Lunes, Disyembre 19, 2016

spotted

we met with my high school classmates for our up-coming reunion this december 28th. ayoko sanang pumunta kaso kailangan kong ibigay ke Caroline ang mga regalo ko for her, sa anak niyang inaanak kong si Ron, at sa insang si Dacota (remember her?) na bessy ko rin. 

syempre dahil highschool classmates di mapipigilang me mga showey pa rin, me nagpapasikat, me nang-iintimidate at me mga feeling above everybody else. some things just never change. but don’t get me wrong, we were close high school friends pero ganon lang talaga sila at di dapat nagpapatinag so i simply brushed it off my fabulous bangs. me naman, pagpapa-virgin lang ang peg gawin, kasi feeling high school puhreen. hihihi.

aaminin ko, di ako masyadong nakikisali sa fb conference nila. or should i say namen, kasi i don’t want to get involved that much para naman me ‘absence factor’, di yong masyadong babad on-line. sa blogelya ko lang ako maingay but not everywhere. at saka i already have given my pledge na magdodonate ako ng raffle prizeS. just when i expect na di na nila ako bibigyan ng task, saka naman sumingit itong “feeling all-knowing” na epal kong klasmeyt na ako na naman ang nakita at magde-design ng reunion logo at isasali pa yata ako sa physical arrangement at decorations sa venue.  Caroline—na knows ang pagiging mutant ko—just rolled her eyes, alam niya ring i will hate that idea. my demure demeanor suddenly turned into a bitch that’s trying hard to get myself off her Stupid suggestion. at dahil almost everybody ang nag-agree sa kanya, i wasn’t able to cross my name out of the list. the reason why i hate meetings like this. pakshett silang lahat. #inismuch #nagingbitchbigla

afterwards we agreed to have an ocular schedule of the nearby party venue. the function room was on the 3rd floor but we needed to go up to the next floor para mag-inquire sa reception. baliktad tong tanginang hotel na itwu, dapat sa naunang floor yong reception! then as we climbed up the stairs to the lobby of the upstairs hotel when we were greeted by this very pleasing, mouth-watering, all-i-want-for-Christmas-is-this-handsome eye candy security guard na mas me itsura pa kesa mga front desk attendants. i quietly mumbled-OMG, ikaw na! ikaw na kuya. biglang nawala yong #inismuch #nagingbitchbigla ko nang tumambad sa harap namen si tall, very hansome sekyu. alam kong me gustong sabihin si Caroline that moment, medyo alam niya kasi yong mga type ko. actually, alam na alam. lol. unfortunately i wasn’t able to take a closer shot of the young eye candy yet i managed to take a pic of him from a distant vantage. 

Caroline and i just agreed na on the day of our reunion we will secretly go upstairs sa hotel lobby para magpapa-cute ako with kuyang sekyu at makikipag-kilala na rin. gosh i have prior commitments that day but i now have one more ‘pleasant’ reason para makapunta. hihihi. sana shift niya yon.

sa lahat na pwede kong matanggap ngayong pasko, except for our health and wealth i can bargain everything. Lord pwedeng-pwede na si kuya, hihihi.



you may also like: the ride
                           EB series: part One
                           the Husband Store

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento