Biyernes, Disyembre 28, 2018

that 2018 BITCH!

dear Charo,

do you believe in malas? like the malas malas? yup, 2018 has been kind of a bitch to me as vivid as i could remember, or should i say, as far as my listahan is telling me. inglesera ako Charo, pagpasenxahan mo na. millennial eh.. oo, inilista ko kasi lahat ng mga masasaklap na nangyari sa akin this year kasi pansin ko halos buwan-buwan na lang me dumarating na kabuwisitan eh. parang agad kong nahalata na hindi pabor sa akin ang taong ‘to. this Bitch! worst year i had so far ̶ ansabe ng listahan.

1. nagsimula ang lahat sa isang MAHIWAGANG UTANG na di ko naman ginawa. how i wished ako na lang yong nangutang eh, napakinabangan ko pa sana. but it was with this other bitch, which i am not going to mention here. so basically nangutang nga xa, sa 5-6. sabi niya palalaguin niya tindahan niya. sabi namin ng kapatid ko huwag, hindi kami pabor. kasi anupaman ang utang ay utang, lalo na sa 5-6. tapos mag-iinteres ito pag di mo nabayaran on time. so ako, bilang maganda pero mabuti at mabait na dalaga, nag-offer naman to give cash for the sari-sari store start-up. just enough para punuin ang maliit na tindahan. so Debbie Gibson agad ang bakla Charo. ang di namin alam, sekreto rin palang nangungutang ang ‘nyeta. bago namin nalaman, syempre lumlaki na yong utang niya sa iba’t-ibang lending churva. hanggang sa di na makatulog amputa.

syempre, nagalit kami. actually, galit na galit! pano umabot sa PHP98,798 yung utang eh maliit lang yong tindahan? like, 10k mapupuno mo na ito ganoon lang kaliit. hanung nangyari sa binigay ko? at ang saklap pa nito hindi niya ito masagot, at kung di raw namin xa bigyan ng pambayad, ibibenta niya raw yung kapirasong  lupa sa likod ng aming malawak na mansion, na pinaghirapang ipundar ng aking butihin at namayapa nang ama. HUNGKAPAAL. sarap sapatusin ang pagmumukha! to cut the temper-filled, furious, bad-mouthing story short, we ̶ ako at yung kuya ko ̶ resorted to providing the “aid” and it meant na ako yung magbibigay ng pinakamalaking portion of the babayaran: 75k. yong sobra kuya ko na. kahit masakit sa kalooban pumayag na lang ako. fuckshett amputa. sorry, Charo.

ibig sabihin kailangan kong magtabi ng panibagong 10k per month from my income para mabayaran lahat by July. alam mo yung feeling na tipid ka ng tipid para makaipon, tas there were times na mati-temp ka nang gumasta pero pigil kang magwaldas kasi me target amount kang iipunin tapos mawawala lang lahat sa UTANG na di mo ginawa kasi ikaw ngayon ang magbabayad?!! eh di sana iwinaldas ko na lang yung pera nag-enjoy pa ako! o di kaya pinamudmod ko na lang sa daan nakagawa pa ako ng kabutihan!

so to you my dear & beloved ‘other Bitch’: ILANG TAON MO RING PINUNO ANG PAXENXA KO, NGAYON NA SUKDULANG NA YUNG MGA PAGMAMALABIS MO, PWES, SUKDULAN NA KUNG SUKDULAN: MAGKALIMUTAN NA TAYO! KUNG ANU MAN SASABIHIN MO TUNGKOL SA AKIN, ICHISMIS MO MAN AKO SA MGA CHISMOSA NATING KAPIT-BAHAY NA MASAMA AKONG TAO, LANAKUMPAKE!! ALAM KO ANG TOTOO! HINDI NA AKO TUTULONG SA ‘YO AT GUGUTUMIN KO SIKMURA MO! MATUTO KANG MAGSUMIKAP SA SARILI MO KASI MALALAKI’T MATATANDA NA TAYO!!!

*pause sandali para uminom ng tubig*

2. POLICY CANCELLATION. so dahil kailangan magtipid at lalo pang higpitan yung sinturon ko because i am already straining on my monthly budget, i was left to make decisions and compromises with my other supposed financial commitments, Charo. at isa na dito itong kakakuha ko lang na isa pang insurance/savings/health/accident (lahat isali na naten!) policy. 3.7k din yung monthly at nakapag-down na ako ng 37k. tapos ang hindi ko alam, at hindi rin inexplain sa’kin ng hampaslupang agent na yon, na pag di mo pala makukuha balik yung idi-nown mo (o kahit half lang) pag di mo ito  maituloy sa pagbabayad ng hanggang sa maturity nito (5yrs), at halos isang taon pa lang ako. eh di syempre, na-bwisit na naman ako! tas umitim na naman ang lips ko sa galit! tas sinugod ko yong ahente pero wala na rin akong nagawa kasi nakapirma na ako sa mga dokumento. kaya warning para sa inyo mga kukuha ng mga insurance ka-eek ekan na yan, learn from my experience. mas mabuti mag-save na lang sa banko. maliit man yung interes, at wala mang health at accident insurance “kuno”, at least anytime pwede mo magamit yung pera kung kinakailangan! o di kaya’y mag-invest na lang sa ibang bagay na sigurado kang kikita!

3. NAMATAY YUNG KAISA-ISA KONG ASO noong may19. and that really, was a big blow on my part di man lang pinatapos yong summer. if you followed my blog Charo, i made a separate post about this. alam na nilang lahat yung kwento ikaw na lang ang hindi pa. dito ko talaga napatunayang malas talaga ako ngayong 2018, taon pa naman ng Aso. dito rin ako napaiyak. up until now me kirot pa rin lalo na’t i find myself alone tas yong aso talaga agad maalala ko. kasama ko kasi yon palagi eh. pero it gets better every day. di tulad nung sa umpisa halos araw-araw akong nalulungkot. minsan umiiyak kahit di naman talaga ako basta-basta umiiyak. sa gustong magback-read just click here.

4. ANOTHER IMPORTANT PERSON WENT AWAY FOR GOOD. Caroline left for US July 11 and this too, got me bitched up about this year. wala na akong ka-date every weekend. wala na akong kasama manuod ng sine, mag-kape kahit di xa fan ng kape, kakwentuhan, kachika, kasamang lumandi, at don sa mga simpleng bagay na nag-eenjoy kaming dalawa. ganito ka ba talaga ka bitch ha? hindi po ikaw tinutukoy ko, Charo, ang taong 2018 pow. inilalayo niya kasi lahat,wala ka ba xang sariling life pati mga kaibigan ko pinapakiki-alaman niya?

5. WHILE SITTING OUTSIDE THE TINDAHAN, KUSANG LUMAPIT LANG YONG GASTUSIN. so nakaupo lang ako sa labas sa me tindahan, wala na nga akong masamang ginagawa when this magaling at maganda naming feeling-sikat-na-ngayon na neighbor kasi me-matandang-afam-na-siyang-nagfifinance-sa-mga-gastusin-niya-buwan-buwan suddenly came to me to ask me kung okay lang ba daw na ako yung magbayad ng labor fee for the new proposed concrete fence in-between our mansions na dating gubat lang ang nagpapagitan. like this now-sosyal gurl suddenly just make lapit tas sasabihin sa’yo na di bababa 20k daw ang kakailanganin.. like wtf? okay? tatanungin mo pa ba ako na Okay lang? syempre hindi kasi gastusin yon, bobo! (di ikaw, Charo. peace.) di pa nga ako tapos sa pagbabayad ng UTANG na di ko ginawa heto gagasta na naman!

6. NAKAGAT AKO NG KUTING. nakwento ko na rin 'to sa blogelya, i made a separate post for this. you can back read here Charo. at di kumulang 15k lang naman ulet ang nagastos ko sa pagpapabakuna at kompletuhin lahat ng vaccinations, in less than a month lang bago ko binigay yung 20k sa sosyal naming neighbor! puta (xempre, not you).

7. and, before this December ended my desktop computer ̶ the one i use everyday ̶ went down. BANG. like, wutt? bigla na lang namatay yung monitor. tas after ng ilang minutes bigla na lang ulet babalik tas mamamatay na naman. hanu toh huh? pinaglalaruan ba talaga ako?!. hindi ka nakakatuwa, nabubwisit na nga ako leche! kala ko ok na tong mga natitirang araw pero me hirit pa eh.. pinu-punyeta talaga ako ng taong ito, shett. so again, i spent to have it checked but later found out that i really need a brand new unit so i bought one. wala na akong choice, Charo. at pagod na pagod na ako..

so basically, this 2018 year bitch made me whole year broke and evil. literally out-of-something-to-spend-for-leisure broke talaga. it made me the worst that i could be. and yeah, it made me more expressive of my frustrations, naging la mujer horrible ako in short, Charo. gosh, purita katigbak ang drama ng badaff! so my new-year’s resolution would be: i’ll mellow down this attitude of being too nice to people. or just stop being too kind na rin in general. ayoko nang inaabuso yong kabutihan ko. isa pa, wag magpapaloko sa mga insurance policy na yan! learn to say NO pag ayaw. at saka magtitipid talaga ako neksheer kasi kailangang makabawi. this incoming year, i’ll let my alter ego mask on. and 2019, you better not bitch around me coz i’m going to fuck your shit back.

hanggang dito na lang. maraming salamat sa 'yong pakikinig.



Naghihimutok pa sa galit,

BENDER, ang beking me dugong stripes.






photo taken from: eventsyard.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento