Lunes, Hulyo 04, 2016

life choices

ngayong home-based na ang work ko meron na din akong mga kapitbahay na nagiging kaibigan na at parati ko nang nakakausap pagkatapos ng trabaho di gaya ng dati, gabi na kasi ako nakakauwi. kadalasan tumatambay ako sa harap ng bahay kasi me tindahan kami, kung saan doon din tumatambay ang new kaibigans ko.
siya si Fe, 56 y/o medyo tabain na ginang na pa-virgin pa rin ang peg. di naman siya pabebe pero di siya nakakasabay sa mga birong pang me-asawa (green jokes) and cringes whenever she found herself into that conversation. pero sa totoo lang sa tingin ko lesbiyana siya. madalas kasi siyang nagkukwento ng kanyang mga experiences with men, ang pakikipag date sa kanila at maging ang pakipag relasyon. at sa lahat ng naikwento niya, parang nandidiri siya lahat sa kanila. me isang anak na si Fe pero hiwalay na sa asawa. malaki daw ang kanilang pagkakaiba, mahilig daw si mister, at sumusukot (cringes) naman siya pag nilalambing nito. hanggang sa naging dahilan ito ng kanilang madalas na pag-aaway at sa naghiwalay na. madalas ko siyang inoobserbahan, misan pag me bumibiling seksi sa tindahan kahit bisi siya sa cellphone niya, titingin talaga siya sa babae. alam ko kung gaano katagal ang normal na pagtitig sa pagtitig na me something, me extra milli-seconds itong sobra. at minsan binibiro pa nga niya ang mga ito. ako kasi pag me dadaang lalake na medyo bet titingin talaga ako ng palihim kasi hindi ako out sa amin..hehe. and the way i look at those boys nakikita ko sa kanya sa mga babae naman. ni minsan hindi ko narinig si Fe na nagsabing kinilig siya sa isang lalaki maging noon pa man sa mga kinuwento niya, pero sa paghanga sa babae, simpleng paghanga man ito, marami. me di maipaliwanag din siyang inis sa mga bakla at tomboy. yun siguro ang dahilan kung bakit me pagdududa ako sa pagkatao niya. tulad ko, nakakulong ang pagkatao sa pagpipigil niya sa sarili at ibang mukhang pinapakita namin sa mga tao. pero ang pinagkaiba lang siguro, ako tanggap ang aking pagkatao, sa kanyang sitwasyon medyo mahirap kasi me anak na siya.
siya naman si Jenny, 42 y/o at me asawa't mga anak na rin. me weird siyang boses na parang pina-falsetto. chinichismis sa amin na ang asawang si Roy ay gumagamit ng  shabu, na di kinalaunan inamin din naman ni Jenny kasi minsan niyang nahuli ito sa kanilang bahay na nagse-sisyon. bukod sa gumagamit ito, nagsusugal din siyasabong. halos lingguhan kung ito ay pumupunta sa sabungan. yon na rin ang pinambubuhay niya sa kanyang pamilya. isang gabi nagtatalo sina Jenny at Roy. umuwi kasi itong talo sa sabungan.hindi man bago sa amin ang ganitong eksena, medyo matindi ito kesa dati. in fairness din naman sa kanila, hindi sila nag-iiskandalo at nandidisturbo ng mga kapitbahay, hindi rin sila nagsasakitan ng pisikal, pawang tapunan  lang ng mga insulto't masasakit na salita. naririnig namin sila kasi andun kami nila Fe at dalawa pang kaibigan noon sa harap ng tindahan, at katapat lang ng bahay namin ang bahay nila.lumabas ng bahay si Roy. lumabas na rin si Jenn at umupo don sa amin. mukhang inis ito pero di naman siya umiyak. parang sanay na siya. pasukan na sa lunes at kailangan na naman pang gastos ng mga anak nila. hindi na ako nakisali sa pag-uusap nina Fe. andon ako pero nakikinig lang. nakakalungkot ang sitwasyon niya at ng kanyang pamilya. ningid sa kaalaman ng lahat, si Jenny ay nakapagtapos ng koleheyo. dati siyang me trabaho pero pinatigil na siya ng kanyang mga magulang kasi nagkaroon siya ng hypokalaemia, isang kondisyon kung saan bumababa ng husto ang potassium level sa  katawan sanhi ng panghihina nito, at pwedeng maging sanhi ng kanyang pagkamatay. hindi na siya nakabalik sa trabaho.

medyo napaaga ang pag-aasawa ni Jenny, medyo rebelde at suwail kasi ito. naaalala ko ang sinabi niya: walang ipinagkaiba ang pag-aasawa ng late sa pag-aasawa ng maaga. pareho lang rin naman kasi itong magkakaroon ng mga marital issues kalaunan, major o minor man. pareho din itong magkakaroon ng problema sa mga bata. mas mabuti pa nga ang mas maaga kasi parang barkada na kayo ng mga anak mo kasi hindi masyadong magiging malaki ang agwat ng edad niyo. sumang-ayon naman sina Fe. tama rin naman sila. pero totoo ito kung handa ka na sa  buhay me asawa at harapin ang mga pagsubok kaakibat nito, maging sa pisikal, emosyonal, mental at pinansiyal man. at hindi nila pareho napaghandaan lahat ito kasi ang inisip lang nila noon, mahal nila ang isa't isa.

ngayon, ilang beses mang sabihin ni Jenny na gusto na niyang bumitaw hindi na ito basta-basta mangyayari kasi me mga anak na sila. medyo huli na kasi nang maisip niyang hindi sapat ang pag-ibig lang para itaguyod mo ang iyong pamilya at ang iyong sarili. dapat doble ang pagsisikap kasi marami ka nang pinapakain. palagi nila akong kinukulit kung kelan daw ba ako mag-aasawa? me gf na ba daw ako? hindi na lang ako kumikibo, minsan ngumingiti na lang ako. pero sa totoo lang nalulungkot ako para sa mga taong tulad nila.






photo taken  from: unconfortablesoul.com

you may also like: rakista
                           on this time of the day 
                           15 annoying things i have been told of

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento