Linggo, Mayo 11, 2014

'paulo'

inangat ko ang dalawang kamay para mag-unat at nabaling ang tingin sa labas ng malaking bintana katapat ng work station ko nang me lumabas na lalake sa harap ng bahay katapat ng opisina. nakahubad xa ng pang-itaas. biglang nagising ang noo’y  inaantok kong araw at di na bumitaw sa kakatitig sa gwapong nasa ibaba. pagkatapos niyang tumigin-tingin na parang me hinahanap pumasok na ito kaagad. ako naman, ang beking  tutok na tutok ay nabitin sa sandaling akala koy di na matatapos. bumaba ako para bumili ng load sa tapat: iyon lang ang naisip na paraan upang makalabas. at andun xa sa loob ng tindahan, nakaupo, wala pa ring pang-itaas. “hungkyut niya!”, kilig kong isinigaw sa isip. tahimik lang xa at tila abala sa cellphone…me katext yata di man lang ako nilingon, hanggang sa umalis na’ko pagkatanggap ng load. kapatid na babae niya ang nag-asikaso sa akin.  iyon ang unang beses nung xa’y mapansin. mula noon di na xa matanggal-tanggal sa isip.
 

sa tuwing darating xa galling eskwela (suot ang unipormeng pang-marino) hindi ito agad pumapasok sa gate nila, unti-unti niya lang itong bubuksan at titingin ng naka-side view sa gilid nang matagal na parang me hinihintay. tila ba alam niyang nakatingin ako sa kanyang likuran at binibigyan ako ng pagkakataong masilayan xa. kinikilig din  ako kasi parang nagpapahiwatig ito na hindi niya ipinagdadamot ang sarili sa akin. pilit ko iyong binibigyan ng kahulugan kahit alam ko namang wala; ni hindi niya nga siguro alam na andun ako.

4th year hayskul pa lang xa nung unang nakita sa harapan ng bahay, matagal-tagal na rin ‘yon pero hanggang ngayon ang akala kong isang paghanga lang ay andito pa rin at lumalalim araw-araw, gabi-gabi, at sa bawat sandaling ito ay ma-isip. sa mga taong iyon, hindi ko pa xa naging jowa kaibigan; parang napakalapit pero di ko man lang mahawakan.

dahil di ko alam ang tunay niyang pangalan, pinangalanan ko na lang siyang Paulo.

biglang tumalon ang aking boobs puso noong una ko xang makitang ngumiti, di man sa akin, pero ngumiti xa at nasaksihan ko ang minsanang pagkakataon. kung ano man ang dahilan doon ko napagtantong hindi ako nagkamaling humanga kay Paulo. noong nagkasalubong kami sa daan paglabas ko, tumingin xa’t nagkatinginan kami. sabi ko na nga ba, di man niya aminin nararamdaman kong gusto niya rin ako. sana nararamdaman na niya ang paghanga ko, siguro yun na rin ang gusto ko. me mga pagkakataong nalingon xa sa bintana at nahuli niya ‘kong nakatitig. at pag maaga xang umuwi galing skul, lalabas xa at maglalaro ng bola sa harap ng bahay nila na parang nagbabasketbol, nakahubad pangitaas at nagpapawis..(Lord, kunin mo na ako, plss). gusto kong isipin na gusto niya rin kami’y magkakilala, maging kaibigan; na gusto niya rin akong ngitian; na gusto niya ring magpacute (#hunggonduh-gonduhkoolung!), at gusto niya ring malaman na ang pagdududa niya ay tama at di xa nagkamaling isipin  na babae rin ako na me puso at malaki ang pagkakagusto ko sa kanya. sinabi ko nga sa itaas di ba, binibigyan ko lang ng kahulugan ang mga bagay na wala naman talaga. parang nahihibang na. ewan ko ba, nababaliw na yata

..sa kanya. :)
 


you may also like: Fainting
                           Ewan
                           Kasalubong 


Walang komento:

Mag-post ng Komento