Miyerkules, Enero 23, 2013

maling intindi

sabi sa isang commercial ad:





CAN YOU LAST UP TO 12 ROUNDS?





TAKE ROGIN-E EVERYDAY






REGIN-E


FOR THE MAN ON TOP.




shett, iba ang pagkaka-intindi ko. . .


hungdameee agad pumasok sa isip ko. . .

ito pa oh


. . . .at heto pa









Photo Credits:
                        mims.com
                        blindgossip.com
                        polyvore.com
                        forumgrasscity.com

Martes, Enero 15, 2013

ngayong taon

"kumusta ka na?"

bigla akong napa-isip. kumusta na nga pala ako?

bakla, inakala niyo bang tuluyan na akong nawala sa mundo? kinidnap o na-rape at hindi na naka-uwi? grabe naman kayo. shett. yung na-rape okay lang sana at pina-uwi rin pagkatapos. pero hindi, mali na naman kayo, at masyado kayong morbid pakshett. gusto niyo na yata akong ma-intimano. naging bisi lang ang karera ng bakla dahilang hindi muna ako nakapag-update ng matagal-tagal sa bonggang-bonggang blog. na-miss niyo ‘ko noh? um-oo man kayo o hindi alam ko kasi, assuming akong palaka. magtiis kayo.

hindi ako naging bisi sa lablayp maging sa sexlayp. sexlayp!!?? hungyabang, meron na ba? yun nga eh, naging bisi ako sa trabaho.. marami kasi akong sideline nobyembre at disyembre. kailangan maraming trabaho para marami ring pera at bumongga ng todo ang pasko mga beki. at saka lahat naman tayo, pag darating ang pasko nagiging bisi eh, kaya’t nakikibisi na rin ang peg ko!

so anong nangyari sa akin noong huli ng nakaraang taon?

sinabing wit nga eh. as in Wala.

walang nangyaring bongga mga teh, maliban sa mga proyektong halos di na ako patulugin. pero  blessing na rin naman iyon at naging masaya naman ang karera sa propisyon. feeling ko nga mas bubongga pa itwu ngayong taon ng ahas eh..

kaya sa taong ito naisip kong mag-concentrate na lang muna sa trabaho habang pinagpipilian pa ni Lord ang lalakeng magde-divirginize ng peg ko. relax muna sa lablayp, maganda naman ako kaya keri na lang teh sabay throw carelessly ng ne-rebond na hair sa hangin. kasi lalo ko itong iniisip, lalo ring nagiging mailap ang pag-ibig, pakipot ang show! so landi-landian na lang muna.

speaking of ahas, sana ngayong taon ng ahas ay walang magiging ahas. pero feeling ko meron..aayy!! jowk. maging masaya na lang sana tayong lahat: babae, lalake, palaka o bekilou ka man, mahirap o sosyal, o nagpapaka-sosyal, pokpokin o maria clarahin. hindi prebelihiyo kundi karapatan ang pagiging masaya kaya dapat masaya lagi. sana maging maunlad at maginhawa ang buhay sa pangkalahatan. na nawa’y gabayan tayo ng Panginoon sa lahat ng gagawin kahit naging pilya at sutil tayong mga baklita. ilayo sana tayo sa mga kalamidad tulad ng bagyo at baha, sunog, lindol, aksidente at pagkakasakit.

nawa’y maramdaman ng bawat isa ang pagmamahal ng kapwa, maging anong klaseng pagmamahal man iyon.

ang wish ko naman sa sarili ko, sana’y maging steady lang ako sa mga desisyong gagawin ko: sa trabaho, sa pera, sa mga plano ko ngayong taon, sa mga gusto kong gawin sa sarili, sa buhay, at maging sa buhay pag-ibig kung meron mang darating. at aayon sana ang pagkakataon sa lahat ng gusto kong gawin sa buhay. steady lang. sabi nga sa kanta eh, “be still my soul”, oh deebuh me alam pang ganyan?

kaya, MALIGAYANG BAGONG TAON MGA BAKLA!! senxa na ngayon pa ulit ako nakabalik, hindi pa nman siguro masyadong late deebuh?... salamat po sa taong nagdaan, sa pagsupporta at pagtambay nyo sa bonggang blog na itwu. pramis, mas lalo ko pa itong pagbubutihan para mapasaya kayo, at maging ang sarili ko.

mwuah! slurp slurp.



Photo Credit: wondrouspics.com