Miyerkules, Agosto 17, 2016

tell him


Tell him
Tell him that the sun and moon rise in his eyes
Reach out to him and whisper
Tender words so soft and sweet
And hold him close to feel his heartbeat
Love will be the gift you give yourself..

charut.
tinext ko siya, "musta ka na?"

hinintay kong magreply pero walang dumating. kung malapit lang sana siya pinuntahan ko na pero umuwi ito sa kanila. parang medyo nag-alala ako kasi ilang araw ko na rin xang naiisip at iniisip. ewan ko ba kung bakit, parang nami-miss ko na ata. pinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa, me trabaho rin kasi akong inaasikaso araw-araw at hindi ko siya nakakamusta palagi.

sakto me nagmessage sa akin sa viber—si Trixie—kararating lang galing US. namasyal lang. mooyomoonsyoo. natuwa ako. common friend kasi namin ito ni Darla. naaalala niyo pa ba si Darla? sa lahat ng mga taong nakakatanggap ng balita tungkol sa mga nangyayari sa  buhay ni Trixie isa ako sa kanila. malapit ko siyang kaibigan. napaka-close namin na feeling ko, me gusto yata ito sa akin. minsan nga nung me ikinwento ako at nabanggit ko ang "i love u tol", sumagot siya kaagad ng "i luv u more, tol". kinabog. nawindang ang beki, medyo nagppanic ang bangs ko at natahimik bigla si bekilou blanco. hindi kasi yon para sa kanya.  iba ang turing niya sa akin at nararamdaman kong espesyal ako feelinggera. iba rin ang level ng thoughtfulness niya sa akin kompara sa iba naming kaibigan. di siya nagtatanong kung beki ba ako kahit medyo nakakahalata na siya. ewan ko ba sa babaeng ito, sa history ng mga crushes niya 60% sa kanila ay mga taga UzBekistan rin pala. sabi niya na-aattract lang siya sa mga taong neat, prim, at proper. yung tipong pormal at baklain. pero saka lang niya nalalaman na bakla pala talaga sila.

so ayun, chika muna kami saglit sa viber habang naghihintay siya ng flight from manila to cdo. magkikita raw kami pagkadating niya. sabi ko mgapahinga muna siya kasi baka me jet lag, sabi niya naman wala raw. gaga talaga itu, excited lang itong makipagkita. ilang buwan lang naman siyang nagbakasyon sa jumerika di rin yon masyadong matagal.

kailangan daw kaming magkita agad kasi me ibibigay siyang something. di ko alam kung ano yung something na yon. pabirong sinabi niya, picture ng gwapo at machong kano na nakahubad. gaga talaga natawa na lang ako. yan talaga ang style ng bruha, yong tipong nagpaparinig pero di naman nagtatanong ng maayos. gusto kong magtanong siya at sasagot naman ako ng buong katotohanan. ayoko kasing magsabi lang basta-basta ng mga personal na bagay sa taong hindi naman nagtatanong kasi ibig sabihin non di sila interesado. so nagkasundo na lang kaming magkita at magdinner pagkatapos ng work ko.

habang papalapit na ang off ko at hinahabol ko ang aking deadline, me biglang dumating sa baler—si Richard. oo siya, yong nami-miss kong siya. yong tinext kong hindi nagreply. pupuntahan ba talaga ako eh kailangan ko lang ng reply? medyo nataranta ako't nasurpresa sa bigla niyang paglitaw. bakla, kalma! pero medyo na-touch ako kasi malayo pa ang pinanggalingan niya, umi-effort si bunso. timing din na kailangang maghakot ng mga gamit ng kanyang ateng kapitbahay namin sa cdo kasi uuwi na itu sa kanila kayat nag-alok itong tutulong sa paghahakot ng mga gamit at para makapunta na rin don ng libre. kaya xa nakarating.

“wala na gyud ko kareply nimo ‘ya kay P300 nalang nabilin sa akong sweldo kay gikuha ni mama, gibinlan rakog pang plete‘’ (di na ako naka-reply sa text mo kasi P300 nalang yong natira sa sweldo ko kinuha kasi ni mama, tinirhan lang ako ng pamasahe)

kakaalis lang niya sa pinagtatrabahuang slaughter house. pansamantalang pumasok muna kasi ito sa construction (relationship goals: construction worker. check! hihihi) umeffort pa talaga ang gago para makapunta lang—gagong mahal ko na. oo, pero ayokong aminin at ipaalam ito agad. ayokong matakot siya sa akin, baka sabihin niyang weird ako at easy gurl. sinabihan ko xang gumawa ng resumé at bio data kasi pwede siyang ipasok ni Darla ng mas magaang na trabaho, sayang din kasi yong natapos niyang technical course magagamit niya yon.  tumango lang ito pero batid kong natuwa siya.

sa totoo lang kahit pilit kong itago ang aking pagkagalak kusa pa rin itong lumalabas. ang laki kaya ng ngiti ko nung makita ko siya, at di ko ito napigilan. heto na naman ako, i hate finding myself in this kind of situation, in this déjà vu na parang alam ko na kung ano ang kasunod na mangyayari. manghuhula? charut. pero di ko na lang muna yan iisipin sa ngayon. ang alam ko masaya ako kahit patagong kinikilig na parang teenager, parating nakangiti. sana kahit kaunti, iyon rin ang nararamdaman niya. :)

... and whisper
Tender words so soft and sweet
And hold him close to feel his heartbeat
Love will be the gift you give yourself.



related posts: transitory
                     when loneliness sets in

6 (na) komento:

  1. Eow pow.. (haha, naging baklang jejemon bigla). Lol

    Hi Arvin, Parang gusto kung isipin na ganon na ayaw.. Lam mo yon?
    Yung masaya ka pero nagpipigil; yung kinikilig pero di mo dapat ipakita? Yun yon eh, yong ganon? Lol. Like, im confused ryt now. Grabe. :D

    TumugonBurahin
  2. Simon: like, reali reali reali cofused as in, ung severe? lam mo yon? hehe. #LucreasiaKasilag #nabaBaliuagbulacan.

    me part-2 itong story na to eh so abangan mo na lang. mas klaro yon. uhhmmm?... oo tingin ko. lol :D

    TumugonBurahin
  3. Hindi-nagpakilalaLin Ago 21, 12:35:00 PM

    ang lende lende nemen...relate rin ako jan sa akala ko may gusto seken ang prend ko yun pala bet nya bet ko

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. di naman maxado, napaka-judgmental mo naman teh. haha..
      pero inferneys, natawa ako sa experience mo. di naman sana mangyari sa'min yon bakla. jusko maglulumpasay talaga ako sa gitna ng kalsada kung pareho pala kami ng bet. :D

      Burahin