Huwebes, Oktubre 27, 2016

preview, into the dark clouds: hk escapade

from the airport to our apartment
the Central district night scene

Disneyland!
pasan ko ang mundo
into the dark clouds
the ghost ship

 

PARIS! este, Macau pala
St. Paul ruins


avenue of stars. aba, i belong here!



i will post a blog about my funny experience soon. abang-abang lang mga bess.. :))


Lunes, Oktubre 03, 2016

werk: paghahanda sa future

nagtext si Richard, natanggap na pala xa at nagsimula nang magtrabaho. kelan lang kasi pagkatapos kong i-forward ke Darla ang resumé at letter of intent niya kasama ng ibang requirements, isang linggo at ininterview na xa. sabi niya mukhang bad news, parang di xa matatanggap kasi kulang pa ang experience niya para sa inapplyang posisyon. ganumpaman pilit kong pinapalakas ang loob niya kasi di pa naman siguradong di talaga siya matatanggap.

kanina lang mukhang masaya ang tunog ng mga tinext niya sa akin. nasiyahan naman ako kasi at least me pormal na siyang pagkakaabalahan araw-araw maliban sa pagsa-sideline sa haba-habal na mas delikado. di xa natanggap sa posisyong inapplyan sa kompanyang pinagtatrabahuan ng balingkinitang si Darla pero me inapplyan din pala xang iba, at doon xa natanggap.. nasiyahan ako sa ibinalita ni Richard kasi gumawa siya ng paraan. sigurado na ang buwanang sweldo kasi sa isang university siya magtatrabaho bilang assistant electrician. sinabi niyang pagdating niya dito sa cdo magdedate na naman kami at ako naman daw ang ilelibre niya ng sine kapag nakapag-ipon na. medyo kinilig ang kepps ng baklitang bender kasi nga naman mukhang me plano na xa sa future namen. choss. ang sabi ko naman wag muna niya ‘yong isipin, yung pagbubuntis ko muna ang ipaprioritize namen. #hallucinating #nagdediliryo. lol.

pero ibinilin ko sa kanya na dapat kuripot muna xa ngayon at wag munang magwaldas kasi kasisimula niya lang at dapat siyang mag-ipon. at wag muna xang mag jowa ng girlaloo (except me) dahil alam kong di pa masyado malaki ang sweldo ng starting. pero kilala ko si Richard, alam kong iyon rin ang goal niya kasi masinop xang bata at practical. hindi rin xa mahilig sa mga mamahalin. at alam kong tumutulong din xa sa kanyang pamilya kaya’t di muna ako mag-iexpect ng libreng date at sine, basta ang alam ko, ako lang talaga at ang future namen ang priority niya kaya't panatag ra rin ako. charut.

at dahil me trabaho na siyang regular di muna kami magkikita. mami-miss muna namin ang isa’t-isa lalo na ako, mami-miss niya talaga ako.. choss! wish ko lang. sana nga. :)



related posts: eetcha date. daw
                      tell him
                      transitory
                      when loneliness sets in