Huwebes, Setyembre 27, 2018

just a random incident

minsan nang ako ay mapatambay sa labas ng bahay, sa may tindahan. malamig at maulan, ang araw ay patapos na’t ang misteryosong kulimlim ng gabi'y papasok na. isa ito sa mga araw na nag-iisip lang ako. isa ito sa mga araw na ako ay nakatingin lang sa kawalan, at tila ang isip ay lumilipad kung saan-saan. ayoko ng ingay. gusto ko lang magpahangin, gusto ko lang huminga ng malalim.

binuksan ko ang dalang isang pakete ng chicherya ̶ nagutom kasi ako bigla. mga labi lang ang gustong ngumuya. wala na akong ibang gusting gawin. maraming bumibili, di man lang makuhang tumingin di ako pansin sa isang tabi. tahimik, nakamasid lang sa mga dumadaan, mga paparating at umaalis sa maliit na tindahan. lahat di nagtatagal.

sa madilim na daan sa di kakayuan mga mata koy napatingin: me tatlong taong paparating. tatlong tao ̶ isang tatay, bunsong babae, at isang binatang lalake. sa tindahan tumigil silang tatlo, magulo tila ba masayang nagkukulitan. me ikinukubling katuwaang sila lang ang nakakaalam..

cute yung binata. minsan ko na rin pala siyang nakikitang bumibili. lumingon xa bigla sa banda ko’t nahuli niya akong nakatitig sa kanya. shett. ang weird ko sigurong tingnan sa mga panahong iyon. ampanget.

pagkatapos nilang bumili ay dumaan na sila.

ilang saglit pa ang lumipas nang biglang

“ay, sorry..”, nagulat ako nang biglang me humawak sa nakasandal kong kamay sa backrest ng aking inoupuan. agad akong lumingon sa aking likuran: xa pala. “ay, sorry..”, yan lang yung nasabi niya. mahina at minsan niya lang sinabi iyon pero parang paulit-ulit ko itong naririnig sa aking taenga. ang kanyang kalmadong boses..ang kanyang mabait na mukha. agad niya rin namang binawi yung kamay niya sa kamay ko.

abey, anetch be itey?  moment ng bakla?” parang natawa ako sa nangyayari. kung lahat lang sana ng aksidente at di sinasadyang pangyayari ay ganito... aaminin ko, nabigla ako sa ginawa niya. at siya para ding natatawa sa saglitang sweet at romantic na hand-touching moment namen..

lumaapit siya ulit sa  tindahan at bumili.  cute naman talaga xa ̶ tama lang ang itsura, maitim, matangkad, simple at very low key. mukhang mabait at very gentlemanly. minsan ko lang kasi siyang nakikita kaya’t parang name-misteryohan ako sa kanya.

pag-alis niya pilit kong kinalimutan ang insidente ng gabing iyon. pero hanggang sa aking pagkahiga sa tulugan sa kailaliman ng gabi, ang mahinang salitang “sorry” ay paulit-ulit na tumataginting sa aking di makatulog na isip. napa-isip ako: minsan pala ang salitang sorry ay hindi sa lahat ng pagkakataon nagpapahayag ng kalungkutan at kabiguan, minsan lalo na sa mga pagkakataong hindi natin lubos inasahan, ito ay nagpapahiwatig din ng pagkamangha, kilig, at pag-asa.




poem by, yours truly.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento