabilis at di nila nahalatang naka-jockpot ang bakla

ng dalawampiso.

napakasaya ko talaga. ang swerte nga nman, sa mga panahong kailangan mo at nandiyan na binigay na, di mo pa ba kukunin? kaya pagkababa ko napatawa na lang ako. takang tumingin si ate. natawa ako kasi noon ko pa naranasang maging sobrang tuwa sa dalawampiso.

gratefulness with every thing—a lesson learned eccentrically.

odb?, parang ang bakla lang kung iisipin. :D

Lunes, Hunyo 11, 2012

ewan

nagulat ako nang pagtingin ko sumakay sa sinasakyan kong multicab ang dating kakilala. siya nga, at hindi ako maaring magkamali.

siya ang isa sa aking mga bully..mga dati kong bully.

sa mukha ko lang siya kilala, pero ako pati pangalan kilala niya. hindi ko makakalimutan ang mga panlalait niya sa akin nung akoy nasa elementarya pa lang at maging sa hayskul kasi naging schoolmate ko rin siya. sadya yatang tinutukso ako ng tadhana at panay sunod ng taong hindi ko na sana gustong makita.

napatingin siya sa akin na kanina pang nakatingin sa kanya pero nilipat niya agad ito sa ibang direksyon. alam kong napansin niya ako. alam kong nakikilala pa rin niya ako dahil hindi pa nman lubusang nagbago itsura ko noon.

parati akong inaaway ng taong ito, alala ko. minsan nung naglalakad ako pauwi bigla na lang me sumigaw sa akin, “bakla! mamatay ka sana!” siya pala yon at kanyang mga kabarkadang bully rin. hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganon na lang ang pagka-inis nila. hindi naman ako salbaheng bakla. hindi ko nman sila kaaway at wala rin nman akong inaway. 

hindi ko masyadong inintindi iyon kasi ayoko lang intindihin. pero sa loob-loob ko pala, hindi ko namamalayang lumalalim na ang sugat na idinudulot nun sa pagkatao ko.

habang lumalaki at nagkakaisip, dumarami ang mga insecurities ko sa sarili. marami akong kayang gawin at napatunayan pero tila hindi ko magawang ipagmalaki ang sarili ko kasi mababa ang tingin ko sa aking pagkatao. hanggang sa hindi ko na masyadong ini-engage ang sarili sa mga kaklase kong lalake. unti-unting nag-iba ang tingin ko sa kanila lalo na pag napag-uusapan nila ang mga bakla at panay pa ang tawanan.naging sensitibo ako at hindi ko sila masabayan at masakyan.

halos lahat ng kaibigan ko ay babae o di kaya’y lalakeng babae, wala akong kaibigang lalakeng pinagkakatiwalaan at sinasabihan ng mga personal na bagay tungkol sa akin..

iyon na siguro ang epekto ng pambubully nila―hindi na ako naging komportable sa mga lalake kalian man. kahit pinatawad ko na sila, hindi ko pa rin sila nakakalimutan.

sa dinami-dami ng maaring masakyan niyang multicab, nagkataon pang don din sa sinasakyan ko siya sumakay. pinaglalaruan nga talaga ako ng tadhana. magkatapat pa kami at di mapigilang minsan magkasalubong ang aming mga mata.

malaki na ang pinagbago niya. ang dating patpatin at gusgusing bully ngayon ay gumwapo na, tumangkad, at gumanda na rin ang katawan. maayos na ang kanyang pananamit. di ko alam kung ano nang nangyari sa buhay niya, nag-asawa na ba siya o maayos na ba ang kanyang trabaho. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa sandaling yon. parang bumabalik lahat ng galit ko at pagkainis sa kanila. at dahil siya ang nandoon, siya ang maari kong mapagbalingan. nakalimutan kong pinatawad ko na pala sila..

minsan nung nakatingin ako sa kanyang direksyon, pansin kong tinitingnan niya rin ako. at parang me gusto siyang sabihin..pero hindi ko alam kung ano at hindi rin ako sigurado.  ang dating mukha niyang puno ng pagkamuhi sa akin ngayon ay parang nag-iba na. parang wala na sa kanya ang muhi at galit. para siyang nahihiya. 

sa kabila ng obserbasyon ko pina-iral ko pa rin ang pride ko. ayokong kausapin siya. ayoko siyang pansinin. at higit sa lahat ayoko na siyang makasakayan at makita pang muli. 

mali ako, hindi ko pa pala sila lubusang napatawad..dahil ramdam ko pa rin ang inis sa kanila.

hindi ko alam kung kailan ko mababago ang aking pagtingin sa sitwasyon. alam kong ang tagal na ng panahong ‘yon at sadyang nagbabago ang mga tao.. 

nung pagbaba niya natanong ko ang sarili, 

“masaya ba siya noon sa kanyang ginawa sa akin?” oo, maaari. pero ngayon parang wala na sa kanya ang mga ‘yon..

“ako, masaya ba ako sa ginawa ko ngayon?” maari din, pero me malaking bahagi sa katanungang ito na ang tunay na kasagutan ng aking puso ay nagsasabing

“ewan, hindi ko talaga alam”.


Martes, Hunyo 05, 2012

ang maganda

siya si mira mae.. 
oo, siya ay isang tunay na babae. mabait siya, pero medyo lang. matangkad. maganda ang buhok at maarte sa katawan. at higit sa lahat maganda xa. minsan na nga siyang sumali sa isang amateur beauty pageant eh.. 

pero hanggang top-5 lang xa.
at walo lang silang sumali.
naiinis ako sa kaya. hindi dahil sa mga binanggit kong katangian—hindi ako insecure sa magagandang bilat—kundi archetypal homophobic ang drama niya.
minsan nung me kausap xa, sinabi niyang “bakit ba me mga bakla pa, hindi ko sila maintindihan. lalake nman sila ba’t ba kailangan nilang maging bakla?”. natawa ako kasi sa sinabi niyang yon, me isa pa pala xang katangian, ang pagiging makitid.
madaldal si mira mae, as in napakadaldal. para nga xang si gloc-9 kung magsalita napakabilis yung parang nagra-rap? gustong-gusto niyang parati kang nakaharap sa kanya pag nagsasalita xa. at kung inaasahan mong me panahon ka pang magkukwento rin ng iyong buhay sa kanya nagkakamali ka dahil hindi na mangyayari yon. napaka-interesting kasi ng buhay niya kaya dapat siya lang ang nagsasalita…
maganda kasi xa eh.
gusto niyang palagi mo siyang pinupuri at ina-affirm…yung tipong tama siya palagi. me ugali rin xang uutusan ka niyang pumunta sa albums ng fesbuk niya para magcomment. nagagawa niya yon kasi maganda xa.
minsan niya na rin akong inutusan pero hindi ko siya sinunod. hindi ako fanatic eh. at hindi niya rin ako mapipilit na tingnan yung albums niya kasi mas maldita ako at hindi siya si aljur abrenica.
minsan ding naloka ang kanyang kaibigan sa kanya. paglagay lang ng margarine sa tinapay hindi pa niya alam, “san ba to ilalagay rina?”, tanong niya sa kaibigan habang hawak-hawak niya na ang sliced bread at nasa harap pa ang margarine. “sa mukha..sa muhka natin yan ipapahid” anang inis na rina.
kahapon habang bisi ako tinawag niya ako. hindi ko pa siya agad narinig kasi naka-earphone ako kaya’t inulit niya ang pagtawag at nilakasan na ang boses. malakas sa puntong muntik ko na siyang masampal kasi akala ko inaaway niya na ako bigla.
“ben, May 22 ba tayo ngayon?“, muntik ko nang pinakain sa kanya ang kalendaryo kung hindi lang ako nagpigil. ako pa ang tinatanong eh nasa harap nman niya ang kalendaryo?
kanina sa uwian bago kami lumabas ng opisina humarap xa sa orasan at lumingon sa akin sabay tanong, “alas-sais na ba?” “EWAN, ANO SA TINGIN MO?!” sa loob-loob ko. haay naku, ang ganda lang talaga niya.
pinakilala ko siya sa inyo hindi dahil upang siraan siya. wala nman kayong maitutulong eh at saka wala rin akong makukuha. gusto ko lang ilabas lahat ito kasi nai-imbyerna na ako. ayoko siyang awayin eh, di  rin nman niya ako maiintindihan kung sakaling awayin ko xa kasi iba ang lebel niya,
maganda kasi xa.



related post: nagkasagutan

Photo Credit: *ninakaw ko lang ang larawan sa fesbuk ni mira mae.