Martes, Hulyo 19, 2016

Enya, a choir of one

was entranced to a strange music, a sound of a thousand singing, the sky slowly opening, calming the ruffling seas and underneath. i felt the light feathery brush as i pass through the clouds, and reeled under to experience the colorful kingdoms swaying gracefully in the depths of the sea. i waited for the radio DJ to mention the group behind that serene yet powerful sound but never did. and then i began listening to that radio station on that same time slot whenever i could. so i heard a couple of songs more having that similar multi-vocal layer, a woman and a choir, that compelling wall of soft voices. it took me 2 years to find out who the group was. then it was in fact—Enya. 

TEAMWORK. Enya is a collective effort of a trio formed in the 1980s consisting of three different artists working together to produce a distinctive-sounding, peaceful, ethereal, and dreamy quality kind of music. from the artist herself whom we see performing on the videos; a sound engineer and producer; and a linguist and poet. credits should be divided among the Team. Enya Brennan herself is the front act responsible for the creation of the song melodies, performing the songs and doing the instruments, which to be later arranged, engineered and polished by Nicky Ryan—her producer—who's responsible for the magical song arrangements that we now listen on tracks. her lyrics are specially written for her songs in English, Gaelic (Celtic Irish), Latin, and Loxian languages which made her songs stood up from the rest of her contemporaries. her lyricist, Roma Ryan, is responsible for her album theme, also happened to be the wife of her producer Nicky Ryan.

transporting and touching, they produce pieces that dig down to your core like beautiful paintings with stories and metaphors bringing us back to our childhood, or that part of our lives that are most solitary and serene. their music evokes feelings that is too personal and different from each and every listener. the sound itself is unique of its kind that anyone can relate on to different levels. i’m a lover of fine things, and theirs is one a good example of sophistication.

A DIFFERENT FEEL. there's this combined influence of perceptive new age, classical, and church music, and with a touch of musical score. Enya is a product of Nicky Ryan’s experimentation which has brought him Enya to record and use her voice as an instrument itself. like i said, Enya is a choir of one, aside from the solo parts,  hundreds of layers of her voice are recorded over and over again at certain parts of a song to create a wall of voice, which her music became known for. the process would take each album 3 to 5 years in the making. not to mention 7 years for their most recent Dark Sky Island (well, breaks included).

mostly, her songs are about appreciation of nature and diversity of life and its cycle; feelings and impressions; memoirs of journey, adventure, happiness, and even death. the subjects are as vast as the universe and as infinite as time, the more you listen to the songs, the more you are drawn-to with curiosity. the kind that appeals to your mind and soul and doesn’t fade too soon.

as magical and surreal her songs are, some of her videos specially the old ones, didn’t level up to the sublimity of her music. i hoped the visuals matched its transcendence but not quite, you may or may not agree. but pure in all its thoughts, taste is very personal, i may have a different visual perception from the others compared. it’s like, there are some of my friends who still couldn't understand my admiration to the Artist. i just shrug, and in turn, don’t also understand them. lol.

i'm fortunate that for years of search i finally found the artists behind this out of this worldly, enamoring harmonics. and was lucky enough that i lived during her era. needless to say, Enya is my all-time favorite artist that i will never get tired of listening. as i was writing this entry, i thought i would mention 5 of my most favorites amongst her songs from her already 8 award-winning studio albums yet i can't, simply because i couldn't. there will be too many to miss with just having five.

if you happen to also know this artist well, let me hear your thoughts about them and their music. would be happy to read your personal experiences with Enya’s thought-provoking sound on the comments.

Listen to some of her songs:
Orinoco Flow (1988 Watermark)
Caribbean Blue (1991 Shepherd Moons)
The Celts (1992 The Celts)
*The Memory of Trees (1995 The Memory of Trees )
Only If (1997 Paint the Sky with Stars, compilation)
Only Time (2000, A Day Without Rain)
It’s in the Rain (2005 Amarantine)
*Dreams Are More Precious (2008 And Winter Came)
So I could find my Way (2015 Dark Sky Island)

                                                                        *not an official video

disclaimer: this blog doesn't claim copyright ownership to any of the posted album photos.

Martes, Hulyo 12, 2016

"break down barriers"

i came across this ad while surfing the net. it’s the most  recent Smart Communications ad i think. not sure, di na kasi ako masyado nanood ng tv.

“Break barriers for new beginnings”, it said. it was a story about a man with his father wondering when is he going to confirm the “friend” request he sent to him on facebook.  he  was hesitant to confirm as he worried about his dad finding out apparently him being gay.

it ended with them exchanging text messages 

“Dad inaccept na kita”

“Anak ako din”.

it’s a very well-thought ad. no flounces but it said a lot. 
here's the link.

