Martes, Agosto 02, 2016

nasaan ka, usb ko?

nawawala ang usb ko. sa drawer, sa loob ng bagelya, sa wallet, sa loob ng sapatos, maging sa kubeta, sa ilalim ng mesa, di ko makita ang aking maliit na usb at halos buong UzBekistan na ang ginalugad pero di ko talaga mahanap. kung kelan mo ba naman kailangan don pa mawawala, leche. tumambad sa akin ang mga old painting materials ko. bukod sa pag-create ng mga sarili kong anime characters, paggawa ng tula, at panonood ng nagbabasketbol sa labas ng baler, isa rin sa mga hobby ko noon ang pagpipinta. buhay pa pala ang mga itetch?! nakaka-missmenchin nang mag-paint so naisip kong balikan ito para malaman ko ring keri paba sa powers ng aking fabulous na nail art. nail art? ganurn.

parang lahat na lang nagpipinta ng mga landscape at still life, gasgas na. pero wala akong maisip na magandang subject. magnu-nude painting! nakerr, kailangan ko pa ng gwapo at matipunong mowdel. mahal yon gurl. at matatapos ko pa ba yung fainting kung me lalake nang nakahubad sa harap ko? jusko marupok po ako.

binuksan ko ang lumang forfolio at me mga obra pa pala akong di natapos noon. naging bisi na nga pala ang bekilou sa layp at sa mga boys. priorities. lol. maka-priorities! aba, perfect itwung isa at me naisip akong ibang ideya para gawin itwu. so itwu nalang ang tatapusin ko.

kailangan kong simulan ito sa weekend para me sapat na panahon. kapag kasi nasimulan mo nang magpinta, di mo na bet iwanan ito kasi masisira yung momentum at mood. at saka maiiba na naman yung mindset pag tumigil at di tinapos. maraming distractions sa buhay ng baklang katulad ko at mahina lang ako. ito yung nangyari sa obrang ito, di ko na xa feel tapusin noon kasi di ko siya mabigyan ng panahon palaging paputol-putol ang gingugol na oras hanggang sa tinamad na.

Day 2. agad! ipinagpatuloy ang nasimulan sa day 1 na pagpinta. naalala ko yung bestfriend ko na may bestfriend na me ka-MU tapos yung bestfriend ko nilandi yung ka-MU ng bestfriend niya, aba kalandian goals nga naman ampota. ayun hanggang sa parang naging sila pero di rin naman naging sila talaga. ang gulo na nga ng mundo ginulo niyo pa. pero di sila umubra kasi pawang kati lang ng higad ang pinairal. kaya, magsama kayong dalawa sa impiyer—ay shet, medyo lumampas ng kaunti hahabulin ko na naman ito para matakpan, kailangan maliit na paintbrush pala sa parting ito kasi detalyado. me bumili kasing  nakahubad pang-itaas galing larong basketbol..gwapo, nadistract ang bakla. siya pala, bumili ng ice water sa tindahan namin sinilip ko. bakla ang yummy niya talaga. ang kapitbahay naming criminology student na bago kong crush, hihihi. pinapawisan siya grabe. ang init parang mahihimatay yata ako grabe.. going back, ..kayong dalawa sa impiyerno! ok bakla pinta ulit.

Day 3. tinamad. walang nagawa, zonked out. eh tinamad eh, tsaka bisi ako saka kelangan ko pa palang magbyad ng internet bill, pagkatapos ng pocket wifi, pagkatapos ire-renew ko na pala lisenxa ko tapos…tapos, eh.. mapapagod na ako. tapos waley, waley muna ang painting.

Day 4. habang nagpipinta: naalala ko na naman itong isa. tapos parang pinaramdam niya sa akin na importante ako, tapos palagi na xang pumupunta ng bahay, tapos parang madalas na kaming magkasama, tapos parang eto na talaga nafo-fall na talaga ako tapos..parang naramdaman ko na mutual ang feelings namen tapos, ang ending. . .ang ending waley. waley? kasi feeling ko lang pala talaga ang lahat. nag-assume kasi ng bongga ang bakla sa UzBekistan. anu to teh, lokohan? lokohan!! hinahon. pinta ulit.

Day 5. malapit ko nang matapos, yes! sa ilang araw ding pagkukugi. di niyo man alam medyo OC at perfectionist kasi ako. di halata di vuh?.. hindi. kasi hindi ako maingay eh, dito sa blogelya lang ako maingay, sa totoong buhay mas tahimik pa ako kesa mga namayapang kuliglig. choss. teka bago ko makalimutan, ang ginamit ko palang media ay color pastel, acrylic paint, at dalawa pang secret medium na di ko sasabihin, hihihi. para me element of mystery. charut. mahirap kasi pag naibigay mo na lahat, iiwanan ka din. iiwanan ka na lang basta’t wala nang natira sa ‘yo kahit kaunti. tapos madi-depress ka na naman. tapos iiyak-iyak ka ngayon. tapos magmumokmok.. hay. pinta na nga ulit.

Day 6. kelangan ko yong eye glasses ko kasi me parteng mahirap, kelangan ng focus. pagkabukas ng sisidlan ng salamin me nahulog na maliit na bagay. hayun yung usb ko pala! itong tanginang usb na hinanap ko hinalughog na ang buong baler nakarating na ako ng Baklaran at UzBekistan di ko parin makita-kita andito lang pala ampota. ano to, tagu-taguan? nakikipaglaro ako sa ‘yo ganon? nakaka-leche tong usb na to ah! hinahon. pinta ulit.

tapos nah, kelangan muna itong patuyuin ng husto. wow bakulaw, grabe ka ang galing mo bakla! thank you self, thank you, alam ko yan at proud ako sa self ko. charut. proud din ako sa ’yo teh kasi andyan ka palagi di mo ako iniwan ng ilang araw.. baliw?? choss.

eto na xa . . . 


Title: TWO FACES OF VANITY. by: Yours Truly


*yung feeling na excited kang magpost at magyabang ng gawang proud ka at ang reaction lang na nakukuha mo ay chaka. 

and the people be like: lakompake.
lol



you may also like: fainting
                           epic fail

4 (na) komento:

  1. Wow. Hinde naman siya chaka but wow! I love the creativity :)

    TumugonBurahin
  2. maraming salamat po.

    nung sinabi kong "chaka", echoss ko lang po yon. lol.

    charut. :D

    TumugonBurahin
  3. Naaliw ako sa narrative. Hehe

    Sa painting- mahusay! Pwede arbor na yan? Hehe. Ididisplay ko pramis. Gusto ko yan.

    TumugonBurahin
  4. Pepe, hellow pow bakla! masaya akong me iba na namang pangalan ang nkita ko sa mga nagkokomento, salamat sa pagdaan mo sa bonggang blogelyang itetch. maraming salamat po at kayo'y natuwa sa post na itwu. :D

    sa fainting naman, pwede kung palitan mo ng matangkad, macho, at gwapong ombre. gusto mo palit tayo? lol

    TumugonBurahin