sabado
ng umaga at wala na akong masyadong magawa,
katatapos ko lang din maglinis ng bahay kaya’t magrerelax muna ako. nang..
“Ben!
Ben!”, me tumatawag sa’kin sa labas ng bahay, “Ben!”
jusko,
anu na naman ba itong kinasasangkutan ko? parang galit yata ang babae. nang
sinilip ko sa bonggang bintana nakita kong si Beronika pala, isa sa mga
kapitbahay naming naging close ko na, ng slight lang. pero
para sa kanya super-duper bonggang-bonggang closeness kami.
“ANO!”,
pasigaw kong ganti sa kanya.
tumawa
lang ang bruha, “lumabas ka muna dito me ibibigay ako sa ‘yo tangina mo”, jusko ayaw patinag. buti na lang
wala si mudra kasi nagmumurahan kami, kung hindi aakalain na niyang
me kaaway ako.
so
slowly, as in binagalan talaga ng bonggang-bongga, lumabas ako ng bahay.
“antagal makalabas”, inis niyang sabi, ”heto me dala
akong saging. hinog na kasi ang mga ‘yan di na yan aabot ng lunes”.
“wow
ha, ang sweet", sabi ko. "kala ko ang dami nito eh kakarampot lang naman pala. nahiya naman ako sa sigaw mo”, sabay hablot sa asul na supot
na bitbit niya. akala ko me nagawa
na naman akong kasalanan saging lang pala ang sadya niya. “ba’t di pa luto? anu
to kakainin nating di pa luto?”, masungit kong tanong ko sa kanya.
“kaya
nga, lutuin mo yan para makain naten!”, ganti niyang sagot.
araw-araw
nagtitinda si Beronika ng “ginanggang” (saging na iniihaw pagkatapos nilalagyan ng margarine
at asukal) at ang mga saging na itwu ay nabili niya naman ke Fe (remember Fe?).
mukhang
narinig yata kami ni Jenny (oo, xa) at
bigla itwung lumitaw sa harap namen, “aba me saging!”, nakangiti niyang
sabi. #anlakiNgNgiti “lutuin niyo na
yan para me paglilibangan tayong kainin mamaya. bilis na..”, dagdag pa niya.
wow ha di naman siya nagdedemand. nagtinginan na lang kami ni Beronika.
at
dahil medyo pagod pa ako’t gusto ko
munang magrelax, pinapasok ko nalang
silang dalawa sa bahay para sila na ang magluluto. “teka iiwanan ko muna kayo sandali kasi me pinabibili pala si
Roy. saglit lang at babalik din ako”, sabi ni Jenn at kaagad na ring umalis. walang nagawa si Beronika, mukhang naisahan namen xa at wala xang
choice. at parang nagsisisi na xa sa pagpunta
sa bahay.
jusko, kalilinis ko
lang ng kusina me gagamit na naman, sa isip ko.
“ikaw na muna ang bahala diyan, dito
lang ako sa kwarto ko”, di siya kumibo at iniwanan ko na xa sa kusina.
pagkatapos
ng ilang taon: “luto na ang saging mga patay-gutom!”, sigaw ni Beronika. rinig na
rinig ko siya at lumabas na ako ng kwarto.
“yes
at last luto na rin!”, si Jenn pala. agad xang lumitaw pagkatapos ng isang
dekada. at mukhang excited na xang lumafang. “sa’n ka ba galing? kala namin bibili
ka lang saglit eh mukhang kababalik mo
lang", masungit kong sabi sa kanya. tumawa lang ang hampaslupa at nauna na xang
tumungo sa kusina.
“uwi
muna ako ng bahay at maliligo lang, kung gusto niyo mauna na kayong kumain. tirhan
niyo na lang ako”, sabi naman ni Beronika. malaki na ang ngiti at mukhang okay na xa. at
nang nakaalis sumunod na'ko agad ke Jenn sa kusina. excited na kaming
lumafang ng saging. at nang buksan na namin ang pinaglutuan ni Beronika, nagulat kami kasi itwu ang tumambad sa aming dalawa
SHETT. nakabalot pa rin xa ng plastik.
at
kami naman ngayon ang natahimik.