Lunes, Hulyo 11, 2016

stand by me

noon pa favorite ko na talaga si Doraemon. naging parte na ng aking buhay ang panonood nito, maliban sa Sailor Moon (hihihi), noong nag-aaral pa ako, at tuwing hapon talaga inaabangan ito sa Kapuso network. si Doraemon po ay isang time-travelling at cute na robot alien (o alien robot? Lol) na mukhang isang malaking asul na pusa. noong koleheyo hanggang sa nagtrabaho na medyo naiwanan ko na siya kasi wala na akong pagkakataong mapanood ito tuwing hapon. pero hindi naman doon nagtapos ang aking pagiging fan, in fact recently, palagi ko siyang naaalala kaya’t  nag-search ako sa net ng mga old episodes when i came across the Movie.

so nanood ako ng STAND BY ME DORAEMON. jusko gurl, ang akala kong feel-good lang na pelikula, nakaka-iyak pala ng bongga! LOL. ewan ko ba, sa lahat ng pelikulang nakaka-krayola bakit sa mga eksenang me temang “pagpapaalam” talaga ako tinatablan. di naman talaga ako iyaking tao at minsan ko lang pinapakita na umiiyak ako. isipin niyo mang ang babaw pero tinamaan talaga ang kepps ko. minsan lang akong naiyak sa isang palabas, at sa isang animated film pa!

PLOT. ipinadala siya ng batang si Soby mula sa future para tulungan ang lolo ng kanyang lolo. me bulsa sa kanyang tiyan kung saan doon siya kumukuha ng kung anu-anong hi-tech na gadgets para makatulong sa kanyang misyon kay Nobita.

si Nobita naman ay ang great grandfather ni Soby—na araw-araw nakamasid sa kanya—at nakikita niyang hindi magiging masaya ang hinaharap ng kanyang great grand lolo kapag patuloy itong magiging matigas ang ulo, tamad sa pag-aaral,  pagiging mahina ang loob at walang tiwala sa sarili, at ang hindi pagiging seryoso at inaasa lang sa swerte ang lahat ng bagay. so gumawa siya ng program kay Doraemon para si Shizuka (kanyang kababatang crush) ang mapapangasawa niya sa hinaharap at hindi ang kapatid ng kanyang bully, si Jaiko, at isalba si Nobita para maiwasang magiging miserable ang future niya at ang tuluyan nitong pagkasira. 

Tagalog version ang pinanood ko kasi mas nakakatuwa ang tagalog-dubbed. nasanay na si Nobitang andoon palagi si Doraemon sa lahat ng ginagawa niya tulad sa panahong kailangan niyang ipagtanggol ang sarili laban sa kanyang mga bullies (Damulag at Suneo), kahit sa pagiging masipag sa kanyang pag-aaral para magustuhan siya ni Shizuka, andun siya pinapagaan ang mga bagay sa tulong ng mga gadgets.

ganumpaman sadya ngang enjoyable experiences cannot last forever nang ma-detect ng program na nagampanan na ni Doraemon ang kanyang tungkulin na ayusin ang kapalaran ni Nobita, at kailangan na niyang bumalik kay Soby sa future sa loob ng 48 hours. ito na ‘yong part na medyo nagsisimula nang sumikip ang aking boobs dibdib, kasi ang ibig sabihin nito, kailangan na niyang magpaalam. sa isang eksena nung nagha-Hopter si Nobita (isang gadget na parang maliit na propeller na ilalagay sa ulo para makalipad), tuwang-tuwa ito sa itaas dahil naayos na rin sa wakas ang kanyang hinaharap at mapapangasawa na niya si Shizuka, habang si Doraemon naman sa baba umiiyak kasi nag-aalala pa rin siya kay Nobita kung makakaya na ba niyang mag-isa kung siyay aalis na. jusko, sasabog na talaga ang boobs ng bakla

