Huwebes, Disyembre 13, 2018

puso sa pasko o pasko sa puso?

meron bang pagkakaiba?

ngayong papalapit na ang pasko, sana isaisip ng lahat na ang pasko ay hindi sa mga palamuti, ilaw, regalo, at bonus, kundi ito ay galing sa puso ̶ yung di maipaliwanag na galak na nararamdaman sa paglingon sa mga mahahalagang bagay na nangyari sa ating buhay sa buong taon. pagmamahal na ibinigay na hindi umaasang papalitan din ng pagmamahal, at pagninila-nilay sa mga panibagong paparating na pag-asa. Pasko sa Puso ̶ ang mismong diwa, dahil ang pasko ay manga-galing sa puso ng bawat nagdiriwang nito, hindi lang puso para sa pasko o ang nakasanayang pagdiriwang sa isang mahalagang okasyon.

kaya maging masaya, maging mapagbigay, maging mapagmahal at punuin ng bagong pag-asa ang buhay dahil sa bawat paskong dumarating hindi lang ang parol ang dapat kumikislap, kundi ang dala nitong kakaiba at malalim na kasiyahang minsan lang mararamdaman sa isang taon. at yon ang mas importante.

so this Christmas, share not just



















..but also your heart























ay wrong pic po, ito pala.











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento