Huwebes, Hulyo 25, 2013

High July

 High July I still remember that smile
     That sunny afternoon, oh! It has been a while.
              My feet got tired from the marching, all day
                          But was caught by a smile as I pass your way.

 High July filled that day with warmth
     Echoing drumbeats broke that afternoon-calm.
              Your eyes seemed to sparkle as I pass you by
                        It captured my heart and my soul leaped high.

But those days had run by, high July
     The smile that caught me slowly has gone by.
            Bring it all back before this fondness run dry
                   Kindle this heart again my lovelyhigh July. 









Poem by: Yours truly
Photo borrowed from:
                                       camerablogmuseum.com


Martes, Hulyo 16, 2013

maiikling sandali

isang taon na rin, saktong sa araw na ito ng Hulyo magmula nang nangyari sa buhay ko ang mga di malilimutang maiikling sandali.

tyempong nakakuha ako ng table for-two sa isang bar sa ganoong oras, halos puno na kasi lalo na’t weekend. umorder agad ng tatlong bote ng beer at pulutan. maglalasing ako wala akong pakialam, bahala na!

ang mesang nakuha ko ay malapit sa entrada kaya nakikita ko lahat ng pumapasok at lumalabas—na halos kung hindi man lahat—mga kabataang nasa koleheyo at mga young professionals. hanggang sa me isang nakatitigan ako, at alam kong nakuha niya agad ang mensahe. hindi nagtagal lumapit xa at nagpakilala, di na rin xa nag-alangan kasi ako lang din mag-isa.
                                                                                          
Warren. iyon ang binigay niyang pangalan.

sa aming kwentuhan pansin ko ang pagkapilyo niya, pero hindi na rin ako nahiyang sakyan xa kasi nakalimang bote na ako at medyo me tama na. hanggang sa nauwi sa yayaan sa labas ng bar ang pag-uusap. alam kong mangyayari yon kasi noong ako’y naghahapunan pa lamang sa isang restaurant bago pumunta ng bar, biglang nanginig ang dalawang paa ko. isa iyong sandali sa gabing iyon na hindi ko maipaliwanag basta na lang akong kinabahan ng ganon.

pumunta kami sa isang drive-in hotel at doon—sa kauna-unahang pagkakataon—tumambad sa harapan ko ang isang lalakeng nakahubad. ito na yata ang hinintay kong sandali, ang matagal ko nang inasam-asam ay dumating na. naglikot agad ang mga pantasya sa isip ko, mga bagay na palagi kong iniisip gawin kung sakasakali mang dumating ang isang pagkakataon—heto na nga, at ginawa ko nga ang mga iyon. sa maikling oras ng kasarapan ng gabi ay parang kay tagal ng mga sandali. iyon na siguro ang una ko sa lahat: unang makakita sa harap ko at makahawak ng lalakeng walang saplot sa katawan; unang makahalik; at unang makatikim ng pakikipagtalik.

sa buong buhay ko inisip kong ang sarap siguro ng experience ng pakikipag-sex gaya ng mga napapanood ko sa tv at sa internet. alala ko pa ang sinabi ko sa mga kaibigan, para kasi sa akin kailangang memorable ang first sexperience ko, kahit magbayad man ako ng mahal gagawin ko. hindi ako nag-ingat nung sinabi ko yon.

at binayaran ko nga si Warren, kasi nanghingi rin xa... nagulat ako nung sinabi niya pagkalabas namin ng motel, “asan na ba yung para sa akin?”, agad ko namang naintindihan ang ibig niyang ipahiwatig pero di ko lang inakalang ganon xa. shett ang tanga ko lang.

pero isang taon na rin yon..
gayun pa man hanggang ngayon hindi ko pa rin ito makalimutan hindi dahil sa una ko iyong karanasan kundi dahil sinira niya lalo ang tingin ko sa mga lalakeng sumasama sa mga kagaya ko.

isang taon na rin iyon, at isang taon na rin akong hindi umulit—gustuhin ko man—sa ganong klaseng kaganapan. ayaw kong tuluyang sirain ang natitirang pag-asa na meron pang mabubuting tao na magugustuhan ako na hindi manghihingi ng anong kapalit..

isang taon na rin…pero ngayon ko lang ito ikinuwento, at paminsan-minsan pang binabalikan kahit matagal na, ang mga magagandang alaala ng masaklap na gabi..at sa oras na ako ay nag-iisa, masasabi kong hindi na siguro ako naging madamot sa sarili ko dahil kahit isa lang, maituturing pa rin iyong malaking karanasan kahit isang taon na rin, kasi sa maiikling sandaling iyon ko nalaman ang mga kasagutan sa mga bagay na habambuhay ko nang tinatanong.

Lunes, Hulyo 01, 2013

buhket nagblog si baklang stripes

pangarap ang bumuo sa blog na itwu. isang baklang pangarap, pangarap na puno ng kulay parang rainbow na sa dulo ay makikita mo ang nagniningningang katawan ng mga kalalakihang kumakaway sa nakangiting liwanag ng kaligayahan at katuparan ng inaasam-asam mong buhay. tulad ng bahaghari na kelan mo lang makikita kapag ang kabilang dulo ng langit ay maulan at sa kabila nman ay maaraw, ang pangarap ay hindi matutupad kung walang?. . . . . tama, inspirasyong lalake! choss.


ito ang mga dahilan kung bakit nandito ang blogelyang itey:
  1. ang pagba-blog ay matagal ko nang pangarap sa sarili na magkaroon..
  2. para libangin ang sarili (sa ibang paraan naman! LOL)
  3. my outlet of stress, sorrow, kadramahan sa buhay, mga pinagdadaanan at pag-eemote ng isang mayang ambisyosa.
  4. avenue for development, learning and growth on creative writing and  thinking. (hungkorninomooon)
  5. to show my Other side (oo may ganun!), na hindi ko pinapakita sa mga kaibigan at kakilala.
  6. to tell stories i have never told anyone about.
  7. to be malandi, suplada at maldita kahit sa pagba-blogelya lang.
  8. to take into account minute yet significant events of my life bago ko pa makalimutan.
  9. para makapagpatawa at makapaglibang sa mga beking nakakarelate sa bawat entry at kwento kez.
  10. para magkaroon ng mga kaibigan sa blogosphere at makichismis din sa kani-kanilang makukulay na kwentong maya.
  11. to find a potential partner at ang pangarap na pag-ibig. (geez!)
  12. marami nang pinag-uusapang problema ang mundo, pag-usapan nman ang mga bagay na walang kwenta
  13. to treat myself to the luxury of something i really love doing―writing. (odb, nosebleed?)
  14. para mapag-aralan ang mga past experiences at gawing halimbawa upang hindi na maulit pa ang mga pagkakamali. (chareet)
  15. para pag-usapan ang mga bagay na hindi normal na pinag-uusapan ng mga lalake—ang pagnanasa sa kapwa rin lalake. (choss!)
yan. tara na at ako’y samahang makitawa, makichismis, mag-admire at mangarap, maglandi, ma-inlab, mabigo at ma-inlab muli, at sama-sama tayong magbaklaan at magbunyi sa liwanag na naghihintay para sa ating lahat sa kabilang dulo ng ulan at yakapin ang buhay beking makulay. sabi nga ni mega sa commercial,

SAKAY NA!






Photo credits:
                       grrlprobs.com
                       changefbcovers.com
                       cebu-online.com