nang nalaman ni Nobita na siya’y aalis sa susunod na mga araw nalungkot ito ng husto at ayaw na niyang pabalikin ang kaibigan sa hinaharap, pero di na pwede baguhin ang nakaprogram na misyon kay Doraemon, mabigat man sa kanyang kalooban. kahit napakalungkot ng mga sumunod na eksena at di ko na mapigil ang sarili sa pag-krayola (ayheyreet!), pilit pa ring pinapagaan ni Doraemon ang loob ni Nobita at sinabing masaya siyang malaki na ang pinagbago nito at di na siya katulad ng dati, kahit kita sa mga mata niya ang kalungkutan. para patunayang kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, lumabas ito ng kanilang bahay upang harapin at labanan si Damulag—isa sa kanyang bully. hindi sumuko sa laban si Nobita kahit nabugbog ito ng husto. kalaunan kusa na ring tumigil si Damulag kasi nakita niyang ayaw sumuko ni Nobita. nakita ito ni Doraemon, agad itong tumakbo sa kaibigan para ihatid ito sa kanilang bahay. “ako ang nanalo..nakita mo ba ‘yon? kinaya ko na mag-isa kaya’t hindi mo na ako kailangang alalahanin..Doraemon”, sinabi ni Nobita habang nakayakap at inaalalayan ng kaibigan. napatango na lang si Doraemon habang umiiyak. nakiiyak na rin ako ng severe dahil di ko na mapigil.  siguro, kailangan niya na ring tanggapin na hindi makakatayo si Nobita sa kanyang sarili kung andyan siya palagi sa tabi. kailangang pinaghighirapan ang gusto at di pwedeng shortcut lahat para lang makamit ang tagumpay. pagkabalik ng bahay, nagpaalam na rin si Doraemon habang natutulog si Nobita.

minsan tayong dumaan sa pagiging bata at nakakarelate tayo, nakikita natin sa pelikula ang ating kahapon, malikot man ang imahinasyon hindi natin kaya gawin ang lahat ng bagay kaya’t kailangan natin ng isang Doraemon para magawa ang mga bagay na akala'y mahirap. bilang isang Nobita, kailangan me parating nakabantay at masasandalan, at gagabayan tayo para matutoto gawin ang mga bagay. tinuturo rin dito na dapat i-enjoy lang natin ang kabataan habang andyan pa, kasi darating ang araw na gigising ka isang  umaga at kailangan mo nang magpatuloy sa buhay ng mag-isa.  kung saan man tayo nakarating ngayon iyon ay dahil sa mga aral na ating napulot habang tayo ay lumalaki. “si Doraemon ang iyong…ang AKING matalik na kaibigan noong bata pa ako. sulitin mo ang bawat oras na kasama mo siya”, sabi ng future nakakatandang Nobita sa kanyang nakakaliit. tama siya.

masaya naman ang palabas at me mga parteng nakakatawa, pero me mga malungkot itong parte kasi pagpapalam sa isang kaibigan nga ang tema, at lalo na't natutunan na rin nilang tanggapin ang isa't-isa at naging matalik na silang magkaibigan. kaya nga siguro sa lahat ng nakakalungkot na pelikulang napanood ko, dito lang talaga ako naiyak. jusko, ang weird. siguro kasi me similarity kami nina Doraemon at Nobita. isa akong kaibigang ginagawa ang mga bagay makapagpasaya lang ng tao, pero isa rin akong kaibigan na nangangailangan ng ganyang klase ng kaibigan..

akala ko ganon na lang matatapos ang palabas, mabigat sa pakiramdam. isang araw sinabi ni Damulag kay Nobita na nakita niyang  bumalik na si Doraemon mula sa future. natuwa ito ng husto kasi nami-miss na niya ang kaibigan at hindi ito makapaniwala. pero biro lang pala ito nina Damulag at Suneo kasi araw ng April Fools. nalungkot na naman ito. habang umiiyak sa inis, naalala ni Nobita na meron palang ibiniling gadget si Doraemon para sa kanya sa panahong kakailanganin nito, isang Liar Liar Liquid, kung saan kabaliktaran ang mangyayari sa mga sasabihin. naisip niya, pwede itong gamiting pang-ganti kina Suneo at Damulag. tawang-tawa siya sa ngangyari sa dalawa, pero agad naman itong napalitan ng lungkot kasi yon na ang huling gadget na meron siya mula sa kaibigan at naisip niya, kailangan pa rin talaga niya ang tulong ni Doraemon. kaya’t umuwi na lang ito ng bahay. 

habang paakyat sa kanyang silid nasabi niyang hindi na niya talaga makikita si Doraemon kahit kelan kasi hindi na nga ito pwedeng bumalik sa kasalukuyan. pagpasok niya ng silid, laking surpresa kasi doon nakaabang na sa loob ng kwarto si Doraemon, epekto pa rin ito ng Liquid at siya’y nakabalik. mangiyak-ngiyak sila sa tuwa kasi sa huling pagkakataon sila ay nagkita. 

kahit papano dahil doon parang humupa na rin ang bigat na nararamdaman ko sa kanina pang naninikip na boobs.

you may also like: top 5 gay-themed movies
                           ingleserang makyuray