Lunes, Enero 30, 2017

ang babaeng mapag-higanti

sabado ng umaga at wala na akong masyadong  magawa,  katatapos ko lang din maglinis ng bahay kaya’t magrerelax muna ako. nang..

“Ben! Ben!”, me tumatawag sa’kin sa labas ng bahay, “Ben!”

jusko, anu na naman ba itong kinasasangkutan ko? parang galit yata ang babae. nang sinilip ko sa bonggang bintana nakita kong si Beronika pala, isa sa mga kapitbahay naming naging close ko na, ng slight lang. pero para sa kanya super-duper bonggang-bonggang closeness kami.

ANO!”, pasigaw kong ganti sa kanya.

tumawa lang ang bruha, “lumabas ka muna dito me ibibigay ako sa ‘yo  tangina mo”, jusko ayaw patinag. buti na lang wala si mudra kasi nagmumurahan kami, kung hindi aakalain na niyang  me kaaway  ako.

so slowly, as in binagalan talaga ng bonggang-bongga, lumabas ako ng  bahay.  “antagal makalabas”, inis niyang sabi, ”heto me dala  akong saging. hinog na kasi ang mga ‘yan di na yan aabot ng lunes”.

“wow ha, ang  sweet", sabi ko. "kala ko ang dami nito eh kakarampot lang naman pala. nahiya naman ako sa sigaw mo”, sabay hablot sa asul na supot na bitbit niya. akala ko  me nagawa na naman akong kasalanan saging lang pala ang sadya niya. “ba’t di pa luto? anu to kakainin nating di pa luto?”, masungit kong tanong ko sa kanya.

“kaya nga, lutuin mo yan para makain naten!”, ganti niyang sagot.

araw-araw nagtitinda si Beronika ng “ginanggang” (saging  na iniihaw pagkatapos nilalagyan ng margarine at asukal) at ang mga saging na itwu ay nabili niya naman ke Fe (remember Fe?).

mukhang narinig yata kami ni Jenny (oo, xa) at  bigla itwung lumitaw sa harap namen, “aba me saging!”, nakangiti niyang sabi. #anlakiNgNgiti “lutuin niyo na yan para me paglilibangan tayong kainin mamaya. bilis na..”, dagdag pa niya. wow ha di naman siya nagdedemand. nagtinginan na lang kami ni Beronika.

at dahil medyo pagod pa ako’t gusto ko  munang  magrelax, pinapasok ko nalang silang dalawa sa bahay para sila na ang magluluto.  “teka iiwanan ko  muna kayo sandali kasi me pinabibili pala si Roy. saglit lang at babalik din ako”, sabi ni Jenn at kaagad na ring umalis. walang nagawa si Beronika, mukhang naisahan namen xa at wala xang choice.  at parang nagsisisi na xa sa pagpunta sa bahay.

jusko, kalilinis ko lang  ng kusina me gagamit na naman, sa isip ko. “ikaw  na muna ang bahala diyan, dito lang ako sa kwarto ko”, di siya kumibo at iniwanan ko na xa sa kusina.

pagkatapos ng ilang taon: “luto na ang saging mga patay-gutom!”, sigaw ni Beronika. rinig na rinig ko siya at lumabas na ako ng kwarto.

“yes at last luto na rin!”, si Jenn pala. agad xang lumitaw pagkatapos ng isang dekada. at mukhang excited na xang lumafang. “sa’n ka ba galing? kala namin bibili ka lang  saglit eh mukhang kababalik mo lang", masungit kong sabi sa kanya. tumawa lang ang hampaslupa at nauna na xang tumungo sa kusina.

“uwi muna ako ng bahay at maliligo lang, kung gusto niyo mauna na kayong kumain. tirhan niyo na lang ako”, sabi naman ni Beronika. malaki na ang ngiti at mukhang okay na xa. at nang nakaalis sumunod na'ko agad ke Jenn sa kusina. excited na kaming lumafang ng saging. at nang buksan na namin ang pinaglutuan ni Beronika, nagulat kami kasi itwu ang tumambad sa aming dalawa





SHETT. nakabalot pa rin xa ng plastik.

at kami naman ngayon ang natahimik.



you may also like: nasaan ka, usb ko?
                            size matters!
                            yunaytid ney-shons 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento