Miyerkules, Marso 14, 2018

there is silence

what about a tone without silence,
would that be strange?
peculiar
must our spirits quiver; i would surmise
silence is
the immense space containing infinitude,
making the darkest darkness, & heaven bliss!
we have a little sense of what's happening,
and can never fathom it all by believing
we know enough to be certain about anything.


so just hum into your core some peace
so you'll clearly hear your voice. your verses
might be something you've been 
dying to hear..
may that the resonance bear certainty
..when there is confusion.
..when all is too perfect,
..and mind's illusory appears to be real.



and so i say: find your calm


hear

the blow of sultry summer drifting; 
the whisper of God's existence.

the rustle of the leaves;
the rain.

the night's transition to day;
the endless possibilities of hoping.

the understanding that life itself
cannot alter circumstances.

the wisdom of a troubled past;
the kind words of a human soul..



when senses sweep the breadth of perpetuity,
all these we get to ponder when
there is silence. 
      
     







you may also like: stay place
Photo taken from:
                             thedailymind.com

Biyernes, Marso 09, 2018

flashback

dati tuwing hapon, nakasanayan na namin kasama ng nakababatang kapatid at tatay ko pumunta sa kanto dun sa amin kung saan may isawan. peyborit ko yong meryenda tuwing sasapit na ang alas-4 ng hapon. hotdog, isaw at leeg ng manok ang parati kong pinapabili ke papa.

hanggang nag-abroad na ang parents ko at hindi na kami pumupunta sa kanto.

isang hapon, ginigising ako ng kapatid ko kasi pupunta na daw kaming tatlo para bumili ng isaw, at bumangon na raw ako sabi ng tatay. inis at kahit na medyo antok pa bumangon na rin ako agad, naisip ko baka kasi mauubusan na kami kasi maraming bumibili. habang papunta sa kanto, tinutukso ako ng kapatid kasi tahimik ko raw. magkatabi kasi kami sa paglalakad at si papa naman hinahawakan siya.

habang iniihaw yong binili namin, bigla kong narealise na tumunog na pala ang tiyan ko sa gutom, at naisip kong kumain narin ng kanin pagka-uwi sa bahay.

masayang nag-iinarte ang kapatid sa tatay kasi papa’s girl xa at ako naman ay nauuna na sa paglalakad kasi gusto ko nang kumain ng kanin. tinatawag nila ako pero di ko na sila pinansin. medyo weird lang kasi napansin kong nagsisimula nang dumilim, pero mag aalas-singko pa naman ng hapon. at summer yon.

pagbukas ko ng pinto, ang dilim at tahimik ng bahay. at taka ako kung bakit nakakalat ang mga gamit sa sahig. di na ako tumuloy sa kusina, para kasing me ibang tao sa loob. naisip ko bigla sila papa at dali-dali akong lumabas ng bahay.. pero nadudulas ako at parang di ako makatakbo palabas. hindi ko makapa yong light switch, at me lumabas galing sa kusina na taong di ko masyadong naaaninag. hindi ko siya kilala kaya’t kinabahan ako! wala pa rin sila papa at kapatid kahit pasigaw ko na silang tinatawag.

minsan nabasa ko na pag pinasok daw yong bahay niyo at gusto mong humingi ng tulong, dapat “SUNOG!” yong isisigaw para hindi mag-aatubuling tulungan ka ng  mga kapitbahay, at hindi “MAGNANAKAW” kasi matatakot sila. naaninag ko nang papalapit na yong tao sa kinaruroonan ko kaya sumigaw na ako ng 

SUNOOOG!!!

..at bigla akong nagising sa pagkaka-tulog. nataranta ang mga kasama ko sa bahay kasi nagsisisigaw ako, malalim pa ang gabi.

isang linggo pagkatapos nung panaginip na yon, me natanggap kaming balita mula ke mama: na stroke daw si papa doon sa pinagtatrabahuan nila at naka-confined sa ICU sa isang ospital sa Lebanon. 3-days nang naka-coma. grade-4 elementary ako noong  umalis sila. nasa 2nd-year sa college na ako nung nangyari ito.

matapos ang dalawang linggo, umuwi na sila ni mama sa pilipinas.
at si papa, nasa kahon na.



Photo taken from: matveychev-oleg.livejournal.com