Martes, Disyembre 13, 2016

revelations

maaga kaming nagkita ni Darla kahit medyo umuulan. napagkasunduan kasi naming kami ang mamimili ng mga lulutuin para sa small catching-up at get together ng mgbabarkada sa weekend. excited na ako, magkikita-kita na naman kami; pupunta raw  sina Gilliane, Alfroy, ShielaMarie, Amir, at si Lotti. si Trixie na kaka-Taiwan lang kasama si Darla ay umuwi sa bukid kaya’t di xa makakadalo. sila ang mga barkada ko pero tatlo lang sa mga eto ang pinaka-close ko kasama si Lotti. yung dalawa kilala niyo na.

kararating din lang ni ShielaMarie galing Japan. so hayun nagbigayan ng mga pasalubong, my pasalubongs from HK, Darla naman & in behalf of Trixie from Taipei. si SheilaMarie lang ang hindi nagbigay. di niya feel. lashyeer sa korea di rin niya kami dinalhan ng pasalubong pero kami yung pumunta andami naming dala para sa kanya. teka, bakla anu toh, sumbatan? hindi naman, but your thoughtfulness counts if your friendship does. eniwey..

sa ilang buwang di niya pag-amin, ibinunyag na ni SheilaMarie na me boyfriend na xang bago. so big news pa ba itwu? eh nakita na ng lahat na magkasama sila sa japan, magka-holding hands..ganon masa-shock pa kami? sabi niya it all came naturally between them, like, they chatted again the past few months and then muling nanumbalik ang lahat sa past nila. bf niya kasi  ito nung hayskul eh.. ganurn, so di  pa rin nag move-on. early deeshyer, binreak-up niya yung ex niya na nagpropose pa sa kanya sa korea. nag 'yes' na xa pero walang kasalang naganap kasi at the height of their wedding prep, bigla na lang siyang na “fell out of love”. di ba hunggunduh niya? & all of us were like, shakira.

si Gilliane naman galing ng Mecca, sa Saudi Arabia. pansin niyo ang sososyal ng mga friends ko? muslim si Gilliane pero baliw rin tulad namin. she’s the latest addition to our growing Fab (na kami lang ang nakakaalam) Circle. tuwing lumalabas siya parati siyang me kasamang body guards. me sarili rin siyang driver. ODB? hungyoomooon-yoomooon bess?

si Lotti ang pinaka-tahimik sa aming lahat. nagsasalita naman siya pero mahina ang boses yung tipong..bess, kinakausap  mo ba kami? o di kaya’y: bess andyan ka pala, kanina ka pa ba diyan? inaapi siya palagi ni Laviña at parating napapagalitan ni MissMenchin. madalas siyang pinapababa sa chimineya para tumulong magbalat ng patatas. charut. pero siya yung pinakamatalino sa aming lahat at magaling sa inglesan. in fact, trip niyang magsulat ng mga novels and  she already had written several books and i’ve read some already. she’s quite impressive at medyo inggit ako ng slight sa talent nito. sa kanya nga ako na-inspire magsulat din ng novel.. nakikigaya? charut.

minsan ko nang naikwento dito sa blog si Alfroy. remember him? oo xa yon bakla! jusko akalain niyo buhay pa ang sosyalerang frog.. nag-Taiwan din sila ni Amir pero di sila kasama nina Trixie at Darla. hmmm...i smell something malansa. sila na ba? yon rin ang biro namin sa kanila pero di nga raw. at saka, eeww! lalake kaming pareho, sabi pa nila. pero take note of the expression, at remember, kasali sila sa FAB circle. lol

si Amir ang pinakabata sa aming lahat. siya ay isang male version pabebe girl, yung tipong halos araw-araw may pino-post sa fb na selfie..at yes, nagpapabebe lang. me trip din xang mag post ng mga biblical verses pero kasama ang larawan niyang nagpapakita ng abs. lol. pati pag ngiti niya dapat kalkulado kasi iraaral niya itwu mga bakla. imagine a 5’8” tall, muscular guy na pabebe.. weird na nakakatawa na ewan-ko-sa’yo-girl-pwede-ba-wag-kang-tumabi-sa’kin-o-lumayo-ka-dito-shett-mo.  sabi niya nga, it’s just so—eeww.

* * *

so we were all in the get-together na. me segment na naisip si Gillianne na pinamagatang Hot Seat: Tell Me What I Didn't Know. shett, parang nasi-sense ko na kung saan patungo itey, ayoko sa mga ganitong klase ng games eh. di pa ‘ko ready bess.. di ba dapat si Darla lang ang nasa hotseat kasi xa ang me ichichika?, tanong ko, we’d like to hear the details of her love story, pilit ko pa. nalaman kasi naming lumi-level up na ang sexlayp lablayp ng bess. kaya nga, let’s start from darla. at dahil ako ang magho-host, at ako na lang yata ang di pa nakakaalam sa lovestory niya, i’l be on point & specific with my questions para mas madali. at to be fair naman to her, dapat me ishi-share rin tayo about ourselves na di pa alam ni Darla deevuh?, ayaw paawat na tugon ni Gillianne. wow ha medyo napalunok kaming lahat girl.. pero mukhang game naman silang lahat except aheemmm, me. 

so mula ke Darla isa-isa kaming nagsalita. kahit anu-anong bagay basta me masabi lang. sa on-line dating site nakilala di Darla si Drew, na mula sa Texas. makailang beses na ring bumisita ng pinas si Drew at pinakilala na itwu ni Darla sa kanyang pamilya. at one time nameet namen xa, di xa masyadong masalitang tao pero palangiti ito, kaya magaang na rin ang loob namin sa kanya. approved. si Gilliane na ang sumunod. me asawa na si Gilliane, pulitiko. so that explains na marami xang bodyguard. pero bago xa nag-asawa isa xang runaway bride, ng ilang beses. ayaw niya kasi yong taong itinakda sa kanya. iba kasi sa kanila, arranged yung marriage, tradisyon at kultura nila yon. sabi pa nga niya, me auntie xang bigla na lang ginising ng ke aga-aga, pinaligo at binihisan na agad ng bridal gown. iyak ng iyak daw ito kasi wala xang alam na yon na pala ang araw ng kanyang kasal.  si Amir ang sumunod, pero sa dami ng naikwento niya, wala akong maalala ni isa, ang babaw kasi ng estorya niya nabored ako bigla, so nag-open na lang ako ng aking PR acct sandali, palihim. sumunod ako. hinitay kong me magtatanong sa akin, kinakabahan na ang bakla. shett, sana di nila mapansin na nagba-vibrate na yung boobs ko. sabi ni Gilliane magkwento raw ako tungkol sa aking lovelife. sumingit si Darla at sinabi niyang wala akong maishi-share tungkol sa lablayp dahil waley naman talaga sa ngayon. fling-fling lang. ayoko munang magkwento tungkol ke Richard baka mashock tong mga 'to, hihihi. lol. so ikinuwento ko nalang ang mga stuggles ko sa new work at pano ko 'yon nalampasan. saved! sumunod na si SheilaMarie, nagkuwento tungkol sa bago niyang lovelife. ang gusto sana naming marinig sexlife nila, kung aling posisyon madalas nilang ginagamit. lol. pero walang nag-dare na magtanong. kinabog ang lahat, ayaw nameng masampal. si Lotti tulad ko, wala ring masyadong naiambag na kwento.

biglang tinanong ni Gillian si Alfroyout of nowhereare you gay? OMG, diba para sa akin ang katanungang eto? bakett?? buhket mo sa kanya sinabi gilliane? *maluha-luha moment* charut. ang we were all like: OMG. lahat natahimik. lahat di kumikibo, naghihintay ng sagot. yumuko ako sa aking cellpone para magpanggap na me tinitingnan. na-awkward daw kami bigla bess. parang alam ko na rin kasi ang isasagot ni Al. dati pa parang alam na namin pero kailangan sa kanya manggagaling. sabi na nga ba eh, me something ke mareng Alfroy. at yun nga kahit pilit mo man itong itago, lalabas at lalabas din ang tunay na kulayrainbow! bakla. and before we called it a night, confirmed. apir! lol

pagkatapos ni Alfroy nagsalita ulet si Darla: approved na ang fiancé visa ko mga bess. aalis na ang lola niyo papuntang amerika, kalma niyang sabi. HA?! ANSAVEH MO? sabay kaming nabigla. oo sa December 8 na ang alis ko. BOOM! saglit na katahimikan. lahat naka-nganga.


* * *

so now  that i’m alone feel kong magsulat na lang ng Letter. feel ko kasing mag drama, yung umiiyak habang naliligo kasabay ng tugtog ng kantang I Can’t Say Goodbye To You ni Helen Reddy. yon ang eksena.. teka bess, naliligo habang nagsusulat ng letter? hindi ko kasi masabi-sabi ke Darla ang gusto kong sabihin, feeling ko kung hindi ko isusulat itwu, me mamimiss-out akong marami. at jusko, andun kami lahat at maiiyak pa ako ayoko ng ganonng eksena. name-miss ko na si Darla kasi umalis na siya to US last Dec 8. si Darla, Trixie at Lotti ang pinaka-close ko ngayon at mababawasan na naman kami. sana lang magiging masaya siya sa bago niyang buhay na tatahakin. see you soon Darla. Thank You for being part of my life altho it was such a short amount of time. sa viber o messenger usap na lang tayo, bess.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento